sa mga panaginip mo, pedro…

raldblograldnew1

 

SA MGA PANAGINIP MO, PEDRO

SANA’Y KASAMA MO AKO…

DAHIL NUON PA MAN AY ‘TATLO’ NA TAYO-

SA MGA PANAGINIP KO.

 

SA TUWING MAKIKITA KO ANG DAGAT AT ANG MGA ALON NA SUMASAYAW SA BUGSO NG HANGIN,

PARANG ANG KALULUWA KO’Y SUMASAMA RITO… NAKIKIPAGLAKBAY, NAKIKIPAGLARO.

 

SABI NILA, KUNG WALA ANG DAGAT AY WALA RIN ANG BUHAY…

DAHIL ITO ANG TUBIG NA DADALOY SA ILOG AT MAGBIBIGAY NG KATIWASAYAN-

SA BAWAT TAONG NAUUHAW.

 

ALAM KO, NAROON KA, PEDRO-

SA MGA ALON NA IYON, SA MALAWAK NA DAGAT NA TILA YATA WALA NANG KATAPUSAN.

 

MINSAN MO NANG SINABI: “MAKIKITA MO AKO KAPAG NAKINIG KA SA MUSIKA NG KABIBE”.

KAYA KAPAG NALULUNGKOT AKO, TINATAPAT KO LANG SA TENGA KO ANG KABIBENG PAG-AARI KO…

AT SUMASAYA NA AKO.

 

PEDRO, SALAMAT…

AT NAGING KAIBIGAN KITA

NAGING KAIBIGAN KA NAMIN…

 

MAGPASA-WALANG HANGGAN.

 

(isang deklarasyon ng damdamin at mga panaginip na tila bagang wala nang katapusan, mula sa “book of love” ni robert manuguid silverio).*

PHOTO CREDITS ON THE “SLEEPING GERALD”, PHOTO BY: MS. LHYNNE IMPERIAL

 

P.S. PANONOORIN KITA SA AGOSTO 27 SA ST. CECILIA’S HALL NG ST. SCHOLASTICA’S COLLEGE, SA GANAP NA ALAS-SAIS NG GABI,  PARA SA PANIBAGONG BERSYON NG IYONG DULA.—sssip*

 

raldblograldcover pedro pedro2seakabibe