PATIKUL: Isang simpleng pelikula na may higanteng mensahe…



salamat at may isa pang direk joel lamangan! (photo by:eddie mar rico)

the film’s poster.

Saan ka ba bumabangon?
Tanong iyan ng isang TV commercial sa kape.
Kasi, pagkagising mo sa umaga, may dahilan ka para bumangon. May nag-uudyok…may nagtutulak sa ‘yo para bumangon ka na at gawin mo ang iyong misyon, mga adhikain, trabaho…
Pagkainom mo ng kape, kikilos ka na.
At magsisimula na ang buhay.
Ikaw, kanino ka ba bumabangon?

Simple lang ang sagot ko: Kung ako ang tatanungin, bumabangon ako para sa mga taong minamahal ko at pinapaglingkuran. Kaligayahan ko ang magsilbi, tungkulin ko ang magbigay ng aking kakayahan… para sa buhay. Para sa ganap na buhay…

Iyan din marahil ang tanong sa sarili ng bawat magsasakang namumuhay sa isang malayo at liblib na lugar ng Patikul, Mindanao. Para saan ba at bumabangon sila araw-araw para maghukay ng lupa, magtanim at mag-ani? Para saan? … Para sa kanilang mga pangarap, para sa mga anak nilang magpapatuloy sa mga pangarap na iyon…para sa bukas.

isang napakahalagang papel at hindi malilimutang pagganap ni allen dizon sa “patikul”

“Gusto n’yo bang matulad sa atin ang ating mga anak, ang lumaking mangmang!”, ito ang dayalogong hindi namin malilimutan sa pelikulang “Patikul”, kalahok sa darating na Cinemalaya 2011 para sa Director’s Showcase ng pestibal, na napakatapang na sinambit ng aktor na si Allen Dizon. Simple lang ang salita, pero malalim ang kahulugan. At doon halos bumuhos ang kabuuang kaisipan ng pelikula. Sa salitang binitiwan na iyon ni Allen Dizon.
Hindi kami nagtataka kung bakit nanalo ang screenplay na ito (ang mga credits ng pelikula-from actors to scriptwriter to director at iba pa ay mababasa sa ibaba ng artikulong ito) sa Carlos Palanca literary awards. Napakasimple ng istorya, pero may higanteng mensahe. Isang mensaheng kapag pinagpatuloy nating takasan o huwag pansinin ay magiging sanhi ng tuluyan nating pagkabagsak, at tuluyang pagka-iwan sa moderno at patuloy na umuunlad na mundo- ang EDUKASYON.
Gaano man kamangmang o ka-ignorante at kaaba-aba ang mga taong nakatira sa malayong lugar ng Patikul, alam naman nila ang kanilang mga sarili. Alam din nila ang kahalagaan ng edukasyon para sa kanilang mga anak. Alam din nila ang kanilang tungkulin sa lipunan: Ang magbigay ng edukasyon para sa kanilang mga anak.
At ‘yun ang tungkuling ipinaglaban nila ng husto sa kabuuan ng pelikula. Hindi dahil sa naghahangad sila ng kapalit sa kaginhawaang idudulot ng edukasyon sa kanilang mga anak. Kundi dahil alam nilang ito ang kanilang tungkulin sa buhay.
Ilang beses kaming napaiyak sa pelikulang ito. Tusok na tusok sa puso! Napaka-Pilipino ng pelikula. Walang pretensyon, walang pagmamayabang, walang pandaraya. Kahanga-hanga ang estilong ibinigay ni direk Joel Lamangan sa pagdidirek ng pelikula. Bawat eksena ay nagawan niya ng kakaibang kahulugan, ng kakaibang mahika at “execution” na hindi pa namin nakikita sa ibang mga pelikulang lokal na naipalabas na. Nagkaroon ng hustong kalayaan si direk Joel na humayo ng husto at mag-experiment sa atakeng gagawin niya sa pelikula. At, nagwagi siya.
Si Allen Dizon, bilang pangunahing aktor sa pelikula ay napakagaling. Kuhang-kuha niya ang karakter ng isang ‘ama’. Isang ama na nagmamahal sa kanyang anak, isang ama na nangangarap na bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak na matalino at matapang sa buhay. Kaya naman lumaban ang karakter ni Allen. Siya ang matibay na tumayo sa gitna ng mga krisis na naganap sa kanilang lugar sa Patikul. Kung saan nabigo ang karakter ng gurong ginampanan ni Marvin Agustin (na sensitibong nai-portray ni Marvin), ang adhikain ay ipinagpatuloy ng isang ama- sa katauhan ng karakter na ginampanan ni Allen.
Nagkaisa ang mga magsasaka ng kape sa coffee farm sa lugar ng Patikul. Bawat magulang- bawa’t ina, at bawat ama. Hindi sila pumayag na maging mangmang ang mga anak nila. At sa gitna ng mga “massacres”, barilan, salvages at mga enkuwentro sa lugar nila… hindi sila natakot na ihatid araw-araw ang mga guro sa isang elementaryang paaralan sa Patikul. Sila na ang mga nag-escort sa mga ito para hindi matakot na pumasok at magturo sa paaralan, sa mga estudyanteng anak ng mga magsasaka.
Wala kang maipipintas sa lahat ng mga artistang nagsiganap. Lahat ay magagaling. Maski sa teknikal na mga aspeto ng pelikula, lahat ay pulido. Bilang isang indie film, kahanga-hanga nga ang pelikulang ito.
Ito ang tunay na Pelikulang Pilipino. Ito rin ang tunay na “independent film”. Ito ang tunay na Lamangan.
Iilan na lamang ba ang mga tulad ni Lamangan ngayon na may tunay na malasakit para sa bansang Pilipinas? Ilan na lamang ba ang mga direktor na may magandang adhikain para sa tunay na moralidad ng mga Pilipino?
Ilan na lang?
Salamat, at may isa pang direk Joel Lamangan.

 

“Patikul” theatrical trailer.

“PATIKUL” credits:
Release Date: july, 2011
Genre: Drama

About:
A film about illiteracy in Patikul, Sulu

Description:
“PATIKUL” focuses on the problem of illiteracy in Patikul, Sulu

Plot Outline:
“PATIKUL” shows that Filipinos put premium on education, the uneducated muslim coffee farmers-parents. They sacrificed and still continue fighting to keep their children in school. This is a story of hope, love and compassion.

Awards:
“PATIKUL” script won first prized at 2010 Carlos Palanca Awards for Literature/Script Category

Starring:
Marvin Agustin, Allen Dizon,Glaiza De Castro, Dimples Romana, Ciara Sotto, Angelie Sanoy, Martin Delos Santos
Directed By:
Joel C. Lamangan
Written By:
Kristoffer Brugada
Produced By:
XITI Productions, Cinemalaya Foundations in cooperations with Sine Totoo Production

One thought on “PATIKUL: Isang simpleng pelikula na may higanteng mensahe…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s