isang araw, sa mundo ng mga batang anghel sa PARAISO… (with bonus added pictures at nikki co’s birthday bash at hospicio de san jose taken by professional fotog- mr. carlo viajero)…


(VIDEO ABOVE, COURTESY OF: Click Here to Enter My Church fb page)

 

May mga bagay at pangyayari sa mundong ito na mabilis na naglalaho at nawawala. Tinatangay ng hangin sa kawalan, umuusad patungo sa Walang Hanggan.

Tulad din nga yata iyon ng konsepto ng Paraiso, na tila bagang tanging konsuwelo na lamang ng mga taong mabubuti at gumagawa ng naaayon para sa mundong kanilang kinasadlakan. Dahil ang paggawa ng mabuti sa modernong panahon ay tila pinagtatawanan na lamang, bina-bale-wala, kinukutya…

Ngunit salamat na lamang, may mga tao pa ring patuloy na naniniwala na hindi ang mga materyal na bagay lamang ang magpapasaya sa kanila. Kundi ang taos-pusong pagtulong, pag-akap at pagdamay sa mga taong MAS NANGANGAILANGAN.

Isang araw iyon sa mundo ng mga batang anghel sa PARAISO. Mga batang itinago ng panahon, inilayo sa mga tukso at kinubli ng mga ulap upang hindi na maagaw pa ng mga kasalanan. Mga batang kinupkop at inaaruga pa rin ngayon sa pinakamatagal nang bahay-ampunan dito sa Pilipinas- ang HOSPICIO DE SAN JOSE.

“Sana’y huwag ninyo kaming kalilimutan”, ang mga katagang hindi rin talaga namin malilimutan na binigkas ng isang madre sa amin nuong mismong araw na iyon sa Hospicio de San Jose. “Sana, ipahayag n’yo pa, ipamulat sa lahat- na naririto lang po kami at naghihintay sa kanila.”

Halos tumulo ang aming luha sa mga mga binigkas na iyon ng isang madre sa amin. Nakita namin sa kanyang mga mata ang saya at tuwa sa aming pagpunta- sa pagpunta ni NIKKI CO at ng kanyang mga kasamahan nuong araw na iyon sa Hospicio de San Jose. Dahil para kay Nikki, wala nang hihigit pang selebrasyon sa kanyang kaarawan mismo nu’ng araw na iyon kundi ang makapiling ang musmos na batang ulila na, wala nang mga magulang na nag-aaruga, kasama pa ang mga batang may kapansanan, mga “espesyal” na batang masasabi, mga may sakit sa pag-iisip at inabandona na ng mga taong nagmamahal sa kanila.

Mga batang wala nang matatakbuhan kundi ang mangarap na lamang sa lugar na iyon na nagbibigay-lilim sa kanila, mga batang may simpleng kaligayahan na lamang sa mga buhay nila, mga batang bigyan mo lang ng mga laruan ay titigil na sa pag-iyak, mga batang naghahanap ng akap, init, at pagmamahal…

Kasama ang mabait na manager ni Nikki na walang iba kundi si Mr. Martin Bellosillo, ang matutulunging bloggers ng Kapuso Brigade, ang maawaing mga fans ni Nikki na Niksters, at ang mga talents ng Elites Model management na sina Gertrud Hahn, JV Benito Villegas at Dance Elites – lahat sila, nakita naming tumulong, nagsilbi, umakap, nagmahal…

Si Gertrud, ibinigay pa ang mismong cap na suot niya para sa isang batang babaeng humiling niyon sa kanya…

Ang mga fans na Niksters, buong sayang nagsilbi ng mga pagkain para sa mga bata, maski pawis na pawis na silang lahat sa pagbubuhat ng mga karton at pagkain….

Ang mga bloggers, panay ang akap at karga sa mga bata, ipinadarama na sila ang mga nawawalang magulang kunwari ng mga ito…

Si JV, inaasikaso ang makukulit na bata at iniintindi silang lahat….

AT SI NIKKI, OO, SI NIKKI.

Nadama namin ng husto ang kanyang sinseridad nu’ng mga oras na iyon para sa mga batang iyon na kapus-palad. Mas pinili nitong tumabi sa isang maliit na bata habang kumakain dahil walang kasama ‘yung bata. Natuwa kami sa gesture na iyon ni Nikki, dahil maski inaya pa namin ito na tumabi sa amin habang kumakain, mas pinili pa rin niyang tumabi sa maliit na batang iyon…

Si Nikki rin talaga ang nakaisip ng lahat ng ito. Siya ang nagbigay ng mga pagkain at pananghalian para sa lahat nuong araw na iyon- sa tulong din ng kanyang manager at sa mga sponsors na tulad ng RC Cola, Chooks To Go, Mr. Donut, at iba pa…

Salamat din pala kay Mr. Felix Christian Cepeda dahil siya ang nag-host nung program,a sa araw na iyon at nagpamigay ng mga laruan para sa mga bata…

 

CUT TO:

Habang ang mga tili, hiyaw at lundag ng mga batang naroroon ay umaalingawngaw sa mga pintuan ng Walang Hanggan, ang mga salita’y kukulangin nga para mailarawan iyon. Minsan lang silang naririto at mabilis din silang lalaki at mawawala. Minsan lang silang mabubuhay, pero kinapos pa ng pagmamahal. Minsan lang silang ngingiti, at pagkatapos, wala na.

Kaya sana, samantalahin natin ang konseptong meron pa ring Paraiso at meron pa ring FOREVER.

 

MAGPASA-WALANG HANGGAN.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

MR. CARLO VIAJERO, PHOTOGRAPHER- WITH BLOGGER ROBERT SILVERIO
BLOGGER ROBERT SILVERIO WITH MR. CARLO VIAJERO, PHOTOGRAPHER.

 

MARAMING-MARAMING SALAMAT PO SA MGA LARAWANG KUHA NI MR. CARLO VIAJERO SA IBABA DAHIL MULI NAMING NASILIP ANG “PARAISO”.

NIKKI NIKKI10 NIKKI11 NIKKI12 NIKKI13 NIKKI14 NIKKI15 NIKKI16 NIKKI17 NIKKI18 NIKKI19 NIKKI2 NIKKI20 NIKKI21 NIKKI24 NIKKI25 NIKKI26 NIKKI27 NIKKI28 NIKKI29NIKKI4NIKKI40NIKKI41NIKKI43NIKKI44NIKKI45NIKKI47NIKKI49NIKKI5NIKKI50NIKKI53NIKKI55NIKKI57NIKKI59NIKKI6NIKKI61NIKKI63NIKKI65NIKKI7NIKKI70NIKKI71NIKKI72NIKKI73NIKKI74NIKKI75NIKKI76NIKKI78NIKKI77

 

One thought on “isang araw, sa mundo ng mga batang anghel sa PARAISO… (with bonus added pictures at nikki co’s birthday bash at hospicio de san jose taken by professional fotog- mr. carlo viajero)…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s