Rino Fernan Silverio’s “SHOWBIZ WHISPERS”

Umarangkada na naman ang mga Kapamilya stars sa ginanap na Guillermo Mendoza Memorial Awards Night 2012. Kung saan ay nagkasama-sama na yata ang pinaka-makikislap na bituin sa mundo ng showbiz. Nasungkit nina Anne Curtis at Cristine Reyes ang ‘Box-Office Queens’ Award dahil sa box-office hit nilang pelikulang “No Other Woman”; gayon din ang leading man nilang si Derek Ramsay bilang ‘Box-Office King’. Bukod sa ‘Box-Office Queen’, nasungkit din ni Anne ang ‘Most Popular Novelty Singer’ Award. Kung dati, dinadaan lang sa biro ang pagiging singer niya, ngayon ay puro papuri at parangal pa ang inaani nitong si Anne bilang isang singer.

anne curtis shared with cristine reyes the "box-office queen" award!
cristine reyes: more daring than anne!

Nakopo naman ni Vice Ganda ang ‘Phenomenal Box-Office Star’! At ‘Box-Office Tandem’ naman sina Aiai delas Alas at Vic Sotto. ‘Best Film Director’ si Wenn Deramas, ‘Concert Performer of the Year’ si Toni Gonzaga, ‘Recording Artists of the Year’ sina Christian Bautista at Angeline Quinto; ‘Most Popular Movie & TV Loveteam’ sina Erich Gonzales at Enchong Dee, ‘Television Prince & Princess’ sina Coco Martin at Kim Chiu.

angel
derek
direk wenn

 

toni
pokwang
sarah g.
christian

Samantala, ‘Prince & Princess of Philippine Movies’ sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo; ‘Film Actor of the Year’ si Aga Muhlach at ‘Film Actress of the Year’ si Angel Locsin dahil sa pelikula nilang “In The Name Of Love”.

Kabilang naman sa special awardee si Apl D’ Ap na ginawaran ng ‘Global Achievement Via Filipino Artist’ Award.

<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<>>>>>

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Kung naging maugong ang pagsampa ng kasong libel ni Ara Mina sa younger sister niyang si Cristine Reyes dahil sa umano’y paninirang-puri nito sa kanya dahil sa milyong pisong pagkakautang niya dito, nanatiling tahimik si Cristine ukol sa isyu. Isang kapatid na lamang nila ang nakiusap sa publiko na ipaubaya na lamang sa kanilang pamilya ang paglutas sa hidwaan ng mag-ate. Willing raw makipag-usap o makipag-ayos si Cristine sa kanyang ate; nag-text na raw ito kay Ara, kaya lang, hindi pa sumasagot si Ara. Ang balita, dinaan na lang daw sa pag-attend sa Bible Study nina Ara at cristine ang kanilang pag-aayos, bagama’t magkaiba ang religious congregation na kanilang dinaluhan.

Ayon pa sa mga kapatid at kaibigan ng dalawa, umaasa sila na sa huli raw, mananaig  pa rin ang lukso ng dugo kina Ara at Cristine. Ang latest: Ibinigay na raw ni Cristine ang ‘pinag-aawayan’ nilang condo sa kanilang ina. Mas rich na nga ngayon si Cristine keysa sa kanyang Ate dahil isang napakalaking bahay na ang naipoundar ito para sa kanyang sarili. Unlike Ara na ang lahat ng kinita sa kanyang pag-aartista noon ay napunta lahat sa kanilang pamilya. Kung hindi rin naman kasi dahil kay Ara, hindi magiging artista si Cristine na ngayon nga ay mas mayaman pa keysa sa kanya.

<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Aminado si Pokwang na naapektuhan siya ng husto sa pagkakawala sa ere ng kanilang isang noontime show noon, pero after a while naman, napalitan naman ito ng mas malalaki at mabibigat na mga proyekto. Tulad ng pang-‘Mother’s Day’ niyang pelikula na “The Mommy Returns” kung saan bukod sa nakatambal, ay nakahalikan pa niya ang kanyang idolong si Gabby Concepcion. Hindi lang ‘yun, makakasama rin niya ang isa pa niyang idolo, ang ‘Star For All Seasons’ na si Vilma Santos sa drama-horror film ni Chito Rono na “The Healing”, kung saan ay may mahalaga siyang role.

Sobrang ‘starstruck’ pa rin si Pokwang kay Gob Vi, kaya sa ilang eksena nila nito, napapatulala pa rin siya na parang nanaginip. Susunod namang itatampok ang komedyana sa inaabangang ‘fantaseryeng’ “Aryanna” na mapapanood na simula sa Lunes, May 7, bago mag-TV Patrol.

<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Panay pa rin ang dating ng magagandang blessings sa buhay ni Sarah Geronimo. Bukod sa kanyang top-rating musical show na “Sarah G. Live!”, isang mas mapangahas na hakbang ang magaganap sa pinaghahandaang birthday concert niya sa July 7, na gaganapin sa Araneta Coliseum.

“Ibang-iba po ang mga production numbers ko dito”, sey pa ni Sarah. “Magugulat kayo!”

Talaga yatang umaarangkada na ng husto ang Kapamilya Stars!

by rino fernan silverio