ANG NAPAKA-BONGGANG MARKETING EVENT LAUNCH NG GANTIMPALA THEATER FOUNDATION PARA SA KANILANG 39TH SEASON!!!


FULL HOUSE PRODUCTIONS MERGES WITH GANTIMAPALA THEATER FOUNDATION ON ITS 39TH SEASON!!
FULL HOUSE PRODUCTIONS MERGES WITH GANTIMAPALA THEATER FOUNDATION ON ITS 39TH SEASON!!
THE VERY MABAIT AND CHARMING DIREK JUN PABLO, PAST CHAIRMAN OF THE BOARD OF GANTIMPALA THEATER FOUNDATION DELIVERS HIS FAREWELL SPEECH
THE VERY MABAIT AND CHARMING DIREK JUN PABLO, PAST CHAIRMAN OF THE BOARD OF GANTIMPALA THEATER FOUNDATION DELIVERS HIS FAREWELL SPEECH

GTF51

It’s not just a very simple event, but we can say by now, isa itong napaka-bonggang marketing event launch ng Gantimpala Theater Foundation para sa kanilang 39th theater season.

Bakit namin nasabing napaka-bongga? kasi in terms of artistic presentation sa programang pinalabas nila on that day of June 25, 2016 (almost a week that passed by now) talagang napamangha kami. It was directed by GTF’s present Chariman of the Board na si Roobak Valle, at talaga namang napakaganda ng presentation nila. So artistic, so enduring…

Unang nagsalita ang past Chairman of the Board na si direk Jun Pablo, at nagpasalamat ito sa lahat ng mga taong sumuporta at tumulong sa kanila the last 39 years of existence ng Gantimpala Theater Foundation (GTF). Hindi nakalimutan ni direk Jun na banggitin ang pangalan ng yumaong si Tony Espejo (who died years ago) na siyang naging pioneer man ng GTF.

Naroon din si direk Joel Lamangan, ang artistic director ng GTF at nakakatuwa ang kanyang naging speech para sa lahat ng mga naroroon, especially the marketing people. Hindi seryoso ang speech ni direk Joel pero malalim at makahulugan.

Mawawala ba ang resident theater directors ng GTF na sina direk Frannie Zamora, Roeder Camanag at Roobak Valle. Bale sila pa rin ang mga magiging direktor ng apat na classic plays na taon-taong tinatanghal ng GTF para sa mga estudyante at different school campuses. Ang wala lang ay si direk Jeffrey Camanag, na siyang direktor ng El Filibusterismo.

Si direk Frannie pa rin ang magdidirek ng “Kanser”, si direk Roeder sa “Florante at laura” at direk Roobak sa “Ibong Adarna”.

Naroon din ang mga artistic staffers nila at isa-isang pinakilala sa programa.

pero ang napakaganda sa programang pinalabas ay ang mga ‘excerpts” and “readings” na pinakita’t tinanghal nila sa lahat. Ang ganda-ganda ng execution at ng backdrop setting. Ang finale ay isang musika mula sa dulang “Kanser@35: The Musical” kung saan lahat ng mga theater actors na nagsipag-reading sa excerpts ay tmingin sa screen at nag-bow sa apat na classic plays na pinakita. Tapos, umulan na ng mga confettis!!! Bongga talaga!!!

Among the great theater actors/actresses who participated in the readings of the four classic plays ay sina Malou Crisologo, Adrianna Agacaoili, Wowie de Guzman, Jojit Lorenzo, Valerie Tan, at iba pang pool of GTF theater performers.

Um-attend din sa event na ito sina direk Soxy Topacio (of PETA) and direk Perry Dizon, na pareho din namang nanggaling sa Gantimpala and they’re both there to  give support.

AND BY THE WAY, SA 39TH SEASON NG GTF, ANG FULL HOUSE PRODUCTIONS AY NAKIPAG-MERGE NA SA KANILA. BALE ITO ANG MANGANGASIWA NA NGAYON NG KANILANG MGA CORPORATE EVENTS! MAS BONGGA, DI BA?

More power to gantimpala Theater Foundation on their 39th season!!!!

 

(words by robert manuguid silverio)

MR. JHAY-R LAGRIMAS/ RIGHT CLICK PHOTOGRAPHY
MR. JHAY-R LAGRIMAS/ RIGHT CLICK PHOTOGRAPHY

EXCLUSIVE PHOTOS TAKEN BY: MR. JHAY-R LAGRIMAS AND RIGHT CLICK PHOTOGRAPHY

 

GTF GTF50 GTF51 GTF52 GTF53 GTF58 GTF10 GTF11 GTF12 GTF13 GTF14 GTF15 GTF16 GTF17 GTF18 GTF19 GTF2 GTF20 GTF21 GTF23 GTF24 GTF25 GTF26 GTF27 GTF28 GTF3 GTF30 GTF31 GTF32 GTF33 GTF38 GTF39 GTF4 GTF40 GTF41 GTF42 GTF42 GTF43 GTF44 GTF45 GTF46 GTF48

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s