hmu lenard vasquez: ngarag na ngarag na sa dami ng aayusan sa star magic ball 2016!


lenard on the road
lenard on the road

Ang Star Magic Ball ng channel 2 ay isa sa mga pinaka-exciting events sa mundo ng entertainment scene. Dito kasi nasasaksihan ang glittering glamour ng ating mga sikat na artista at celebrities. Kaya naman, piling-pili ang mga hairdressers, HMU’s, fashion designers na magpa-participate dito (on the background). Na tila ‘sinala’ talaga. Yung mga magagaling na beauty artists lamang talaga ang napipili nila.

Kaya naman, take note. Ang kumare naming si Lenard Vasquez, isang magaling na HMU (Hair & Make-Up Artist) ang isa sa mga napiling mag-aayos sa mga bituin na magpa-participate sa Star Magic Ball na gaganapin sa Linggo, July 31.

Ayaw na lang pabanggit ni Lenard kung sino-sino ang mga aayusan niya. Pawang mga baguhang in-house talents ng channel 2 ang aayusan niya na itinatago pa sa ngayon pero ilulunsad na very soon ang mga respective showbiz careers.

Ngayon pa lang nga, ngarag na ngarag na si kumareng Lenard. Siyempre, mahirap ang preparations and all. Lalo pa’t kailangang iakma niya ang kaayusan ng artista depende duon sa gown or coat and tie na isusuot ng mga artista.

Nakita na namin ng personal ang ‘expertise’ ni kumareng Lenard pagdating sa Hair and Make-Up nu’ng maka-ilang beses na niyang ayusan ang mga male talents ng Elites Model Management ni Mr. Martin Bellosillo sa mga pictorials. Like Nikki Co, Jansen Aguilar, Gertrud Hahn and JV Benito Villegas. Talagang bongga siya kung mag-ayos. isang tingin pa lang namin habang nag-aayos siya sa mga artista, alam na naming magaling siya talaga (we should know dahil naging P.R./publisicst na kami ng mga top hairdressers like Ricky reyes and Fanny TF Serrano).

Nasa ibaba ang ilang mga hindi basta-bastang mga celebrities na inayusan na ni lenard (look at the pictures below na lang). Sosyal, di ba?

Sa darating na Linggo rin, bale lagare si kumareng Lenard. Kasi, sa umaga ay aayusan muna niya ang magandang pamangkin ng blogger na ito na si Denise Vivero for a special phot-shoot, care of our favorite high fashion photographer na si Mr. Joey Gonzales. Then, after ng photo shoot sa pamangkin namin, tatakbo na si kumareng Lenard sa channel 2 for the Star Magic Ball dahil nga may mga aayusan siya doon.

More power, Lenard! keep it up!

 

(words by robert manuguid silverio, photos below courtesy of Mr. Lenard Vasquez)

lenard with top model tweety de leon and a friend
lenard with top model tweety de leon and a friend
Vania Romoff for L'Officiel
Vania Romoff for L’Officiel
lenard with channel 7 talent enzo pineda
lenard with channel 7 talent enzo pineda

lenardxlenardxxxx lenardxxx

lenard with ms. vania
lenard with ms. vania

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s