(#16) GREGORIO DEL PILAR: pinakabatang bayani ng Pilipinas


gregorio del pilar: pinakabatang bayani ng Pilipinas
gregorio del pilar: pinakabatang bayani ng Pilipinas

Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay isinilang sa BulakanBulakan noong Nobyembre 14,1875 kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio.

 

goyo

General Gregorio Del Pilar ang bayani ng Pasong Tirad, ay pinanganak sa Bulacan noong Nobyembre 14, 1875, ang panlimang anak nila Fernando H. Del Pilar at Felipa Sempio. Siya ay pamangkin ng tanyag na propagandistang si Marcelo H. Del Pilar na kapatid ng kanyang ama. Matapos tapusin ang pangunahing antas ng pag-aaral sa kanyang bayan sa Bulacan, siya ay pumasok sa paaralan sa Maynila. Una sa pribadong paaralan ni Pedro Serrano Laktaw, pagkatapos ay pumasok sa Ateneo, kung saan nakuha niya ang kanyang pagtatapos sa kursong A.B. (Bachelor of Arts) noong Marso 1896. Noong panahon ng kanyang pag-aaral sa Maynila, siya ay nanunuluyan sa bahay ng makabayang si Deodato Arellano, asawa ng kanyang tiyahin. Siya ay nagtrabaho bilang isang palihim na kartero sa ilalim ni Arellano, sa pagpapakalat ng mga kasulatang pang Propaganda sa Maynila at sa mga karatig na probinsiya.

 

gregorio2

Isang Gabi ng Sabado, siya ay patagong pumasok sa loob ng simbahan ng Malolos, Bulakan at kinuha ang mga pantakip ng materyales ng kontra-propaganda ni Fray. Rodroguiez ( na binebenta ng Cura sa simbahan pagkatapos ng misa) at ginamit ang mga takip na to sa mga kasulatan nila Jose Rizal at M. H. Del Pilar. Iniwan ni Gregorio ang mga kasulatang Propaganda sa ilalim ng takip ng kontra propaganda na kasing laki at parehas na materyales na ginamit ng Cura para sa kanyang kontra Propaganda. Ng sumunod na araw ng Linggo, binenta ito ni Fray. Garcia sa mga tao, sa pag-aakalang ang nilalaman na mga pampleta nito ay ang kasulatan parin ni Fray. Rodriguez na kontra propaganda. Nu’ng araw ding yu’n, pinagtawanan ng mga mamamayan ng Malolos ang kanilang Cura na naloko ng isang batang Gregorio sa paglalaganap ng mga kasulatan ng mga Pilipinong propagandista.

 

gregorio5

Nu’ng sumiklab ang rebolusyon nu’ng Agosto 1896, siya ay isa sa mga kabataan ng Bulacan na kasama sa sumiklab ang “damdaming makabayan”. Nakipaglaban din siya sa probinsiya ng Nueva Ecija. Siya ay sumama sa mga pakikipag-digmaan, una siyang nakipaglaban noong Enero 1, 1897 sa mga parang ng Kakaron de Sili, dahil sa kanyang pinakitang kagitingan sa laban na ito, siya ay ginawaran ng rango bilang isang Tinyente. Siya ay patuloy na nagpakita ng kagila-gilalas na katapangan sa mga dumating pang pakikibaka kung kaya’t siya ay naging isang Kapitan sa hukbong sandatahan.

 

gregorio4

Noong Setyembre 3, 1897, pinauwi niyang duguan ang mga Kastila sa Laban sa Paombong. Inangat ni Heneral Aguinaldo ang kanyang Rango bilang isang Tinyente-Colonel. Matapos ang paglagada sa Kasunduan ng Biak na Bato, sinamahan siya si Heneral Aguinaldo sa Hongkong. Nang sumiklab muli ang Rebolusyion, matapos ang tagumpay ni Kapitan Dewey sa Manila Bay, bumalik si Del Pilar sa Pilipinas kasabay ni Aguinaldo at naglayag ng sarili niyang watawat sa Bulacan, at pinalaya ang probinsiya sa kamay ng mga Kastila. Umangat muli ang kanyang rango bilang isang Brigadier-General at naatasang pamunuan ang hukbo ng buong probinsiya ng Bulacan. Makalipas ang ilang buwan, siya naman ay nakidigma sa mga Amerikano na ayaw kumilala sa kasarinlan ng Pilipinas. Nakidigma ang kanyang mga tauhan laban sa hukbong Amerikano sa ilalim ng pamumuno ni Col. Juan M. Stotsenberg malapit sa Quinga (Plaridel, Bulacan) at napatay si Stotsenberg. Siya ang namumuno sa bantay panlikod ni Presidente Aguinaldo sa kanyang pagtakas sa Bayambang.

 

gregorio3

Sa Pasong Tirad, noong umaga ng Disyembre 2 1899, siya ay nakidigma sa huling pagkakataon at isinaalang alang ang kanyang buhay upang makatakas si Heneral Aguinaldo.

 

(sources: wikifilipino and wikipedia.com)

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Gregorio_del_pilar

 

mula kay MR. AMBETH OCAMPO, isang book author:

Gregorio del Pilar (1875-1899) is referred to in some textbooks as the “Boy General.” The soldiers under him knew him as “Heneral Goyo.” In art & paintings, he is often depicted on a white horse with a surprised look on his face when the enemy bullet hit and killed him. He was handsome and popular with the ladies. When his body was stripped by the enemy for souvenirs they found love letters in his pocket as well as a perfumed handkerchief from one of his many admirers.by ambeth ocampo (book author).

 

mula kay sssip 🙂

“kaya mahal ko ang mga probinsiyang Bulacan at Nueva Ecija at mahal na mahal ako ng mga Bulakenyo’t Novo Ecijanos…”

One thought on “(#16) GREGORIO DEL PILAR: pinakabatang bayani ng Pilipinas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s