angelo falconi does the hair and makeup of honeylet and daughter kitty sa inauguration ni president duterte…


ANGELO FALCONI'S DUTERTE EXPERIENCE DURING THE PRESIDENTIAL INAUGURATION KUNG SAAN INAYUSAN NIYA SINA HONEYLET AT KITTY DUTERTE (DUTERTE'S LOVE PARTNER AND LOVE CHILD)
ANGELO FALCONI’S DUTERTE EXPERIENCE DURING THE PRESIDENTIAL INAUGURATION KUNG SAAN INAYUSAN NIYA SINA HONEYLET AT KITTY DUTERTE (DUTERTE’S LOVE PARTNER AND LOVE CHILD)
SI ANGELO KASAMA SI HONEYLET NU'NG PUMASYAL ITO SA SALON NIYA SA DAVAO CITY FOR A TRIAL MAKEUP.
SI ANGELO KASAMA SI HONEYLET NU’NG PUMASYAL ITO SA SALON NIYA SA DAVAO CITY FOR A TRIAL MAKEUP.
SI ANGELO KASAMA SI HONEYLET, ANG ASAWA NIYANG SI STIFANNY AT MOTHER-IN-LAW NI ANGELO NA SI MRS. EDEN GUIRA
SI ANGELO KASAMA SI HONEYLET, ANG ASAWA NIYANG SI STIFANNY AT MOTHER-IN-LAW NI ANGELO NA SI MRS. EDEN GUIRA

Huli man daw at magaling, makakahabol din. Dapat ay kami ang naka-scoop sa balitang ito, pero dahil sa kabagalan namin ay ngayon lang namin naisulat. Yes po, tama ang nasa titulo ng artikulong ito. Ang celebrity hairdresser na si Angelo Falconi III nga ang siyang nag-ayos ng buhok at nag-makeup kay Ms. Honeylet at sa daughter niyang si Kitty sa nakaraang inauguration ni Presidente Rodrigo Duterte last June 30 sa Malacanang palace.

In case you don’t know yet, si Honeylet po ang love partner ni Presidente Duterte at si Kitty naman ang pinaka-bunsong anak ni Duterte. Hiwalay na kasi si Presidente Duterte sa una niyang asawa na si Mrs. Zimmerman.
Anyway, si Honeylet mismo ang personal na tumawag kay Angelo Falconi para ito ang mag-ayos ng kanyang buhok at mag-makeup sa kanya sa historical inauguration ni Presidente Duterte. Pati na rin sa anak na si Kitty. Sobrang na-touched naman si Mr. Falconi dahil sa dinami-dami ng mga hairdressers ay siya mismo ang napili ni Honeylet. Minsan na kasi siyang ni-request ni Honeylet sa Davao City (yes po, may branch doon ng Angelo Falconi Salon sa Davao), ng isang TRIAL MAKEUP ONLY, at, nagustuhan ng husto ni Honeylet ang magandang makeup ni ginawa sa kanya ni “angel” Angelo. Kaya naman sa espesyal na event- inauguration ng kanyang minamahal na partner- si Angelo ang ginusto niyang mag-ayos sa kanya.
“It’s such an honor na ayusan ang taong minamahal ng ating Presidente”, sabi ni Angelo. “Sobrang hindi ako makapaniwala. Ang saya-saya ko. Inaaya nila akong sumama sa Malacanang that day to witness the inauguration of President Duterte, pero hindi na po ako sumama. Pero proud na rin ako dahil ipinagmalaki talaga ako ni Honeylet sa lahat ng mga kaibigan niya, lalo na kay Presidente Duterte.”
The latest we heard, si Angelo na ang magiging official hairdresser na rin ni Honeylet sa lahat ng mga special occasions sa Malacanang. Tignan ninyo na lang sa mga litrato kung gaano kaganda si Honeylet sa pamamagitan ng “magic touch” ni Angelo, but anyway, talaga namang maganda na si Honeylet at pinakinang lamang ni Angelo ang natatangi nitong kagandahan, di ba?
“The Dutertes are very simple and loving people”, sabi pa ni Angelo. “Naroon din mismo si Presidente Duterte habang inaayusan ko si Honeylet at si Kim. Nakipag-usap pa siya ng saglit sa akin before they left papunta sa venue, at hindi na nga ako sumama. Nakipag-selfie pa nga sa akin si Presidente. I feel like a part of his family na talaga. Kasi, napaka-warm nila.”
Masaya kami para kay Mr. Angelo Falconi. May his tribe increase!
(sinulat ni robert manuguid silverio)
PHOTOS COURTESY OF MR. ANGELO FALCONI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s