kierwin larena, please don’t break our hearts…


kierwin: not really a heart-breaker
kierwin: not really a heart-breaker

kier2

kierwin as GREG in the play KATIPS
kierwin as GREG in the play KATIPS

“Nandito kami! Nandito kami!! Huwag puro siya, kami naman, please!!!”, sigaw ng mga kalalakihan sa mga babaeng kaeskuwela nila bilang reaksyon sa pagtili at paghiyaw ng mga ito nu’ng lumabas sa entablado si Kierwin Larena. “Mas guwapo kami diyan!”

Nu’ng tumingin naman ang isang blogger sa mga lalaking nagsigawan na iyon sa left side audience row ng Cinema 9 sa SM Centerpoint, gusto niyang sumigaw ng ganito: “Nasaan ang guwapo? Nasaaaaaaan!!!”

Kapal n’yo (joke lang….-r.s.*). Ang layo naman ng mga pagmumukha ninyo sa kaguwapuhan ni Kierwin Larena, mas lalo na nu’ng lumabas ito sa bandang katapusan ng dulang KATIPS na maikli na ang buhok at very fresh-looking. Doon kasi sa moment na iyon ng dula, OH MY, doon na sa eksenang iyon halos hubarin na ng mga kababaihang nanonood sa kanya ang kani-kanilang mga “panties” (Wala pong ibig sabihin ito, kunwari lang….-r.s.*). Sa tono kasi ng mga tili ng mga kababaihan sa auidence, tila hinuhubad na talaga ng mga ito ang kani-kanilang mga “panties”, pero hindi naman po, kaya tuloy napa-react na ang mga lalaking kaeskuwela nila at sinabing- “Narito kami, narito kami!!!”

Hahaha. Sa lakas kasi ng stage presence ni Kierwin Larena, na lalong pinaigting ng kanyang angking husay at galing sa pagganap- tumingkad ng husto ang ‘aura’ ng kanyang pagiging isang aktor sa entablado. Lalo pa’t napaka-lovable din nu’ng character na ginampanan niya sa dulang iyon bilang si Greg.

Pasensya na kina Kevin Posadas at Daniel Cruz na pawang Stagers din at ka-alternate ni Kierwin sa role na Greg, dahil nu’ng maka-tatlong beses na naming napanood ang dulang KATIPS, palaging si Kierwin ang natitiyempong gumaganap sa role na Greg at hindi sina Kevin o Daniel (O, sadya bang tinaon lamang namin? Hehehe….-rs*). Kaya naman wala kaming magawa kundi laging si Kierwin lamang ang nare-review namin sa role na iyon.

Ang napansin pa namin, ang galing umalalay ni Kierwin sa mga baguhang Stagers nu’ng araw na iyon sa performance nila sa SM North Edsa. Yung mga New Stagers na medyo nawawala sa choreography, hahawakan kunwari ni Kierwin ang kamay nito at hihilahin palapit sa kanya para makasabay sa sayaw at kanta. Lalo na doon sa new actor na gumanap that day sa papel na ‘Art’, yung young activist na napatay sa dula. Halatang baguhan pa ito sa entablado kaya todo-alalay si Kierwin du’n sa aktor na iyon na kasama niya.

Sa napakagandang ugali ni Kierwin, lalo niyang napabilib ang isang blogger na nanood nung hapon na iyon. After their second performance that day (July 29 performance), nag-standing ovation tuloy ang mga estudyante sa pagtatapos ng dula. Talagang napahanga sila sa lahat ng mga actors and actresses na gumanap sa play.

Huwag na lang sanang sermunan pa ng mga teachers ang mga estudyanteng napatili kay Kierwin, ha, at sa iba pang mga artista sa play na KATIPS. Hindi mo na kasi minsan makokontrol ang emosyon mo kapag nanonood ka ng isang musical play na tulad nito. Bukod sa natangay ka na kasi ng magagandang kanta at musika, talagang napahanga ka pa kasi at sobrang kinilig sa mga artistang gumanap. Kaya hindi mo rin masisisi ang mga estudyante kung nagsisigawan sila. Maski ba sinabihan na sila ni JP Lopez, isang disciplinarian-Stager (ginagawa ito ni JP bago mag-umpisa ang play….-r.s.*) na huwag magsipagtili. Sorry, JP, kung ikaw kasi ay isa sa mga nanonood ng KATIPS, mapapatili ka talaga.

Kierwin Larena, don’t break our hearts!!!!

(words by robert manuguid silverio)

katips

‪#‎katips‬ schedule for July and August:
July 29 and 30 SM North EDSA Cinema 9 8am, 11am, 2pm, 5pm
July 31 SM North EDSA Cinema 9 9am, 12nn, 3pm (Grand Opening)
August 6 SM Southmall Cinema 3
8am, 11am, 2pm
August 7 SM North EDSA Cinema 9
8am, 11am, 2pm, 5pm
August 11 Adamson University
8am, 12nn
August 12 Adamson University
4pm (World Premier)
August 13 SM Centerpoint Cinema 1 8am, 11am, 2pm
August 14 Yuchengco Theatre De La Salle University 9am, 1pm and 5pm
August 20 and 21 SM Centerpoint Cinema 1 8am, 11am, 2pm
August 25, 26, 27 Pampanga and Tarlac (Time and venue to be announced)
August 28 SM Centerpoint Cinema 1
8am, 11am, 2pm
Sched for September onwards will be announced soon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s