PAUL JANSEN AGUILAR: ANG BAGONG PADRE SALVI NG LONGEST-RUNNING PLAY NA “KANSER” NG GANTIMPALA THEATER FOUNDATION!


PJ AGUILAR: THE NEW PADRE SALVI OF GANTIMPALA THEATER FOUNDATION'S "KANSER"!
PJ AGUILAR: THE NEW PADRE SALVI OF GANTIMPALA THEATER FOUNDATION’S “KANSER”!

pjxx pjxx2 pjxx3 pjxx66

Maka-ilang beses na naming napapanood taon-taon ang longest-running stage play in the history of Philippine Theater- ang “Kanser” ng Gantimpala Theater Foundation. Nuong nagdaang taon naman, first time naming mapanood ang musical version ng nasabing play at mas lalo kaming humanga sa napaka-klasikong approach ng dulang ito na tumutusok sa puso ng bawat kabataan.

gtfxx1 gtfxx2

Si Michael Pangilinan (na ayaw nang umarte muna ngayon) ang gumanap na Ibarra last year sa musical version ng nasabing dula. Pero para sa amin, ang pinaka-intriguing na character ng dula ay ang role na Padre Salvi. Si Padre Salvi, sa stage adapatation na “Kanser” ay isang guwapong Prayle (Spanish Priest), bata pa, tahimik, malihim, pero may itinatagong mga lihim at “devilish” intentions.

Kaya naman sa nasabi pa ring dula, na kay Padre Salvi na karakter ang suspense, drama, intrigue, hate and mystery. Kung sino mang aktor ang gaganap sa papel na ito, tiyak na mapapansin at hahangaan.

And now, after Michael Pangilinan who portrayed Ibarra last year, ang teenage heart throb/model/newcomer naman na si Paul Jansen or PJ Aguilar ang siyang gaganap sa papel na Padre Salvi naman for this year’s new performances of the longest-running play na “Kanser”. Sa totoo lang, sa nobela ni Dr. Jose Rizal, parehong guwapo ang mga karakter na Ibarra at Padre Salvi. At pareho din silang nagkagusto kay Maria Clara.

Salamat kay direk Franniel Zamora na personal na pumili kay PJ Aguilar upang gumanap na Padre Salvi. Minsan na kasing tinuruan ni direk Frannie itong si PJ ng Acting Workshop nu’ng minsang mag-lecture siya as a guest celebrity lecturer sa Elites Acting Workshop (facilitated by blogger Robert Silverio) last year. Napansin niya na agad noon ang potensyal ni PJ na maging isang magaling na aktor.

Tuwang-tuwa naman ang mabait na Godfather ng Elites Model Management na si Mr. Martin Bellosillo sa magandang pangyayari na ito sa career ni PJ. Alam niya, isa itong malaking break para kay PJ at makikilala si PJ ngayon bilang isang de-kalibreang aktor- sa hanay nina Joel Torre, Tommy Abuel, at iba pa, balang araw.

Ang gaganap na Ibarra this year ay si Carlo Manalac. Si Ms. KL Dizon naman ang gaganap na Maria Clara. And take note, si Roeder Camanag naman ang gaganap na Pilosopong Tasyo for this new theater season performances of “Kanser” ng Gantimpala Theater Foundation.

At siyempre, si direk Frannie Zamora pa rin ang direktor nito, na nanalo last year sa Aliw Awards as Best Director for a Musical Play- for “Kanser@35: The Musical”!

This is just the start of the good road you are heading for, PJ!!! Break a leg!

 

(words by robert manuguid silverio)

photos of pj ong, courtesy of his facebook account and the photographers who took those pictures. thanks.—ssssip*

kanser

One thought on “PAUL JANSEN AGUILAR: ANG BAGONG PADRE SALVI NG LONGEST-RUNNING PLAY NA “KANSER” NG GANTIMPALA THEATER FOUNDATION!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s