miguel ramirez: ibabalik ang sigla at ningning ng isang tunay na action star!


mrx3

MIGUEL: PUWEDENG ACTION STAR, PUWEDE RING SEXY STAR
MIGUEL: PUWEDENG ACTION STAR, PUWEDE RING SEXY STAR

Ilang taon na ring medyo humina ang appeal ng mga action stars, kasama na rito ang mga action movies sa mundo ng pelikula. Pero sa paga-analisa ng iba, pansamantala lamang ito. babalik at babalik din balang araw ang pagpupunyagi ng mga action stars at mga action movies. Nangangailangan lang siguro ng tamang timpla, tamang panahon at “perfect timing”.

 

MIGUEL OOOZES WITH SEX APPEAL...
MIGUEL OOOZES WITH SEX APPEAL…

Kaya naman ngayon, naririto si Miguel Ramirez upang muling pasiglahin ang mundo ng mga action stars at action films. Sa dalawang short films na natapos na niya (kamakailan lamang ay nagkaroon ng screenings sa Amoranto Stadium screening hall ang dalawang short films niya na may ‘action genre’), masasabi mong pang-action talaga ang porma ni Miguel. Maliksi ang mga kilos, kay galing manuntok, mabilis ang mga senses. malalim na kasi ang naging background ni Miguel sa action, may knowledge din siya sa martial arts, at maka-ilang beses na ring lumabas noon sa mga pelikulang aksyon ni direk Willie Milan (R.I.P.) at sa mga action films na nai-produce noon ni Amado Tan.

MIGUEL IS THE LEAD ROLE IN THIS SHORT FILM--- "BUYO"
MIGUEL IS THE LEAD ROLE IN THIS SHORT FILM— “BUYO”

Si Miguel ang lead role sa short film na Buyo, isang all-out action short film na kung saan ipinamalas ng husto ni Miguel ang kakayahan niya sa “street fighting” o doon sa tinatawag na “mano-mano” na istilo ng pakikipagbakbakan. Ang role niya sa short film na ito ay isang estranghero na napadpad sa isang lugar na kung saan ay napag-initan siya ng mga tao. Kinailangan niyang protektahan ang sarili niya kaya nakipagbakbakan siya sa mga sanggano.

Kung papanoorin mo ang short film na ito, talagang umiigting ang appeal ni Miguel habang nakikipagsuntukan. Mararamdaman mo, puwede niyang ibalik ang sigla at ningning ng isang tunay na action star!

“Hard action talaga ang short film na iyon”, kuwento pa ni Miguel sa isang blogger. “Gusto naming ibalik ang sigla ng action sa short film na ito. Ang direktor ko sa pelikulang ito ay si Benzon Dalina, isang beterano at batikang stuntman. Away-kanto ang ginamit kong estilo sa pakikipagbakbakan sa short film na ito. Na siyang estilo nuon ng yumaong action star na si Ace Vergel. Parang binuhay kong muli si Ace Vergel sa paggamit ko ng estilo niya sa action sa pelikulang ito.”

Sa tulong daw ng international action star na si Leon Miguel, napasama ang dalawang short films nila sa “Inding-Indie” Film fest ng University of the Philippines. kaya malaki rin ang pasasalamat ni Miguel sa kaibigan niyang si Leon Miguel.

MIGUEL IN A SUPPORTING ROLE IN - "KRYPTONITE"
MIGUEL IN A SUPPORTING ROLE IN – “KRYPTONITE”

Bukod sa Buyo, kasama rin si Miguel sa pelikulang Kryptonite na mula naman sa direksyon ni Marol Eugenio. Nakakatuwa naman ang istorya ng pelikulang ito. Maski supporting lang ang role dito ni Miguel, markado naman daw. Ang istorya ng pelikula ay ukol sa isang maton na nagka-anak ng isang bakla. Pasok din ang pelikulang ito sa Inding-Indie Filmfest ng U.P.

MIGUEL GOES SEXY AND ACTION IN "PAKAY"
MIGUEL GOES SEXY AND ACTION IN “PAKAY”

Samantala, may isa namang natapos na indie film si Miguel, ito ang pelikulang Pakay, na kung saan ay “sexy-action” naman ang tema ng pelikula. Bukod sa nag-action si Miguel sa nasabing pelikula, ay nagpa-seksi din siya at the same time.

“Naniniwala ako na hindi naman nawawala ang sexiness sa mga pelikula, laging nariyan ‘yan”, sabi pa ni Miguel. “Kaya hindi naman ako hesitant na magpa-sexy. As long na kailangan sa istorya ng pelikula ay gagawin ko naman.”

 

MIGUEL (SEATED AT THE CENTER) WITH CESAR MONTANO AND THE CAST OF "SULTAN KUDARAT"
MIGUEL (SEATED AT THE CENTER) WITH CESAR MONTANO AND THE CAST OF “SULTAN KUDARAT”
MIGUEL AS A SPANISH CONQUISTADOR IN "SULTAN KUDARAT"
MIGUEL AS A SPANISH CONQUISTADOR IN “SULTAN KUDARAT”

May natapos ding isang mainstream movie si Miguel ngayon. Ito ang pelikulang Sultan Kudarat na kung saan ay si Cesar Montano (na gumaganap na Sultan Kudarat) ang madalas niyang kaeksena sa pelikula.

“Isang Espanyol ang papel ko sa pelikula”, sabi ni Miguel. “Historical film ito ukol sa buhay ni Sultan Kudarat. Gamay naman ako sa papel ko bilang isang Espanyol dito dahil sa totoong buhay ay may dugong Spanish ako. Ang surname ko kasi sa totoong buhay ay Juerto, isang apelyido ng mga Kastila.”

 

MIGUEL WITH THE GROUP OF STUNT MEN AND WOMEN HE'S SUPPORTING
MIGUEL WITH THE GROUP OF STUNT MEN AND WOMEN HE’S SUPPORTING

mr-stunt2

Sinusuportahan ngayon ni Miguel ang mga kaibigan niyang stuntmen at ang dalawang grupo ng mga stuntmen na aktibo pa rin ngayon sa paggawa ng mga pelikula at sa mga TV teleseryes. Ito ang I.S.A.P. (International Stuntmen Association of the Philippines) at ang MOSCAP (members of Stuntmen and Character Actors of the Philippines).

Ang mga opisina ng dalawang grupo ng stuntmen na ito ay matatagpuan mismo sa gusaling pag-aari ni Miguel na malapit lamang sa may Commonwealth Ave., Q.C. Dito nagmi-meeting ang mga stuntmen at talaga namang all-out support ang binibigay ni Miguel dahil mga kaibigan niya ang mga ito.

Plano ni Miguel na maging aktibo sa movie and TV industry ngayon kaya kinuha niya ang serbisyo ni Robert Silverio (ang inyong lingkod) upang tumayong P.R.-Manager niya. Kaya naman sa lahat ng mga may gustong kunin si Miguel sa mga pelikula nila, kontakin lamang ang numero ng kanyang P.R. Manager- 0933-5098582.

Miguel Ramirez, oo, naniniwala nga kaming kaya niyang ibalik ang ningning at sigla ng isang tunay na ACTION STAR!

 

(words by robert manuguid silverio)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s