maski nagtagumpay ang first movie niyang “pare, mahal mo daw ako?”, sabi ni michael pangilinan- “hindi na muna ako aarte sa pelikula”!!!


mic mic2

michael: will give singing an all-out focus
michael: will give singing an all-out focus

Ano? Totoo ba ang narinig kong sinabi mismo ni Michael Pangilinan sa may kanang tenga ko? Na hindi na muna siya aarte muli sa pelikula??? Oh, no!

Yes po, dinig na dinig namin ang mismong ibinulong ni Michael sa aming taynga. Nakiliti pa nga kami sa bulong niyang iyon, dahil iyong hangin sa bunganga niya ay tila bagang mga karayom na tinusok-tusok at kiniliti ang aming kanang taynga.

“Kuya Robert, totoo po ang narinig mo, hindi na nga muna ako aarte sa pelikula”, inulit pang binulong-bulong ni Michael P. sa kanan naming taynga. “Iyan po ang desisyon ko, at sinang-ayunan din po iyan ng manager kong si Jobert Sucaldito.”

Naganap ang bulungan na iyon sa Photo Studio ng magaling na photographer na si Edward dela Cuesta, habang nag-pictorial doon si Michael ng kanyang CD album cover materials. Naku naman, ayaw pa kunwari ng isang blogger na tumingin-tingin kay Michael habang nagpo-pose ito in very revealing poses, showing his naked torso and all. Haaaaaaayyyyy. Pero hayun, hindi rin siya nakatiis at napatitig ng husto sa hubad na katawan ni Michael nuong itinaas nito ang kanyang mga braso, revealing his bare armpits na nakapaglalaway talaga. E-heeeemmmm.

Anyway, back to the bulungan with Michael, pina-elaborate pa namin kay Michael why siya ayaw na muna talagang umarte sa pelikula, eh, samantalang kay gaganda naman ng reviews sa acting niya doon sa movie niyang Pare, Mahal Mo Daw Ako?

“Sabi po sa akin ni Tito Jobert, kapag may bagong kanta na lang akong papatok ulit at isasapelikula, doon na lang daw uli ako aarte”, sagot ni Michael. “Parang yung nangyari rin sa Pare, Mahal Mo Daw Ako? Kasi, ang gusto ni Tito Jobert, talagang mag-focus na muna ako ngayon sa singing career ko. All-out focus talaga. And we both feel, kung pagsasabayin namin ang pag-arte at pagkanta, baka mag-suffer ang singing ko. That’s it, pasensya na po, matatagalan talaga nila ulit akong mapanood umarte muli after Pare, Mahal Mo Daw Ako. Kaya sa mga hindi pa nakakapanood nung pelikula namin, samantalahin n’yo na.”

Very thankful si Michael sa lahat ng mga taong sumuporta at tumangkilik sa very first film niya.

“First of all, I thank God talaga”, sabi ni Michael. “Grabe ang binigay ni Lord na blessings sa akin sa taong ito, kaya nagpapasalamat talaga ako sa Kanya. And secondly, I would like to thank all the LGBT’s who supported our movie. Sobrang thankful ako sa kanilang lahat. Hindi nila ako pinabayaan. Hindi sila nagbago ng pagsuporta sa akin maski ba maraming krisis akong pinagdaanan ngayon. Yung nagyari sa first movie ko, hindi ko po talaga malilimutan.”

Sa July 1, sa Teatrino Greenhills, magkakaroon naman si Michael ng back to back concert kasama si Billy Padillo. Kababalik pa lamang ni Michael sa Japan kasama ang manager niyang Jobert ay lagare naman siya agad ngayon sa rehearsals ng concert nila ni Billie. A week before naman, sa Taiwan galing si Michael. Naku, talagang very hectic ang skeds ni Michael these days. Paano na ang lovelife niya sa napakabait niyang girlfriend ngayon na si Garie Concepcion?

“Garie is very supportive of my career”, pagtatapos na wika ni Michael. “We both want now to make our relationship last. We’re both doing our best and we both love each other so much. Anumang mangyari, hindi namin pababyaan ang pagmamahalan namin sa isa’t-isa.”

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s