JANNA TIANGCO, FOR BEST SUPPORTING ACTRESS?

free counters

janna mara tiangco: in "bisperas"

Humahataw na talaga ang mga Kapampangan ngayon sa mundo ng entertainment scene. Kamakailan lang, nanalo sa “OPM@PAGCOR’s Search for Total Performer” ang Kapampangan na si Marie Joyce Tanana, beating other finalists sa nationwide search na naganap. Umaariba rin ngayon ang 1DELACREW band na mina-manage ng indie film director na si Jason Paul Calma Laxamanam at panay ang perform nila sa mga events at mga malls, at hayan, hindi na rin mapipigilan ang tuluyang pagsikat ng taga-Angeles, Pampanga na si Aljur Abrenica, na isa sa mga lalaking bida ng pelikulang “Temptation Island (The Remake)” ng Regal Films.
Pero patatalbog ba sa kanila si Janna Mara Tiangco na kasama sa dalawang indie films na entries sa darating na Cinemalaya 2011? Yes, inaabangan na ng lahat ang pelikulang “Bisperas” ni Janna Mara, na kung saan ang direktor niya ay ang magaling at considered na mainstream director na si direk Jeffrey Jetturian. Mas excited ang lahat na mapanood ang beauty ni Janna dito, dahil ayon sa mga bulung-bulungan, malaki ang tsansa ng pelikulang ito na manalo ng mga awards. Panoorin ninyo ang trailer ng pelikulang “Bisperas” sa ibaba, maski wala si Janna doon sa trailer, kasasabikan mo pa rin ang role niya diyan bilang isang “young temptress” na aakitin ang mga bagets na lalaki.

Sa isa pang pelikula ni Janna, ang “Bahay Bata”, marami ang nagsasabing malamang na ma-nominate si Janna bilang Best Supporting Actress para sa New Breed category ng Cinemalaya 2011. Maganda kasi ang role ni Janna dito as a young mother na na-abandon ng kanyang young husband sa loob ng isang ospital. Mas mahaba ang role dito ni Janna, pero sa “Bisperas” naman mas maraming nag-aabang dahil ang direktor doon ay mas magaling at beterano na’t award-winning.

janna in "bahay bata"