“SANA, MAGSAMA-SAMA MULI TAYO, MAHAL KONG SHOWBIZ” or feelings and thoughts for the coming new year of 2012 by sip & sip :-)

FRIENDSHIP IN SHOWBUSINESS STILL EXISTS.

This slideshow requires JavaScript.

ANG MAHAL KONG MUNDO NG SHOWBIZ…
KUNG MINSAN, AKO’Y NASASAKTAN,
NASUSUGATAN,
NADARAPA,
NAGUGUPO…

PERO AKO’Y TUMATAYO,
ALANG-ALANG SA INYO.
MASKI BA AKO AY MAPULAAN,
MAKANTSAWAN,
PAGTAWANAN…
O KUTYAIN…

DAHIL SA AKING KALUNGKUTAN,
AT PAG-IISA,
SA TUWINA’Y KASAMA KO KAYO
SA AKING
MGA ALA-ALA…

SA AKING MGA KAIBIGAN SA SHOWBIZ…
AKING INALAY,
PAGMAMAHAL AT PAGPAPAHALAGA.
PASASALAMAT
AT PAGKAGALAK.

MASKI BA MINSAN, MAY MGA KABIGUAN DIN..
BILANG ISANG KAIBIGAN NG MGA ALAGAD NG SINING
NG MUNDO NG PELIKULA AT SHOWBIZ…
AKING NAKITA…
DALAWA NGA ANG KABUUAN NITO!
ISANG MALUNGKOT, ISANG MASAYA.
IYAN NGA DAW-
ANG DALAWANG MUKHA NG SHOWBIZ…

MINSAN,
MAY MGA PLASTIK…
PERO KADALASAN,
AY MAY MGA TOTOO RIN…
MAY MGA MAPAGMAHAL,
PERO MAY MGA MAKASARILI…
MAY MGA HANGAD LAMANG AY YAMAN SA SARILI,
PERO MAYRO’N DING HANGAD LAMANG
ANG MAKAPAGBIGAY
NG KANILANG PUSO AT KAKAYAHAN
SA KAPWA-TAO NILA…

SANA…
MABUO MULI TAYO.
SANA…
MAGING ISA MULI TAYO.
SANA…
MAGSAMA-SAMA MULI TAYO.

SA SHOWBIZ,
ANG MUNDO NG AKING…
PAGASA.

MALIGAYANG BAGONG TAON PO SA INYONG LAHAT!

MULA KAY ROBERT MANUGUID SILVERIO 🙂
december 31, 2011

FROM SIP & SIP 🙂

“sama-sama pa rin po tayo sa 2012, ha!”– sip & sip.





“AJ, IKAW ANG STAR NG PASKO!”

 

the “aj star”.

sabi nila,
ang bituin daw ang gagabay sa atin…
sa gabing madilim…


sabi nila,
ang bituin daw ang magtuturo ng tamang daan
na ating lalakbayin…
papunta sa isang hari ng bahaghari-
na isisilang
sa sabsaban…

sabi nila,
ang bituin daw ay pagasa,
pagmamahal,
kasiglahan,
at paghanga…

pero isang bituin lang
ang tunay na nagmahal,
tunay na nag-alay
at tunay na mabuti…

iyon ang bituin mo,
aj perez.
isang bituin na dalisay at tapat,
bata at mapaglaro,
nagniningning sa lahat ng panahon….

it was  your star…
shining brightly amidst the skies…
twinkling young and happy.
the ‘aj star’…

will shine.
forevermore.

 

 

PARA SA ‘BITUIN’ NI AJ PEREZ,

nilikhang mga salita ni robert manuguid silverio, disyembre 2011.

aj, forever.