NAAALALA PA RIN KITA, CINEMALAYA…
LALO NA ANG HANGIN NA SUMASALUBONG SA AKIN, SA TUWINA…
KAPAG AKO’Y PUMAPASOK NA SA LOOB NG PALASYO NG CCP…
O, ANG PAGLALAMBING NG MGA ALON SA MAY HARBOUR SQUARE KAPAG AKO’Y NANINIGARILYO NA SA LABAS NG MAIN COMPLEX NG CCP…
KASABAY NU’N, MARARAMDAMAN KO NA ANG KALULUWA MO, CINEMALAYA.
CINEMALAYA, MAHAL KITA.
PERO SA TAONG ITO, TILA BAGANG INILAYO KA “NILA” SA AKIN…
NI ISANG IMBITASYON, WALA AKONG NAKUHA, NI ISANG PAANYAYA MAN LANG BUHAT SA ISANG KAIBIGAN…
O NG MGA TAONG LUMIKHA SA MGA PELIKULANG KASALI, WALA PO.
KINAUSAP KO NA ANG DALAWANG DIREKTOR SA FACEBOOK, PERO WALA PA RIN-
NI ISANG PAANYAYA…
NU’NG PRESCON MO, CINEMALAYA, NI HINDI KO NALAMAN…
INILIHIM PA RIN “NILA” SA AKIN…
SADYA NGA BANG INILAYO KA NA NILA SA AKIN, CINEMALAYA?
IYON NGA ANG NAISIP KO.
BAKA AYAW NA “NILA” SA AKIN, CINEMALAYA…
BAKA KAPAG NAGPUNTA AKO DOON NG WALANG IMBITASYON,
AKO PA AY LAITIN…
IYON ULIT ANG NAISIP KO.
AYOKO KASING BAYARAN KA, CINEMALAYA.
DAHIL ALAM KO, HINDI KITA DAPAT BAYARAN…
DAHIL PARA SA AKIN, LIBRE KA.
AT, LIBRE DIN NAMAN AKO, CINEMALAYA…
HINDI MO RIN AKO DAPAT BAYARAN.
DAHIL ANG PAGIBIG KO SA IYO, WALANG KABAYARAN….
SANA, MAY MAG-IMBITA PA RIN SA AKIN
SA CLOSING FILM NA “HERMANO PULI”…
PARA KAHIT PAPA’NO, MAKITA PA RIN KITA…
MAAKAP, MADAMA.
AT, HABANG GINUGULO NG HANGIN ANG MAHABA AT ITIM MONG BUHOK,
HAHAWAKAN KO IYON, PANONOORIN, AAMUYIN…
IKAW ANG AKING “INA”, CINEMALAYA…
NAGBIBIGAY-BUHAY… NAGMAMAHAL…
ANG PELIKULA AY ANG AKING SIGLA AT SAYA!
NAGTATAMPO AKO SA IYO, CINEMALAYA.
PERO PARA QUE?
SA HULING ARAW MO, PIPILITIN KONG MAPUNTAHAN PA KITA…
MAHAL KITA, CINEMALAYA.
MAHAL NA MAHAL NA MAHAL… KITA.
HABAMBUHAY.
(sinulat ni robert manuguid silverio)