JANSEN AGUILAR: ANG BAGONG PADRE SALVI NG “KANSER”!


Photography: Giru Mercado Stylist: Napoleon Tapia HMUA: Lenard Vasquez Model: Paul Jansen Ong
Photography: Giru Mercado
Stylist: Napoleon Tapia
HMUA: Lenard Vasquez
Model: Paul Jansen Ong

gtfxx23

jansen aguilar (right), with (from left): ms. camille lopez molina, meldea chua and blogger sssip (in stripes red shirt).
jansen aguilar (right), with (from left): ms. camille lopez molina, meldea chua and blogger sssip (in stripes red shirt).

Dinatnan namin ang napakabait na talent ng Elites Model Management International na si Jansen Aguilar na abalang-abala sa kanyang voice workshop sa world-famous classical singer na si Ms. Camille Lopez Molina. Napansin pa namin, talagang napaka-seryoso nu’ng bata na matuto at every detail nung tinuturo sa kanya ni Mrs. Molina ay sineseryoso niya. Kaya naman, hangang-hanga kami sa batang ito.

“Two days na po akong nagbo-voice lessons dito, tito Robert”, wika ni Jansen nang upuan niya kami for an interview. “And so far po, improving na ako talaga. Ang dami ko agad natutunan, ang galing kasi at hindi basta-basta ang nagtuturo sa amin- in person of the world-renowned classical singer na si Ms. Camille Lopez Molina. Wow, I really learned a lot and I enjoyed this experience so much.

“You know what, tito Robert, dati-rati po, ang akala ko ay ‘tone-deaf’ ako”, pagpapatuloy na sabi ni Jansen. “It’s only now that I realized na hindi pala ako ‘tone-deaf’. Dahil sa pagtuturo ni Ms. Camille, na-appreciate ko na ng mas higit at nadi-distinguish ko na ng mas klaro ang mga tono ngayon. Hindi naman pala talaga ako ‘tone-deaf’. Iba talaga kapag magaling ang nagturo sa iyo!”

Narinig pa naming kumanta si Jansen that afternoon. Wow, may tinatago palang talento sa pagkanta talaga itong si Jansen (sey mo, Camille Ann Elauria?) na puwedeng ipagmalaki sa lahat.

“At ngayon ko lang din na-discover na mataas pala ang range ng voice ko”, anya pa. “Kaya ko palang kantahin maski matataas na tono. At least, may mga bago po akong natutunan ngayon sa sarili ko na hindi ko alam na meron pala ako.”

At dinagdag pa ni Jansen na he’s looking forward sa mga bago pa niyang matutunan as days pass by. Bukas, August 9, ay first rehearsal day na niya para sa dulang KANSER ng Gantinpala Theater Foundation. Dito na niya mami-meet ang lahat ng cast and production staff na makakasama niya sa longest-running play na ito in the history of Philippine Theater. Kaya naman excited na talaga si Jansen.

“Napaka-babait po nilang lahat at very approaching sa akin”, wika pang muli ni Jansen nu’ng tanungin namin siya ukol sa pakikisalamuha sa kanya ng mga artistiko at genuine na tao sa Gantimpala. “Napaka-down to earth po nila sa akin kaya hindi po ako nahirapang makisama sa kanila. Mami-meet ko pa ang iba at ang lahat sa first day of rehearsals po namin sa Agosto 9. Parang ang sarap makipag-bonding sa kanila.”

At OO. Si Jansen Aguilar nga ang bagong Padre Salvi ng dulang KANSER. Ang papel na iyon ay mahirap, mapang-hamon, puno ng misteryo. Maski nga si Carlo Manalac (ang gumanap na Padre Salvi last year at gaganap namang Crisostomo Ibarra this year) ay nag-confide sa blogger na ito na nahirapan siyang gampanan ang role na iyon dahil “hidden” ang mga motibasyon at tunay na intensyon nung karakter sa dula. Pero para kay Jansen, ito ay isang hamon na kanyang lalampasan.

“Kakayanin ko po at kampante naman po ako na may ibubuga na ako ngayon sa acting”, pagtatapos na wika ni Jansen. “Malaki kasi ang natutunan ko sa acting workshop ko sa iyo, tito Robert. Pagkatapos nun, nag-acting workshop din ako sa PETA. Kaya kampante na po ako na magagampanan ko ang role. Maski sa boses ko, hindi biro ang gagawin ko. Panay na ang aral ko ngayon sa mga kantang kakantahin ko sa dula.”

Isang modelo na ngayon ay isa nang AKTOR SA TEATRO. Siya si Jansen Aguilar, ang bagong Padre Salvi ng KANSER.

KAPANA-PANABIK talaga.

(sinulat ni robert manuguid silverio)

jansen: widening horizons
jansen: widening horizons

jansen2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s