KL DIZON: ang bagong maria clara ng “kanser”…


kl: bagay na maria clara
kl: bagay na maria clara
kl: isang tunay na mang-aawit
kl: isang tunay na mang-aawit
kl: kemistri sa kapwa aktor o aktres ang importante sa kanya
kl: kemistri sa kapwa aktor o aktres ang importante sa kanya

Pang-limang dula pa lamang kung tutuusin ni KL Dizon ang bagong mild musical na KANSER sa taong ito. Pero ang ‘aura’ niya bilang isang aktres sa teatro ay damang-dama mo maski nasa malayo ka. Pang-bida ang dating ng personalidad niya, pang-‘leading lady’, ika nga. Kaya hindi naman nakapagtataka, kung siya man ang napili ni direk Frannie Zamora na gampanan ang role na Maria Clara para sa bagong bersyon na ito ng KANSER.

Maganda naman ang credentials ng acting experiences ni KL. Mga hindi basta-bastang mga stage musical productions na ang mga nilabasan niya.

“Ang una ko pong ginawang dula ay ang Bagong Harana ng Philippine Opera Company”, bungad na wika ni KL. “Pero ang first musical play ko po ay ang Manhid, at ako po si Urduja, Ang Diwata Ng Gabi sa musical play na iyon, na sinundan ng The Pinoy Super Hero Musical. May ginawa rin po ako sa Ballet Philippines. Kalimitan po’y support lead lamang ako doon sa mga bida.”

At ngayon, dumating na ang pinakamalaking hamon para kay KL. Ito ngang Maria Clara role niya. Bale unang pagkakataon din niya itong makalabas sa Gantimpala Theater Foundation.

“Last year po kasi, I also auditioned for the role”, kuwento ni KL. “I was supposed to be the alternate for Ms. Myra Mae Menesses as Maria Clara. Pero nagkaroon po ng conflict at hindi natuloy. And this year, they approched me to play the part. Natuloy din finally ako as Maria Clara.”

kl with carlo manalac (who will portray crisostomo ibarra) rehearsing for "KANSER"
kl with carlo manalac (who will portray crisostomo ibarra) rehearsing for “KANSER” (PHOTO BY: JHAY-R LAGRIMAS).

Para kay KL, napakahalaga ng papel ni Maria Clara sa nabanggit na dula.

“Siya po kasi ang representation ng Pilipinas, ang Inang Bayan”, wika ni KL. “Siya ‘yung babaeng medyo helpless, pero may gustong ipaglaban. Simbolo rin po siya ng isang tunay na babaeng Pilipina, na may self-respect at pride sa sarili nila. And to be honest po, hindi ko pa nagagampanan ang ganyang klase ng karakter o papel. It’s a big challenge for me.”

Inaamin ni KL na siya ay isang mang-aawit sa tunay na diwa at kahulugan nito.

“Singing is my first love po talaga and I am basically a singer”, sabi ni KL. “Kaya nga po naengganyo ako last year na mag-audition sa Kanser ay dahil full-blown musical ang Kanser last year. Doon ko unang nakilala ng mga taga-Gantimpala. Although this year, kakanta rin ako sa dulang ito dahil mild musical ang version ng Kanser this year.”

Ang gustong ma-accomplish ni KL ay kung paano siya makikipag-bagayan o makikipag-kemistri sa cast.

“Importante po kasi ang kemistri mo with your fellow performers”, sey ulit niya. “But I know, with director Frannie Zamora, magkakaroon ng justice at buhay si Maria Clara. It’s my first time also to work with direk Frannie kaya excited talaga ako”.

Let’s all make way for Ms. KL Dizon, ang bagong Maria Clara ng KANSER.

(sinulat ni robert manuguid silverio)

kansernewn2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s