direk franniel zamora, masaya para kina michael pangilinan at jacob benedicto…


direk franniel: feeling satisfied
direk franniel: feeling satisfied

Nakipagkita kay blogger SSSIP recently ang magaling na theater director na walang iba kundi si direk Franniel Zamora, at tunay namang napakasaya nito dahil sa tagumpay na tinamo ng “Kanser @35: The Musical” sa kanilang nagdaang first opening season.

“Happy ako in all ways, Robert”, sey pa ni direk Franniel. “Kasi, critically-acclaimed kami, ni-rave ng mga critics ang play namin and full house mostly ang mga performances namin. So now, we are preparing na for out-of-town shows in the provinces. Handa nang lumibot sa buong Pilipinas ang musical play na Kanser@35, The Musical!”

But more than the critical success and box-office acclaim, mas naging masaya daw si direk Franniel dahil sa nakalusot siya sa mga hamon na ibinigay sa kanya ng dulang ito.

“Isang malaking hamon para sa akin na ma-transform ko sina Michael Pangilinan at Jacob Benedicto to become real-life Crisostomo Ibarra’s sa dulang ito”, sey pa muli ni direk Franniel. “And they both did it! Pareho silang magaling para sa akin. Si Jacob, sosyal na naging Ibarra, at si Michael, tipong boy-next-door type na naging isang magiting na artista sa teatro. Pero hindi ko naman ninanasa na maaalis nang tuluyan ang pop image nila. Yun ang bread and butter nila as singers, eh. Pero sabi nila, nag-enjoy sila sa teatro. Tanong nga daw ni Michael, kailan daw ba ule ang next performance namin. Na-miss niya agad ang pag-arte sa teatro, it only means that way! Kaya masaya ako.

“Maski ang Viva Boce na isang singing group, na-transform ko sa pagiging theater actors in this play”, dugtong ni direk Franniel. “Sila ang mga gumanap na cast ensemble or chorus ko sa play na ito. Lahat sila ngayon, feeling proud na sa mga sarili nila na genuine theater performers na sila.”

May nai-reveal sa amin si direk Franniel na sa next play ni Michael Pangilinan para sa Gantimpala Theater Foundation, isang bagong Michael Pangilinan na naman ang makikita. Isa namang proyekto ito ni direk Joel Lamangan na siyang Artistic Director ng GTF. Si Michael ang magbibida muli sa isang musical play na ‘pop’ ang dating- na isang revival ng isang old Lino Brocka film!!!! Oh, my!!!

“Lahat kami sa GTF ay masaya para kay Michael”, pagtatapos na wika ni direk Franniel. “Ang galing kasi niyang makisama, lalo na ang manager niyang si Jobert Sucaldito. Kaya bale ang GTF na ang pangalawang tahanan ngayon ni Michael. Hindi namin siya pababayaan.”

Salamat naman, direk Franniel.

 

(words by robert manuguid silverio)

direk fran and his cast for "kanser @35, the musical"
direk franniel and his cast for “kanser @35, the musical”

fran3 fran4direk franniel with his assistant director allain, michael pangilinan, myramae menesses and other friends.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s