“CINEMALAYA 2016 MEMORIES” WITH EXCLUSIVE PHOTOS BY DON GORDON BELL…


SA DAPIT HAPON NG BUHAY MO, SIMPLE NA LANG SIGURO ANG KALIGAYAHAN MO. NGINGITI KA NA SA BANAYAD NA SALPOK NG HANGIN SA IYONG MUKHA, O SA MASASAYANG PATAK NG ULAN NA DUMADALOY BUHAT SA ULO MO, NA TILA BINIBIRO KA AT KINIKILITI…

SA DAPIT HAPON NG BUHAY MO, ISA LANG DIN SA MGA BAGAY NA HINIHILING MO AY ‘YUNG MAKAPANOOD KA NG MGA ARTISTIKONG PELIKULA NA GAWA NG MGA MAKABAGONG ARTISTIKONG NILALANG SA IKA-PITONG SINING.

NA MAPAPANOOD MO LAMANG SA ISANG PESTIBAL NA TULAD NG CINEMALAYA…

SA CLOSING DAY NG CINEMALAYA AY NASAKSIHAN MO LAHAT IYON. NADAMA NG LUBUSAN.

ITO ANG IYONG CINEMALAYA 2016 MEMORIES.

ab3ab4

ab5

 

HAYUN KA AT NAKIPAG-USAP SA MGA HINDI BASTA-BASTANG FILM ARTISTS NA TULAD NINA DIREK JOEY ROMERO, BIBETH ORTEZA, RICKY LEE, JOEL LAMANGAN, ERIC RAMOS, MERCEDES CABRAL, SHANDII BACOLOD, PERRY ESCANO… AT IBA PA.

director joey romero with his NATIONAL ARTIST father eddie romero (r.i.p.)
director joey romero with his NATIONAL ARTIST father eddie romero (r.i.p.)
eric ramos, scriptwriter
eric ramos, scriptwriter
ricky lee
ricky lee

HAYUN KA AT BABA-AKYAT MULA SA RED CARPET STAIRS NG CCP – SA MAIN THEATER PABABA ULIT SA DREAM THEATER.

HINDI MO RIN ALAM, SI JACKIE AQUINO NA PALA YUNG NASA HARAP MO AT KAUSAP. SI JACKIE NA MULA SA MGA ANGKAN NG MGA AQUINO NA NABIRO-BIRO MO PA AT NAKIPAG-TAWANAN SA IYO…

HINDI MO RIN ALAM KUNG PAANO MO BABATIIN ANG INIIDOLO MONG SI LAURICE GUILLEN NA DUMAAN MISMO SA HARAP MO AT NINASA MONG HABULIN AT KUMUSTAHIN DAHIL MAGKAKILALA NAMAN KAYO…

MULA SA IBABA NG MAIN THEATER, TINANAW MO SI DIREK GIL PORTES, ANG IYONG ISA SA MGA TINUTURING NA KAIBIGANG DIREKTOR, NA SIYA RING DIREKTOR NG “HERMANO PULI”, ANG CLOSING FILM NG CINEMALAYA 2016.

mercedes cabral
mercedes cabral

ISANG NAPAKATAMIS NA NGITI MULA KAY MERCEDES CABRAL ANG LUBOS DING NAGPASAYA NG IYONG DAMDAMIN, SABAY SABI PA NIYANG- “KUMUSTA KA NA, ROBERT?” SAPAT NA IYON PARA MALAMAN MO, MAHAL KA PA RIN “NILA”- NG MUNDO NG PELIKULA…

don gordon bell
don gordon bell

INAKAP KA NI DIREK SHANDII HABANG PINIPIKTYURAN KAYO NG “GUARDIAN ANGEL” MO AT SPONSOR MO NU’NG ARAW NA IYON NA SI DON GORDON BELL (SI MR. BELL NA SIYANG DAHILAN KUNG BAKIT NAWALA ANG TAMPO MO SA CINEMALAYA)…

MAY MGA BAGONG KAIBIGAN KANG NAKILALA NA KASAMA NI MR. PAULEY VECINO NA FAN NG BETERANANG AKTRES NA SI DIVINA VALENCIA…

KAPAG TINITIGNAN KA NG MGA KABATAANG KAPWA MO NANONOOD NG MGA PELIKULA SA MAIN THEATER AT SA DREAM THEATER, ALAM MONG WELCOME NA WELCOME KA SA KANILA. NA “BELONG NA BELONG” KA…

MGA ESTUDYANTE SA U.P., YOUNG FILM ARTISTS, CELEBRITIES… LAHAT SILA, NARARAMDAMAN DIN ANG MGA NARARAMDAMAN MO NUNG MGA SANDALING IYON-

“THE FEELING OF MAGIC” IN WATCHING TRUE AND GENUINE FILMS NA HINDI KOMERSYAL ANG PAGKAKAGAWA.

BINATI KA NINA MARIO HERNANDO (A FILM CITIC), JOEL LAMANGAN, RICKY LEE, AT IBA PA.

PERO HIGIT SA LAHAT, NAKITA MO ANG DATI MONG KASAMAHAN SA PANULAT NA SI JOCELYN DINO, DATING KOLUMNISTA SA BALITA TABLOID, NA KASAMA NI JULIANITO V. VILLASANTA NA ISA RING MANUNULAT NA TULAD MO. NAG-BONDING KAYONG TATLO SA MULI. NI-RECALL NINYO ANG MGA ALA-ALA NUONG KAYO’Y MGA BATANG MANUNULAT PA LAMANG… MAGHAPON SA CINEMALAYA, MAGKAKASAMA KAYO…

HINDI MO AKALAIN, MAY ISA PA PALA.

KAY TAGAL MO SIYANG HINDI NAKITA. AT LUMAPIT SIYA SA IYO MULA SA KINAUUPUAN MO PARA KAMAYAN KA NG NAPAKAHIGPIT AT PUNO NG DAMDAMIN.

SIYA SI RAIN.

rain
rain

SI RAIN YAMSON, ANG CINEMATOGRAPHER. SI RAIN, NA NAPAPANOOD MO NA NGAYON ANG KANYANG HUSAY AT GALING SA MGA TELESERYES NG CHANNEL 2…

AKALA MO ‘YUN NA ‘YON. PERO SA MAIN FACADE NG CCP, NAKITA MO MULI SI RAIN. NAG-USAP KAYO SANDALI. AT SA HULING SULYAP MO, NAKITA KA NIYA.

ITO ANG IYONG CINEMALAYA MEMORIES 2016.

AKALA MO, HINDI KA NA MAKAKAHABOL PA. PERO NAGKAMALI SILA.

“sabi ko naman sa inyo, hindi NIYA ako pababayaan, eh.”— sssip.*

HABAMBUHAY.

(sinulat ni robert manuguid silverio)

WITH EXCLUSIVE PHOTOS BY MR. DON GORDON BELL

cinex3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s