rita avila’s children’s book- “si erik tutpik at si ana taba”, malapit nang i-launch!

rita with hubby (director FM Reyes), and their pet dogs Hanjoo, Kenzo, Mitsu and Setsuko.

Masayang-masayang ibinalita sa amin ni Rita Avila na tuwang-tuwa siya sa very nice cover illustrations and inside pages illustrations na ginawa ng isang artist para sa Children’s Book niyang “Si Erik Tutpik At Si Ana Taba”- na malapit nang i-launch.

Magkakaroon ng ‘group of writers’ launching ang Children’s Book na ito ni Rita sa September 14, to be officiated by the Parish Priest of ABS-CBN Channel 2.

“They want my dedications muna dun sa Children’s Book and prepare everything”, sabi ni Rita sa blogger na ito. “Pero I am so happy talaga. Gustong-gusto ko yung mga illustrations nila dun sa book ko! Perfect!”

Ang children’s book na “Si Erik Tutpik At Si Ana Taba” ni Rita ay ukol sa bullying and being misjudged by appearances. Lalo na sa mga bata at young adults. May mga rhymes, fables and poetic verses din ang book.

rita with husband fm: “he was so touched after reading my children’s book”.

Yes, Miss Rita Avila is the sole author of this book!

“Na-touch nga ‘yung hubby ko na si direk FM Reyes nung mabasa niya ang book ko”, kuwento ni Rita. “I started writing a lot when I was doing a teleserye last year. And I thought of writing a book about being bullied. Lahat naman tayo ay dumadaan sa ganun. Nabu-bully tayo sa school, sa work, sa pamilya.Somehow, the book is also based sa mga past experiences namin ni Erik (direk FM), and I got so inspired to write about them.”

This is Rita’s second book. Her first book was not a children’s book but an inspirational book entiltled- “8 Ways To Comfort With Grace”, where she wrote a story of her baby who died and the guidelines to appease the grieving.

Aside from acting, writing is also Rita’s second biggest passion!

Go, go, go, Rita.

Ipinabasa pa sa amin ni Rita ang ilang passages sa Children’s Book niya at gandang-ganda kami. May mensahe. Napaka-poetic. We are pretty sure, Rita’s going to become a great Children’s Book author very soon!

words by robert manuguid silverio

ISANG LUHA MULA KAY MISS RITA AVILA!

rita holds the glass of “bittersweet” wine that will break and cast a spell to all the characters involved in WALANG HANGGAN!

Isang umaga ‘yun sa napakagrandeng lugar sa loob ng Valley Golf Subdivision sa may Sumulong Highway, Antipolo, Rizal- ang lugar na madalas pagsyutingan at pagdausan ng mga tapings at ng mga bigating teleserye sa telebisyon.  Isang malaking puting buhay ‘yun- overlooking the whole Metropolis of Pasig, Cainta and sorrounding cities. Napakagandang lokasyon. Feeling mo, wala ka sa Pilipinas at nasa Beverly Hills ka sa California dahil sa napakagandang tanawin.

One of Rita’s fabulous dresses in “walang hanggan”, styled by Ms. Patricia Coronado. meanwhile, her hair and make-up were done by Jacky Pante and Jett Torrevillas. (photo courtesy of Patricia Coronado).

Napakagalang ng mga staff and crew ng “Walang Hanggan”, pero mas nakakatuwang isipin ang napakalambing na pakikisama ng mga artistang kasama sa cast ng teleseryeng ito- most especially Miss Rita Avila.

Hayun kami ni Rita sa loob ng isang white tent na air-conditioned na siyang nagsisilbing “rest area” ng mga artista sa nabanggit na teleserye. That morning, kasama namin ni Rita sa loob ng white tent ang dalawa pang female casts na sina Julia Montes at Melissa Ricks.

Wala kaming ginawa kundi ang kumain ng kumain. Labas-masok din sa loob ng tent ang mga guwapong sina Richard Gomez at Paulo Avelino na panay ang pakikipag-biruan kina Rita, Julia at Melissa. Kapag ang nagpa-kuwela naman ay ang stylist na si Miss Patricia Coronado, sasambulat ka sa kakatawa. Napaka-‘bakla’ kasi ng koboy na girlash na ito. Walang pakialam at ayaw paawat.

Nariyan ang masasarap na chocolate Godiva bars na bigay ni Paulo, ang napakamalinamnam na bananana chips na gawa ng friend ni Rita, ang cake na bigay ni Miss Helen Gamboa at ang paksiw na lechon din. Naku, kasama ang aktor na si Richard Gomez, walang ginawa ang blogger na ito kundi ang ngumuya ng ngumuya! Haha.

Feel na feel naming kakuwentuhan si Rita. We learn so much from her wisdom, from her manners and her depth as an individual. Nabanggit pa ni Rita sa amin ang mga favorite inspirational books na binabasa niya lately at plano naming bilhin very soon. Pero what excites us most is her upcoming book launching! Yes, naikuwento sa amin ni Rita na nagsulat siya ng isang Children’s Book. We will  feature a separate solo article on this after this article….

Maya-maya lang ay tinawag na si Rita para mag-take na sa isang eksena with no less than Miss Helen Gamboa. Lalong na-excite ang blogger na ito. Kasama rin pala sa eksena si Richard Gomez. … At bakit kami na-excite? Kasi, seeing Rita and Richard act on the set, para kaming bumabalik nung kapanahunan namin. Halos kasabay kasi naming pumasok sa showbiz sina Rita at Richard. And watching them act infront of us, really excites us! Always!

Hayan na. Nakaka-tense ang eksena. Magkasama sina Rita at Richard na papasok sa mansyon ng mga Montenegro. Naghihintay sa loob ng sala si Miss Helen Gamboa. Malungkot ang mukha ng mag-asawang Rita at Richard. Galing sila kung saan.

Hahalik pareho sina Rita at Richard kay Ms. Helen. Pagkatapos nun, mabilis na umalis na si Richard. Maiiwan sina Rita at Helen sa sala.

Sa kakausisa ni Helen, may rebelasyong masasabi si Rita. Very intense. But very subtle… and then, there it was!

ISANG LUHA MULA KAY MISS RITA AVILA!

Napaka-cinematic ng luhang pumatak na iyon mula sa mga mata ni Rita. Nakakagulat. Bigla na lamang tumulo ang kanyang luha. Nag-iisa lang luha, pero malakas ang pagdaloy mula sa kanyang kanang mata… Nakakatangay ang eksena. Mapapaiyak ka. Maaawa sa karakter ni Rita. Makikisimpatiya…

Isa itong eksena sa “Walang Hanggan” na ipinalabas kagabi, May 9, sa channel 2. Marami ang nakapanood. Marami ang humanga sa kakaibang galing sa pagganap ni Rita.


from Patricia Coronado, stylist- to Rita:
“Uber bagetz… I’ve seen her up close (very close)… Make up or none… Styled or not… Youthfulness, everloo! I know she is hiding some potion/agimat for youthfulness. Mahaharbat ko rin yun! Bwahahaha! (:”
—(photo courtesy of Patricia Coronado).

Miss Rita Avila is one very intellegent actress. You could see her silent in one corner while studying her lines and her scene. But she knows fully well what to do.

Iyan ang artistang kahanga-hanga!

Mula ngayon, gabi-gabi na naming panonoorin ang “Walang Hanggan” para panoorin si Miss Rita Avila!

“walang hanggan” continues to soar higher on the ratings game! daily at 9 to 10 pm at abs-cbn channel 2.
Rita with the cast of “Walang Hanggan”!

words by robert manuguid silverio