“MY BROKEN WING” (an open letter to ladlad BY ROBERT SILVERIO)

a broken wing….of mine.

THE BROKEN WING

“tell me not to fly…

and the broken wing is undone.” — (r.s., may 25, 2012)

 

(an open letter to ladlad)

Dear Boy Abunda, Danton, Bemz and Adel,

Nu’ng isang araw ay napadaan ako habang naglalakad sa may Masinag Market, Marcos Hiway, Antipolo. Malapit lang yun sa SM Masinag at sa bahay namin sa Kingsville Subdivision. Nakita ko ang ikalawang palapag ng Masinag Market na kung saan, doon kami tumatambay dati ng mga kaibigan at kabarkada kong mga bading. May beauty salon kasi doon ang isa naming ka-tropang si Ate Bombie. Biglang nagbalik sa mga ala-ala ko ang masasaya kong mga araw noon sa piling ng mga ka-tropang kong bading sa may Masinag. Pero mabilis lang, agad na nabalutan ako ng kalungkutan pagkatapos. Naalala ko kasi bigla si Beng (si Bern Rose Oriel, R.I.P., in real life), ang kabarkada kong bading na pinaslang daw diumano at na-murder daw diumano ng mga hindi malaman na salarin. Malapit kami ni Beng sa isa’t-isa dahil pareho kaming emosyonal, mapagmahal, mabait sa kapwa namin bading. Isa siya sa mga non-showbiz friends kong hindi ko talaga malilimutan. Kaya sa loob ng puso ko, humihingi ako ng katarungan sa kanyang pagkamatay.

Bakit ko po nabanggit ito? Kasi po, hanggang ngayon, nararamdaman ko na ang mga LGBT’s sa Pilipinas ay patuloy pa ring nakakaranas ng diskriminasyon, pagka-api, at pagkawalan ng hustisya upang maipaglaban ang kanilang karapatan. Sa pamilya, sila pa rin ay naaapi. Sa mga lalaki, sila pa rin ay naloloko. Sa mga krimen na nagagawa sa kanila, sila ay hindi nabibigyan ng sapat at tamang hustisya.

Hindi lang si Beng. Marami pa akong mga kaibigang bading na na-murder din. Pero lahat sila, sa aking pagkakaalam, walang katarungang naganap. Ang huling kaibigan kong bading na na-murder ay si Allan Martinez  (R.I.P.), na kilala din sa showbiz, at kaibigan ng mga direktor na sina direk Buboy Tan at direk Edd Palmos. Hanggang ngayon, wala pa akong balita kung nahuli na ba ang mga diumano’y pumaslang sa kanya.

 

this blogger with mr. boy abunda, mols panding (of baseco ladlad) and miss bemz benedito- during the unveiling of ladlad partylist’s logo.

Bakit ko po ba nababanggit ang mga ito? Dahil alam ko pong kritikal na. Alam ko pong kung hindi tayo kikilos, kung hindi natin tutulungan ang isa’t-isa, ito ay lalala ng lalala. Ang akala natin, tuluyan na tayong natanggap sa moralidad ng bawat Pilipino at ng kulturang Pinoy. Pero hindi po. Tahimik lang sila, nguni’t sadyang hindi pa po tayo tuluyang natatanggap, gaya ng pag-aakala ng iba.

Kaya naman, magmula nu’ng makita ko sa web ang Outrage webzine nina David dela Cruz or Mr. David White ang ukol sa LGBT’s, nagkaroon ako ng tapang sa sarili ko. Naririto ang grupong handang lumaban, handang magtanggol at handang ipakita ang katotohanan sa mga tunay na nangyayari sa LGBT’s. Humingi ng tulong ang LGBT’s sa mga sikat na celebrities na alam nilang miyembro rin ng LGBT (Lesbians, Gays, Transgenders, Bisexuals). Nguni’t sa karamihan nito, nagtakip lang ng mga mata. Iilan lang ang nakakita at tumingin. At isa na rito si MR. BOY ABUNDA.

Isinilang ang grupong Ladlad ni Ginoong Danton Remoto. Natuwa ako. Naging very visible sila sa web. Sa Facebook. Sa media. Pagkalaunan, dumating na ang taong sumuporta ng husto sa kanila- si Boy Abunda pa rin – na siya na ngayong Senior Party Adviser nila.

Pero nitong mga nagdaang araw, ako ay sadyang nagtampo at naghimutok sa Ladlad.

Ito ay umigting nuong mapasabak sa isyu ang iniidolo nating boxing hero na si Manny Pacquiao, ukol sa nasabi niya, diumano, na hindi pagsang-ayon sa SAME SEX marriage. Marami ang bumatikos kay Manny, lalo na sa mundo ng internet at social networking sites. Hanggang sa nag-explain siya sa TV show niyang “Many, Manny Prizes” ng kanyang side. Doon ko tuluyang nakita ang tunay na Manny Pacquiao, dahil habang nagsasalita siya sa harap ng kamera, naramdaman ko ang kanyang kaluluwa, ang kanyang sinseridad, sa malumanay niyang pagsasalita.

“Totoong tao nga si Manny Pacquiao”, nawika ko pa sa aking sarili.

Pero isa kasi ako sa mga nasaktan ni Manny. Isa ako doon sa mga sang-ayon sa SAME SEX MARRIAGE, I go for SAME SEX marriage! Ito ay isang tunay na karapatang pantao para sa aking paniniwala. Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi sapat ang page-explain ni Manny, kulang iyon. Dapat humingi siya ng public apology…

 

mr. adel macaldo (ladlad’s media officer), this blogger and mr. gelo camaya of ladlad.

Inaasahan ko sana na ang LADLAD Partylist ay magkakaroon ng pakikipaglaban sa SAME SEX marriage din. Pero, napag-alaman ko, majority of the party didn’t go or approve of the same sex marriage. Mas prayoridad ng Ladlad ang iba pang mas importanteng urgent issues sa LGBT. Tulad ng anti-discrimination law na nais nilang ipatupad at ang growing HIV-AIDS problem.

Ladlad feels that same sex marriage is a fundamental human right. Pero mas uunahin muna nila ang iba pang mas “delicate matters”.

Pasensya na po.

Pero sadyang nasaktan ako. Sadyang nagtampo ako…

Kuya Boy, Bemz, Adel, Mr. Remoto…Para sa inyo po talaga ang open-letter na ito.

Muntik ko kayong awayin ng husto sa mga text messages ko kina Kuya Boy, Adel at Bemz at maski na sa Facebook posts ko.Muli, pasensya na po.

Hindi kasi ganun ang inaasahan ko. Ang akala ko, sama-sama tayong lalaban. Sama-sama tayong magkakaisa. Ang akala ko, hindi ninyo AKO iiwan…

Sa damdamin ko, napaka-importante ng SAME SEX marriage issue na iyan. Diyan nakasalalay ang tunay na kaligayahan ng isang GAY na tulad ko.

Maging taliwas man ito sa relihiyon kong Katolisismo, ipaglalaban ko ang “same sex marriage”, para sa mga susunod pang mga henerasyon ng LGBT’s.

Karapatan nating lahat ang maging maligaya, ang magkaroon ng marriage vows sa ating minamahal, maski ba ito ay kauri natin.

At, para sa akin, ITO ANG PINAKA-IMPORTANTENG ISYU NA DAPAT UNAHIN SA MUNDO NG LGBT’s.

Bago ako magtapos sa aking open letter, ako ay magpapaalam na muna pasumandali sa LADLAD. Kasi, kailanman, sa lahat ng mga okasyon na dinaluhan ko sa inyong Partylist, I never felt I BELONGED. Hindi ko nakita yung pagkalingap na hinahanap ko. Pasensya na po…

Sa akin pong opinyon, hindi ito ang tamang “idea” ko ng mga matatapang at lumalaban na LGBT’s na handa akong protektahan. Opinyon ko po ito.

Handa ako na isakripisyo ang aking FRIENDSHIP o anumang relasyon sa ilan sa inyo alang-alang sa aking pakikipaglaban. Kaya asahan ninyo, ngayon pa lamang, LALAYO NA AKO.

I could feel now, this is going to be a sad and lonely FIGHT for me.

 

Hindi ko na kayo gagambalain pa after this open letter.

Malungkot lang ako dahil ang isang SAND CASTLE na binuo ng isipan ko, inidolo, hinangaan…. ay tulad din pala ng iba. Matutumba, madudurog.

Ito yung “idealism” ko na hindi ko pa rin nakita sa inyo. O kung ‘kanino’ man sa inyo.

Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng paumanhin kung sasabihin ko na “nagkamali pala ako”.

Hanggang dito na lamang, at maraming salamat.

 

 

 Nagmamahal,

ROBERT MANUGID SILVERIO