BERNARDO BERNARDO: BOW KAY JOHN LLOYD CRUZ!


bernardo bernardo, bow kay johnlloyd cruz!
bernardo bernardo, bow kay johnlloyd cruz!

ANG AGILA. MULI SIYANG HUMATAW…. MULING NASILAYAN PAHIMPAPAWID. MULA SA ITAAS, MATATANAW MO SIYA. MATARAY ANG PAGLIPAD. NAPAKAGANDANG PAGMASDAN….

OO, ANG AGILA. SIYA’Y MULING NAMAMAYAGPAG… AT HINDI PA SIYA “EXTINCT”. MAGDUDULOT PA RIN SIYA AT MAGBIBIGAY NG MGA PANIBAGONG HAMON, SIGLA, AT WALANG HANGGANG PAGYABONG. LIPAD, AGILA, LIPAD!!!

 

“And the winner is: BERNARDO BERNARDO!”

Iyan ang tumitiling deklarasyon ng isang presentor ng i-announce ang winner para sa Best Supporting Actor nuong nagdaang Urian Awards, ang pinaka-reliable and prestihiyosong award-giving ng bansa. Tinalo ni Bernardo Bernardo ang halos isang dosenang nominees para sa kategoryang iyon. At ito ay isang malinaw na halimbawa na “ang alak, habang tumatagal, ay lalong sumasarap”.

 

MR. BERNARDO: PARANG ALAK NA HABANG TUMATAGAL AY LALONG SUMASARAP...
MR. BERNARDO: PARANG ALAK NA HABANG TUMATAGAL AY LALONG SUMASARAP…

bb2

Sa isang very romantic setting sa SM Megamall- ang French Baker restaurant, nakapanayam ng isang blogger ang iniidolo niyang theater icon and veteran actor na si Bernardo Bernardo. At ang unang tanong nito sa kanya: “Winning Best Supporting Actor at the recent Urian awards, did it give you a new zest in life?”

Napangiti agad si Mr. Bernardo sa unang katanungan na iyon, sabay sabing:

“Parang isang welcome validation iyon for all my hardwork”, anya. “Siguro, grateful lang. Ganon. Kasi ‘yung movie na ipinananalo ko- yung Imbisibol, for me, hindi siya basta pelikula lang, eh. Kaya it’s really something close to my heart. Iba siya. From a stage play iyon turned into a movie, nabigyan siya talaga ng halaga and proper treatment. At napakalaking bagay talaga para sa akin na napansin nila ang binigay kong efforts sa movie na iyon. Kaya tuwang-tuwa talaga ako. After 36 years na pagitan, ngayon lang ulit nabigyan ng rocognition ang pagganap ko sa pelikula. At sa URIAN uli. Una kasi akong nabigyan ng award as an actor bilang Best Actor ay sa Urian din, and that was 36 years ago- sa pelikulang Manila By Night ni Ismaehl Bernal. Kaya happy talaga ako”, naging pahayag pa ni Mr. Bernardo.

Ang sumunod na tanong ukol kay Mr. Bernardo ay ukol doon sa long working hours ng mga aktor at artista sa kanilang mga movie and television projects. Nakikiayon ba si Mr. Bernardo, him being a veteran actor sa pakikipaglaban ng mga taga-industriya na maging “considerate” ang mga producers sa working hours ng mga artista?

“Health is wealth”, sagot ni Mr. Bernardo. “It works both ends- to the really old and also to the young. sana, limitahin nila ang oras ng pagtatrabaho ng mga artists, kasi nagsa-suffer talaga ang health nila. Bigyang pansin sana ito ng mga producers, and it must be met across the board talaga. They must find ways na mai-advance ang oras ng mga aktor na nagsisiganap- hindi lang para sa aming matatanda na, I repeat, kundi pati na rin sa mga bata.

“Artists need to take actions regarding this issue”, dugtong na wika pa ni Mr. Bernardo. “Most of all those artists with influence, sila dapat ang kumilos at gumawa ng paraan. Iyong mga artists na kadikit ang prodyuser o kadikit ng TV networks. So far, I am so happy with the way channel 2 reacted to this problem. Ang bilis ng channel 2 na kumilos! Humanga talaga ako kay John Lloyd Cruz and his camp, dahil sila ang unang nagsalita in protecting the rights of artists and film makers….

“This time, I am talking about a related issue, ‘yung naging issue nuon sa Metro Manila Filmfest”, pagkaklaro ni Mr. Bernardo. “Kasi bukod duon sa working hours ng mga artista, ipinaglaban din ng kampo ni John Lloyd Cruz na pangalagaan ang kapakanan ng bawat film artists. They have the voice to do that dahil sila ang mainstream at mas pakikinggan sila. Kaya mas maganda ang naging resulta. Hats-off ako kay John Lloyd Cruz. Matapang siya, may vision, may malasakit. Kaya bow talaga ako. May impact kasi kapag siya na ang nagsalita, because of his stature as an actor. Nabago ang rulings ng MMFF dahil sa pakikipaglaban na ginawa ng grupo ni John Lloyd.”

Kaya raw tuwang-tuwa si Mr. Bernardo dahil nuong manalo siya sa Urian recently lang as best Supporting actor nga, kasama niya sa entablado si John Lloyd Cruz na nanalo naman bilang Best Actor.

“I was also celebrating for him”, nawika pa ng Agila- si Mr. Bernardo. “Dahil nanalo rin si John Lloyd. I was also celebrating his victory that night.”

At kaya rin naman masayang-masayang lumilipad ngayon ang Agila ay dahil nanalo ang kinampanya niyang Presidente. Walang tigil niya itong pinagtanggol sa Facebook niya at sa Social Networking Media. At sulit naman dahil nanalo ang “bet” niyang si Presidente Rodrigo Duterte.

So far, contented ba siya sa mga pagbabagong pinakikita ngayon ni Presidente Rodrigo Duterte?

“Yes, I am. I am very contented”, huling sagot pa ni Mr. Bernardo. “I campaigned for him. Kaya feel na feel ko- HETO NA. Heto na talaga ang pagbabagong inaasam ng madlang Pilipino. And so far, kumikilos na talaga siya. Sa mga unang linggo pa lamang niya at ng Gabinete niya, ang dami nang pagbabagong naganap. Si Presidente Duterte kasi, nagagamit rin niya ang pagka-abogado niya since he took up Law. Kaya nasa tamang lugar lamang ang lahat. Hindi ako nagsisisi ngayon na kinampanya ko siya!”

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s