“your love for country is greater than anything else”— kevin posadas


kevin: a remarkable artist
kevin: a remarkable artist (PHOTO BY; MR. VINO ORIARTE)

One of the Stagers we really do admire is Mr. Kevin Posadas. Very unaffected kasi ang attitude niya, innocent-looking, pure and gentle. Kaya naman napakaganda ng impresyong  nailikha ni Kevin sa blogger na ito. Plus, the fact na sa oras na mapanood mo siyang umaarte na sa gitna ng entablado, mapapamangha ka talaga sa husay at galing niya. Kakaiba. Kakaloka.

Huli naming napanood si Kevin sa dulang Abattoir na naging isa sa mga dulang itinanghal nuong nagdaang Summer Theater Festival ng Philippine Stagers Foundation. Sayang lang nga at hindi competing play ‘yun sa nabanggit na Summer Fest, kasi, napakahusay ni Kevin sa dulang iyon. Napaka-memorable ng pagganap niya duon bilang isang ‘lost soul’ na napunta sa isang slaughter house at napatay mismo nu’ng may-ari ng slaughter house na iyon which happened to be his long, lost father. Kaya maski horror ang genre nu’ng nasabing play, napaiyak kami sa death scene ni Kevin sa dulang iyon. Pati paghingal niya, pagkurap ng mata, pagsambit ng mga salita- grabe, napakahusay talaga. Isa si Kevin sa mga ‘underrated actors’ ng PSF. Bihira siyang mapuri at iyon ang nakapagtataka.

kevin as GREG in the play "KATIPS"
kevin as GREG in the play “KATIPS”

Anyway, alam naman ni Vince Tanada ang tunay na kakayahan ni Kevin, kaya ito ang kinuha niya bilang alternate kay Kierwin Larena (kasama din palang alternate sa role na iyon ang New Stager na si Daniel Cruz) para sa role na Greg sa dulang KATIPS (Ang Mga bagong Katipunero), ang isa sa mga male lead character ng play, aside from the role of Panyong (na ginagampanan naman alternately nina Vince Tanada at Jomar Tanada Bautista).

Alam ni direk Vince, magagampanan din ng husto ni Kevin ang character na iyon sa nabanggit na musical play- dahil kaya-kayang ni Kevin na “mag-transform” into ‘different kinds of emotions and feelings’ na hinihiling nung papel.

Pero for Kevin, what made him fully embrace into the character of Greg?

“For one, maganda ‘yung material and the role as well”, bungad na sagot ni Kevin in one coffee break sa kanilang rehearsals ng play. “Very naturalistic lang ang ginawa kong approach sa character ko as Greg. Na tulad ng ibang mga taong nagmamahal sa bayan niya, I wanted to show, through Greg’s character, that your love for country is greater than anything else. It surpasses any forms or labels of LOVE. It goes beyond boundaries. And you are willing to give-up everything for the great love that you feel for your country.”

kevin: already saw the beauty of arts at a very young age
kevin: already saw the beauty of arts at a very young age

At tila nga yata napakasarap na gampanan ang ganitong uri ng character sa anumang forms or mediums of performing arts, di ba? Lalo pa’t sa kaso ni Kevin, nakita na niya ang kahalagaan ng dulang ito magmula pa nuong bata pa siya.

“Before kasi, I think that was the year 2007, I first became a production staff pa lang ng play na ito”, pagri-reveal ni Kevin. “I already saw the whole play at that time, at bata pa ako noon. Kaya alam kong maganda talaga ang play na ito. This year, may mga binago lang ng kaunti si direk Vince, mga minimal revisions sa dula. Pero mas lalo lamang itong gumanda ngayon.

“Minulat na ng play na ito ang aking kasipan, maski pa nuong bata pa lamang ako”, dugtong ni Kevin. “Kaya mahalaga sa akin ang play na ito. At muli, nagpapasalamat ako kay direk Vince dahil kinuha niya akong muli para gumanap rito.”

First time din ni Kevin na maka-eksena sa gitna ng entablado si Vince Tanada, muli para sa dulang KATIPS.

“Dati-rati kasi, ako ang laging alternate sa role niya kaya hindi ko siya nakakaeksena”, sabi pa ni Kevin. “At ngayon lang talaga kami nagkaroon ng mga scenes together dahil iba ang papel na ginagampanan niya.

“Maganda ang rapport namin ni direk Vince on stage. Pero off stage, we’re best of friends talaga. Ganyan kami ni direk Vince.”

Huling tanong para kay Kevin. Magagawa ba niya sa totoong buhay ang ginawa ng character na Greg sa dulang KATIPS?

“I am not plastic, sir Robert, to tell na hindi ko pa maisip sa ngayon kung magagawa ko ba sa totoong buhay ang ginawa nu’ng character na Greg sa dula”, huling sagot ni Kevin. “All I can say now is, let’s cross the bridge when we get there. Sobrang dami nu’ng pinagdaanan nu’ng character ni Greg sa dula. Pero siya pa rin ang nagbigay ng pagasa sa lahat. Sana, may mga ganyang klase pa rin ng mga Pilipino sa panahon natin ngayon.”

Totoo ka, Kevin Posadas.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

kevin: new horizons
kevin: new horizons

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s