happy birthday, lance!

 

 

happy birthday, lance…

you are my angel…

a wonderful friend

a gentle creature

a good person.

 

more than that,

a very artistic soul-

outstanding singer

a fashion model

and a serious actor.

 

i wish you all the best

hugs

kisses

words of love

TO YOU.

 

 

BY ROBERT MANUGUID SILVERIO

 

 

richard gomez, tatakbo bilang meyor ng ormoc city sa darating na 2013 elections!

richard gomez at the time of his great sexiness and youth.

Lalaki. May isang salita.

Matikas. Deretso. Totoo. Prangka.

At higit sa lahat, RESPONSABLE.

Iyan ang Richard Gomez na nakilala namin. Sa matagal na panahon. Sa napaka-‘totoo’ niyang pagkatao. Sa tuwina…

richard is still opting for a political career.

Kaya naman, nang sabihin sa amin ni Richard Gomez (nu’ng minsang mapabisita kami sa set ng teleseryeng “Walang Hanggan”) na tatakbo muli siya sa darating na 2013 elections, this time, bilang Mayor ng Ormoc City ay hindi na kami nagtaka at nabigla.

“Richard, you’ve got what it takes to be a great leader!”, sinabi pa ng blogger na ito kay Richard.

Ang magagandang qualities sa character ni Richard ay tunay namang mga senyales ng pagiging isang good leader someday. Kaya naman buo na rin ang desisyon niya.

Magdadaos din si Richard ng kanyang GOMA Golf Cup later this year sa Ormoc City. Mag-iimbita siya doon ng mga kaibigan niyang mga sikat na artista.

“These days kasi, cancelled pa ang lahat ng domestic flights sa Ormoc City kaya mahirap pumunta dun pa as of now”, sabi ni Richard sa blogger na ito. “Once na naayos na ang mga domestic flights doon, pupunta na ako at bibisita sa lugar na nais kong mai-develop at paglingkuran kung papalarin akong manalo doon bilang Mayor.”

richard with wife lucy.

Samantala, ang butihing maybahay naman ni Richard na si Lucy Torres-Gomez ay isa na ngayong Congresswoman sa Fourth District ng Leyte province. Isa na ring Assistant Majority Leader ngayon si Lucy sa Kongreso. Maganda at very promising ang mga political careers nilang mag-asawa.

Bukod pa sa hindi sila nawawalan pareho ng mga TV projects. Si Richard, sa pag-arte, at si Lucy naman, sa pagho-host at pagdya-judge sa mga reality TV shows.

Ang only daughter nilang si Juliana ay 11 years old na ngayon. How time flies!

Sina Sharon Cuneta, Melissa Perez-Rubio at Dawn Zulueta pa lamang ang mga girlfriends ni Richard noon kabataan namin, saksi na ang blogger na ito!

But Richard Gomez never ceased to be happy. At hindi rin naman siya nagbago ng pakikitungo sa blogger na ito.

“Hindi nila dapat inaapi o inaalipusta ang mga kaibigan kong writer sa showbiz”, nasabi ni Richard para sa amin. “Kung wala sila, wala rin kami dito. They should be kind to movie writers.”

richard never changed.

Puno ng puso. Pagmamalasakit. Pagmamahal.

Iyan si Richard Gomez magmula pa noon, at magpasa-hanggang ngayon.

Magpakailanman.

 

 

words by robert manuguid silverio

bakit kumikislap ang mga mata ni julia montes sa tuwing mababanggit ang pangalang ‘enchong dee’?

the late aj perez and julia montes: sila sana ang magka-loveteam ngayon.

Kung hindi lamang sana yumao ang napaka-guwapong si AJ Perez, siya sana ang ka-loveteam ngayon ni Julia Montes sa lahat ng mga TV and movie projects nito sa channel 2 at sa Star Cinema.

Sila sana ngayon ang tinitilian ng husto ng mga fans, sila sana ngayon ay tinutukso at minamahal, sila sana ngayon ang makikitang madalas na magkadikit at magkasama sa lahat ng bagay at events sa showbiz o kung saan-saan pa…

Pero we cannot argue with FATE.

Nag-i-imagine na lang ang blogger na ito na si AJ Perez ‘yung gumaganap na Daniel sa teleseryeng “Walang Hanggan”. Imbis na si Coco Martin, pinipikit namin ang aming mga mata at ini-imagine na si AJ yung kaeksena ni Julia. To the max, ‘no???

Sayang talaga. Si Coco Martin tuloy ang nakakuha ng napakagandang ‘karakter’ na ‘yun sa “Walang Hanggan”. Maski yung isang pelikulang ginawa rin ni Julia sa Star Cinema na “Way Back Home”, si Sam Concepcion naman ang pumalit sa role ni AJ. By this time sana, AJ is the “number one youngest leading man of beautiful leading ladies” na!!

Again, we say, we cannot argue with FATE. God has His own reasons why.

“Nami-miss ko po si AJ, siya sana ang leading man ko ngayon”, nawika sa amin ni Julia nu’ng minsang bisitahin namin siya sa set ng Walang Hanggan. “Siya na yata ang pinakamabait na artistang lalaki na nakilala ko. Ang gaganda ng plano ng channel 2 sa aming dalawa bilang magka-loveteam.”

julia and enchong: hhhmmmmm…. “let’s see in the future”.

But life went on for Julia even without AJ. Ngayon, may dumating namang isang lalaking tila isang bubuyog na umaali-aligid sa magandang halimuyak ni Julia. Si Enchong Dee.

laging may ibang nakabantay sa tuwing magde-date sina julia at enchong!

Tanong namin kay Julia: Pumayag na nga ba si ‘Mr. M’ (Johnny Manahan) na manligaw na sa kanya ng all-out si Enchong?

Sagot ni Julia:

“Sabi ni Mr. M kay Enchong , saka na muna raw po. Bata pa raw kasi ako. And I am only seventeen years old now.”

Isa na kasi ngayon si Julia sa mga “most-priced possesions” ng channel 2 dahil sa success sa ratings ng Walang Hanggan. Kaya naman, talagang iniingatan siya at pinoprotektahan ng Star Magic. Bukod pa kina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Piolo Pascual at iba pa.

Pero nu’ng araw na ‘yun na makapanayam namin si Julia, napansin namin, KUMIKISLAP NG HUSTO ang kanyang mga mata sa tuwing mababanggit ang pangalang “Enchong Dee”.

Hindi maipagkakaila. Hindi maikukubli ang mga kislap na yun sa kanyang mga mata. Sumisigla, sumasaya…

“Mabait po si Enchong”, pagpapatuloy na sabi ni Julia sa blogger na ito. “At inaamin ko na po sa inyo ngayon, lumalabas na kami ni Enchong paminsan-minsan. Yes, nakikipag-date ako sa kanya, friendly and wholesome dates lang. No strings attached. We just enjoy each other’s company.”

Lagi namang nandyan kasi ang butihing ina ni Julia na si Mrs. Montes at nagbabantay sa tuwing may ka-date si Julia. Of course naman, ‘no? Menor de edad pa si Julia!

“I miss AJ!”— julia.

Meanwhile, isang tahasang tanong kay Julia: MAY PAG-ASA BA SI ENCHONG DEE SA PUSO NIYA?

“Let’s see in the future”, mabilis na sagot bilang pagtatapos ni Julia Montes.

words by robert manuguid silverio