MR. RONALDO CARBALLO WRITES A VERY WONDERFUL REVIEW FOR THE PLAY “KATIPS”…


ronaldo carballo: one of the most prolific writers that the Philippine Entertainment scene has produced.
ronaldo carballo: one of the most prolific writers that the Philippine Entertainment scene has produced.

SINULAT NI: MR. RONALDO CARBALLO

 

MAMUMULAT ANG MGA INOSENTE AT WALANG MUWANG, HABANG MULI AT MULING MAMUMULAT ANG MATAGAL NANG IMINULAT NG MALULUPIT NA KARANASAN SA BATAS MILITAR NG ISANG MALAYONG NAGDAANG REHIMEN…


Paakyat pa lang ako sa cinema 9 ng sm north edsa na kasalubong ko ang sangrekwang taong nanood ng mas naunang screening na talbog ang dami ng tao ng isang blockbuster star cinema movie, bilang venue ng grand opening day ng pagtatanghal ng prestihiyoso’t award winning theater group, Philippine Stagers Foundation (PSF), ng KATIPS: MGA BAGONG KATIPUNERO bilang kanilang 2016 season of performances ’til march, 2017 na iikot sa buong pilipinas…kinilabutan na ko sa dami nang nagbalik sa aking alaala. Na aaminin ko, kay tagal ko nang di naalala, kung di ko man sadyang kinalimutan mula nang pumasok na ko sa showbiz nung 1981.


Ipinaalala sa akin ng tagpong yun na sa “teatro” din nagsimula ang buhay ko nung ako’y high school, na nagbunsod para maging kung ano ako ngayon. Kinse anyos pa lang ako, sumulat at nagdirek na ako ng ilang stage plays na nagwagi sa mga kumpetisyon ng mga public high school sa division of city schools in metro manila. Yun nga ang nagbukas ng pinto para makapag-playwriting workshop ako sa PETA at maging scholar ng UP PALIHANG AURELIO TOLENTINO PLAYWRITING WORKSHOP, kung saan nagwagi rin ako sa PALIHANG AURELIO TOLENTINO NATIONAL PLAYWRITING CONTEST noong 1979 na si direk Joel Lamangan ang naging consultant-mentor ko habang isinusulat ko ang aking entry. Hindi pa kilalang direktor ng pelikula si direk joel nung mga panahong yun. Doon nga nagsimula ang aming tunay na pagkakaibigan. Hanggang pinagtagpo uli kami sa showbiz para maging writer-director team sa maraming proyekto sa tv at ilang pelikula.


Kamakailan nga lamang din, magkasabay naming pinanood ni direk joel ang Palanca award winning play ni direk vince tanada na “ANG BANGKAY” na pareho naming gustung-gusto ang pagkagawa. Nasabi ko kay direk joel na, “Ang husay-husay sumulat at magdirek ng play ni direk Vince Tanada” at sumang-ayon siya. At sabi ko pa, “Parang di ko na kayang sumulat at magdirek ng play. Nakalimutan ko na mula nang maging TV at pelikula na ang medium na nakasanayan ko”.


Sabi naman ni direk joel nang may pangungumbinse, “Hindi mo malilimutan yun. Maaaring ayaw mo na lang. Pero kung gugustuhin mo, makakasulat ka pa rin ng dula”—kase nga si direk joel, kahit ano na ang narating sa pelikula sa mahabang panahon, hindi pa rin niya iniwan ang teatro bilang mahusay na artista at direktor.


Sa lobby ng sinehan, kasama ang maraming naghihintay na muling pupuno ng venue, habang iniintay na naming papasukin kami sa 3:30pm show, dumating naman ang naging mentor ko sa pagsulat ng screenplay, ang hari ng mga screenwriters na si RICKY LEE.

True enough, tunay na blockbuster nga ang grand opening day ng KATIPS. Punung-puno ng tao ang sinehan.
Nagsisimula pa lang ang dula sa eksenang picket sa mendiola nung 70’s nagpapalakpakan na ang mga manonood at kinikilabutan na ko sa pambungad na awit pa lang. Doon, bigla ko rin naalala na ang ipinanalo ko palang dula sa U.P. PALIHANG AURELIO TOLENTINO NATIONAL PLAYWRITING CONTEST ay “NANG BINULABOG ANG MGA LANGGAM”, isang allegorical play na subersibo . Allegorical play yun kase bawal nga magtanghal ng anumang dulang laban sa isang rehimen, kaya ikinubli ko angmga tunay na karakter sa mga hayop (Ang kapitalistang amerikano “uncle sam”–HARING TAO; HARING ASO; Mga militar at pulis na pumapatay ng mamamayan–MGA TUTA; Mga bayarang media na nagbabalita ng mga maling balita–MGA LORO; mga construction firm na magtatayo ng pabrika para sa interes ng mga amerikano—MGA GAGAMBA; at marami pang iba).
Ngayon, matapos mapalayas ang isang leader nung 1986 mula sa mahigit isang dekadang pagkabilanggo ng ating kalayaan, heto ang KATIPS, malayang naitatanghal ang tungkol sa katotohanan ng martial law na halos ikinubli sa kasaysayan at hindi man lang itinuturo sa mga eskwelahan.
Mabuti na lang, muling binuhay ni direk vince ang tutuong kwentong walang kasinungalingan tungkol sa lagim, kalupitan at karahasan ng gobyerno noon, kung saan hindi lang basta may curfew, kundi nililigpit, winawala, pinapatay at binubura sa mundo ang sinumang hindi sumasang-ayon sa mapaniil sa pamamalakad ng isang pinuno. Lalo na nga ang mga subersibong estudyante at lahat ng kumikilos sa “underground”. Buhay ang mga tao, naglalakad, humihinga, ngunit daig pa ang nakagapos ang mga kamay at paa; may busal ang bibig; tila putol ang mga dila na di makapagsalita ng katotohanan laban sa kaapihan mula sa mga naghaharing uri dahil lahat sakal-sakal at walang kalayaan.
Marubdob, masakit at nakakikilabot maalala ang mala-bangungot na pangitaing ito na buong-tapang na inilalarawan ng dulang-musikal. Na kahit pilit ko nang kinalimutan ang sarili kong karanasan sa mga panahong yun ay nanariwa ngang lahat dahil sa mahusay na paglalarawan at pagbibigay-buhay ng mga pangunahing tauhan at lahat ng buong enssemble of supporting cast.
Sa KATIPS, kung saan nagkatagpu-tagpo ang representante ng “mga bagong katipunero”. Ang katips ay isang bahay sa UP campus nung 70’s na paga-ari ni alet (adelle ibarrientos), isang kasamang kumukupkop ng mga kasamang aktibista pag aabutan na ng curfew; pinapakain ang nagugutom at ginagamot ang mga nasugatan sa mga rally, demonstrasyon at engkwentro.
Sa tahanan ngang yun sila nagtatagpu-tagpo at nanunuluyan pag sila’y nasa kapatagan. Doon namin nakilala nang lubos ang mga karakter ng mga pangunahing tauhan na iba-iba ang pinanggalingan at ginagawa sa buhay, ngunit may iisang ipinaglalaban: ang mapatid ang tanikala ng pang-aalipin ng mga naghaharing-uri at makamit ang kalayaan mula sa pagtakas sa isang diktadurya.
Walang tulak-kabigin sa brilliant performances ng lahat, lalo na nga ang mga pangunahing tauhan: si PANYONG ( Vince Tanada) na isang editor ng “ANG BAYAN”, isang subersibong newsletter noon na lihim na lihim na ipinamamhagi (at sa tutuong buhay, nagkaroon din ako ng pagkakataong mag-ambag ng sulatin sa newsletter na yun).
Si LARA (Maya Encila), na isang dalagitang lumaki sa amerika at umuwi sa pilipinas para hanapin ang kanyang amang professor sa UP. Wala siya ni katiting na kamulatan sa uri ng pamamalakad ni marcos sa sarili niyang bansa hanggang na-meet niya si GREG (Kevin Posadas) na isa rin aktibistang estudyante. Dinala siya sa Katips, only to find out na pinatay ang tatay niya nang walang kalaban-laban. Doon, unti-unti siyang namulat sa katotohanan ng buhay sa pilipinas sa isang rehimen nung panahon na iyon. Hindi man niya kayang ipagtanggol o buhayin pa ang kanyang ama, may adhikain na rin siyang baguhin ang sistema sa pamamagitan ng pakikibaka. Tunay pa rin nga siyang filipino kahit pilipit ang dila niya sa tagalog. Kasabay nito’y ang pamumukadkad ng pag-iibigan nila ni Greg. Tulad rin ng pag-iibigan nina Panyong at Alet; ESTONG (Gerald Magallanes) at SUSIE (Vean Olmedo); ART (John Rey Rivas) at LALLY (Rospel Gonzales).
Tulad rin ng nakamulat na katotohanan, sa gitna ng kagipitan at walang katapusang pagtatago, minsa’y gumagaan ang sitwasyon dahil sa nabuong pag-ibig at pagmamahalan sa apat na pares na tauhan na nabanggit.
All through out the two and a half hours three act play, susundan mo ang mga hinaing ng mga tauhang ito; makikiiyak ka sa kanilang mga dalamhati likha ng mapanggipit na gobyerno; subalit mamahalin mo rin sila ng lubos at makikisali ka sa sarap ng pakiramdam nila habang nagmamahal na unti-unting isinisiwalat ng very endearing performance nilang galing sa puso para patagusin sa bawat puso ng manonood, sa pamamagitan rin ng mga awit na nilikha ang bawat akampanya ng live ng henyong direktor ng musika na si Pipo Omallao Cifra; sa mahusay na tulong naman ni Robert Encila bilang repetiteur-live keyboardist ng dula.
The production design is simple & yet, visually powerful by the imaginative creativity of JEFF AMBROSIO.
That was my favorite scene na “tuhog” na nag-uusap ang apat na pares na umiibig sa kung anong tunay nilang nararamdaman at inawit nila ng buong husay ang nagmarka rin sa aking awit na “SA GITNA NG GULO”.
The music are really brilliantly composed na napakalaking lahok sa isang musical play. Kahit mabigat ang tema ng dula, gumaan ito at mas madaling naarok ng mga kabataang walang alam sa malupit na nakaraan ang tunay na mensahe ng dula na tunay ngang tumitimo sa bawat puso at isipan ng lahat.
Lahat ng awit ay makabuluhan at tulad ng mensahe ng dula ito ay mahirap nang kalimutan, lalo na bukod sa “Sa gitna ng gulo”, tumimo rin sa puso ko nang husto ang “MANHID”, sung by temyong himself expressing his long-overdue suppresed love for alet, na si alet ay unang nagmahal kay BEN (john jerricho gapido porciuncula) at nabigo dahil ito’y isa palang…oooops, dapat panoorin ninyo.
Sa mga napanood ko na in the past, given na ang husay nina vince and adelle as seasoned actors, pero naging one of the most touching & powerful pa rin yung scene nilang yun na “manhid”.
Gusto ko rin yung mga awiting “WELGA KAMI” (Kahit nung teaser pa lang ito sa press launch), kung saan lumutang ang very convincing performances ng tatlong mga nakakabuwisit na torturer na sina JP Lopez; Art Andrade & Chris Lim, respectively;
Markado rin ang masaya at nakatutuwang awit ng isang grupo ng mga loyalistang mga metro aide, headed by Ching Ortega as Mang Temyong with his consistent & remarkable performance, as ever.
Siyempre mahirap din kalimutan ang magkakaibang husay nina Gerald Magallanes (na very commendable din with his very danceable choreography as the musical’s choreographer); john rey rivas who came very strong on stage with his singing voice aside from a powerful acting; at si vean olmedo na consistently good with her comic visayan accent activist. Such a versatile actress after watching her in various serious dramatic roles in the past especially in “ang bangkay”.
But most of all, i will never forget all the songs involving the tandem of Lara & Greg (Maya Encila & Kevin Posadas, respectively). Very endearing performances. Susundan mo at mamahalin mo silang dalawa sa journey nila ’til the end. Maya is such a revelation. I met her & talked to her personally in the press launch. She’s just a cute, innocent & very pretty baby. Pero sa stage, she’s a “giant” na pwede niyang lamunin ng buong-buo ang lahat ng kaeksena niya kung hindi ito mga equally kasing-huhusay niya. She’s such a charmer, but never just a pretty face. Ang lakas ng dating! Brilliant young singer-actress that will go a long, long way.
Kevin is so magical. Iba rin siya sa stage. Ang lakas ng stage presence. With his acting & perfect vocals, you will be moved by his powerful performance. A profile of a very professional theater actor tackling different roles at its best (that i’ve seen too in the past).
All in all, KATIPS is an experience. A wonderful touching experience of a hidden truth that was kept for a long time na muntik na nating di mapanood at maaaring kung hindi naglakas-loob si direk vince tanada to staged this, baka tuluyan na ngang basta na lang ibinaon sa limot.
Masaya naman ang mga millenials na dati’y walang alam na nanood na nakausap namin. Kay bilis nilang na-absorb ang mensahe. Sabi nila, “Sana huwag na maulit ang panahon na iyon. Sana pangalagaan na natin ang ating kalayaan. Sana huwag ilibing ang pinunong iyon sa libingan ng mga bayani. Hindi pala karapat-dapat”.
Sabi nga ni Ricky Lee na biktima rin ng panggigipit at sapilitang ikinulong nung mga panahon na iyon, “Maganda. Buti may mga ganito pang napapanood. At maraming kabataang nanood. Sana kumalat. Para mas marami pang makapanood”.
Yes, ricky. Pangako ikalalat natin. Dahil tunay ka, dapat mapanood ng lahat at mas nakararami pa ang KATIPS, ANG MGA BAGONG KATIPUNERO. You have all the time to see this very truthful musical play in different venues all over the philippines, in all weekends with four performances each day until march, 2017.

Please check the dates & venues. Don’t miss it…

katipsvino

vince: deep message to the youth
vince: deep message to the youth

One thought on “MR. RONALDO CARBALLO WRITES A VERY WONDERFUL REVIEW FOR THE PLAY “KATIPS”…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s