Saan ka man naroroon ngayon, Chito, gusto kong malaman mo,
isa ka sa nagpataas sa estado ng mga manunulat sa showbiz…
Iniangat mo ang “level” ng mga movie writers-
naging malapit kang kaibigan ng mga nirerespeto at hinahangaang mga artista…
Naging totoo kang tao.
Nagpakita ka ng tapang, ng conviction sa pagsusulat.
AT MINAHAL KA NG LAHAT, inakap, tinangaap ang iyong mga shortcomings dahil
ISA KANG TUNAY NA KAIBIGAN.
Nagsasalita lamang ng matuwid at tama… para na rin sa kapakanan ng lahat.
Sayang, Chito, hindi na natuloy ang plano nating libro ukol sa buhay mo.
Isa iyon sa mga huli mong pangarap na magawa.
Siguro, may dahilan ang Nasa Itaas kng bakit ka Niya kinuha…
Dahil gusto Niya na makapiling ka na NIYA…
Nu’ng huling gabi ng lamay mo,
nagpunta ako.
Alam ko, sa pamamagitan mo at ni Mama Maribel Lopez, (na siyang naghikayat sa akin na pumunta sa lamay mo),
muli kong makikita ang mga dati nating mga malalapit na kaibigan…
At ang sarap ng pakiramdam ko na makita sila MULI.
Parang ang tagal-tagal ko ring nawala,
Salamat na lamang at nagpunta sa huling gabi ng lamay mo.
Para maramdaman ko muli ang “kasabikan” ko sa showbiz at sa dati nating mga kaibigan.
Salamat, Chito.
Alam mo bang kay dami ko ring natutunan sa ‘yo?
Alam mo ‘yan.
Ngayon, isang pamamaalam na…
PAALAM, CHITO… PAALAM!
(and save me a “dream” or two…)
(mga salitang nilikha ni robert manuguid silverio, oktubre 18, 2013)
MGA LARAWANG KUHA SA IBABA, COURTESY OF MS. MONA PATUBO- SA HULING GABI NG LAMAY NI MR. CHITO P. ALCID (R.I.P.):