ang barkadahan sa “sama-sama, salo-salo” radio show ni tessie lagman…


THE MANY HAPPY MOODS OF MS. TESSIE LAGMAN-BALBOA IN HER RADIO PROGRAM "SAMA-SAMA, SALO-SALO"
THE MANY HAPPY MOODS OF MS. TESSIE LAGMAN-BALBOA IN HER RADIO PROGRAM “SAMA-SAMA, SALO-SALO”

tl2 tl3 tl4 tl6

Isang maulan na gabi iyon sa PBS Network building sa may Visayas Avenue, na kung saan ay ginanap ang isa sa masasaya at nakakaaliw na episode sa radio program ni tita Tessie Lagman na “Sama-Sama, Salo-Salo” sa DZRM Radyo Magazine, tuwing alas-otso ng gabi hanggang alas-diyes ng gabi sa 1278AM,

Maski ba may banta ng bagyo nu’ng araw na iyon ng Sabado ng nagdaang linggo (October 16), the high spirits and positive outlook of Ms. Tessie Lagman, together with her barkadahan did not dampen our mood. Tunay namang pinasaya nila ang mga listeners that night sa radio program ni Tita Tessie.

TONY SUVEGA, FENGSHUI EXPERT AND PSYCHIC
TONY SUVEGA, FENGSHUI EXPERT AND PSYCHIC

Pagkatapos ng very warm greetings ni Tita Tessie, agad siyang nagtanong kay Tony Suvega, isang well-known psychic and feng-shui expert ukol sa nagdaang bagyo na si Lando. Hinulaan ni Kuya Tony na hindi naman makakaapekto sa buong Metro Manila si bagyong Lando, na nagkatotoo naman dahil medyo hindi nga ganun kagrabe ang sinalanta nito. Tuloy, naniwala ng husto ang isang blogger sa magaling na kakayahan ni Kuya Tony Suvega to predict the future.

Payo naman ng isa pang barkada sa radio show ni Tita Tessie na walang iba kundi si Ms. Dolly Favorito- “Always pray the rosary, it will keep us from all harm”. Korek siya.

Na sinegundahan naman ni Tita Tessie na napakalakas ng power ng Holy Rosary para sa sankatauhan.

Muli namang nagsalita si Tony Suvega na dapat laging maghanda ng limang kulay-green na kandila sa tuwing may bagyo. Pagkatapos nito, isa-isa nang nagsikantahan ang barkadahan ni Tita Tessie, at ang unang song request na “Miss Kita Kung Christmas” na siyang kinanta mismo ni Tita Tessie nu’ng gabi na iyon.  Ang pangalawang kanta naman na “Unchained Melody” ay inawit ni Baby Cora Bautista Garcia, na isang dating sikat na Alpha recording artist. Ang third song naman ay “De Colores”, isang requested song din na inawit naman ni Ms. Ray Lucero Purugganan Cabailo, isang Mabuhay singer from the very popular singing group in 1980’s- ang Mabuhay Singers.

MR. RAFAEL CENTENERA, A MATINEE IDOL IN 1980'S
MR. RAFAEL CENTENERA, A MATINEE IDOL IN 1980’S

Nagtuloy-tuloy pa ang awitan at kantahan nung gabi na iyon. Naka-almost 20 song numbers silang lahat. Napaka-efficient and warm na host si Tita Tessie sa kanyang radio program. Ang pinaka-nagustuhan naming awitin nu’ng gabi na iyon ay ang awiting “We’ve Only Just Begun”, na NAPAKAHUSAY na inawit ng guwapong si Rafael Centenera (isang matinee idol-singer nuong Dekada 1980’s) dahil buong-buo ang boses niya at very powerful ang rendition niya. Feel na feel, ika nga. May isa pa ngang radio caller ang pumuri sa napakagaling na pag-awit ni Rafael nuong gabi na iyon.

Hanggang sa natapos na ang buong gabi ng kantahan. A truly wonderful radio program na bihira na nating mapakinggan ngayon. Salamat kay Tita Tessie at sa buong barkada niya, composed of these following people: Eddie Suarez, the guitarist, Dolly favorito, Baby Cora B. Garcia, Ray Lucero, Cenen garcia, Tony Suvega, Sammy Rascal, Hazel Mae Ursais, Danilo Jurado, Rafael Centenera and Ms. Cynthia Garcia (na wala nuong gabi na iyon).

Sa muli, nanabik kaming muling maging kaparte ng radio program na ito. Tunay na nag-enjoy kami that night!!! Imbitahin mo po kami uli, ha, Tita Tessie!

 

(words by robert manuguid silverio)

PHOTOS BY: MR. CENEN GARCIA, HUSBAND OF BABY CORA BAUTISTA GARCIA

MR. RAFAEL CENTENERA, A MATINEE IDOL IN 1980'S
MR. RAFAEL CENTENERA, A MATINEE IDOL IN 1980’S
MAY NAG-CROP SA MUKHA NG ISANG BLOGGER DITO SA PICTURE NA ITO.
MAY NAG-CROP SA MUKHA NG ISANG BLOGGER DITO SA PICTURE NA ITO.
BLOGGER SSSIP, TOP ROW, LEFT- WITH THE WHOLE BARKADAHAN OF "SAMA-SAMA, SALO-SALO"
BLOGGER SSSIP, TOP ROW, LEFT- WITH THE WHOLE BARKADAHAN OF “SAMA-SAMA, SALO-SALO”
TONY SUVEGA, FENGSHUI EXPERT AND PSYCHIC
TONY SUVEGA, FENGSHUI EXPERT AND PSYCHIC
ms. tessie lagman!
ms. tessie lagman!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s