billy padillo: ang babaeng kasa-kasama ni michael pangilinan sa pagkanta nuong nagsisimula pa lamang sila…


billy: so happy for michael pangilinan na kababata niya sa pagkanta
billy: so happy for michael pangilinan na kababata niya sa pagkanta
billy (center) with michael (left) and newcomer nikko (right).
billy (center) with michael (left) and newcomer nikko (right).

Ang tawag sa kanya ay Prima Diva Billy. Pero mas kilala siya ng mga kaibigan niya sa pangalang Billy Padillo. Minsan na rin namin siyang napanood kumanta sa Zirkoh comedy bar, at talagang humanga kami sa range ng boses niya at sa impact ng kanyang singing prowess. Hanep siyang bumanat, pati mga matataas na tono ay minamani-mani lang niya. She can steal scenes talaga sa galing at kakayahan niyang kumanta.

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, we managed to bump-shoulders with this very natural lady. Wala siyang ere sa personal, very normal-looking, but within, you can already feel her greatness. Kaya hindi na kami nag-hesitate na kapanayamin siya, and thanks God she readily agreed naman. Naganap iyon sa sexy pictorial ni Michael Pangilinan sa Edward dela Cuesta Photo Studio.

Napag-alamanan namin kay Billie, sabay pala sila ni Michael na pumasok sa mundo ng pagkanta.

“Opo, talagang sabay kami”, pagdedeklara ni Primadiva Billy. “Ako po ang babaeng kasa-kasama ni Michael noon. I mean, noon pong nagsisimula pa lamang kaming pareho sa mundo ng pagkanta. Pareho pa kaming bagets noon at si Mommy Jobert Sucaldito lamang ang nagtitiyaga sa aming dalawa. Talagang pinagtiyagaan kami at pinagpasensiyahan ni Mommy Jobert. Buti na lamang at hindi siya sumuko sa amin ni Michael.”

Ngayon ay sikat na sikat na rin sa mundo ng mga gig bars and mall shows si Primadiva Billy. But the sad thing is, based na siya ngayon sa U.A.E. -, sa Dubai na siya kumakanta ngayon. Naririto lamang siya now sa Pilipinas for a short vacation at para sa nalalapit nilang concert ni Michael Pangilinan sa Teatrino, Greenhills this coming July 1. After the concert ay lilipad nang muli si Billy papuntang Dubai dahil may kontrata pa siya doon.

“Pero actually po, ‘yung pagpunta ko sa Dubai, hindi po plinano iyon, kusa lang pong dumating”, kuwento ni Billy sa blogger. “Bigla lang pong naghanap yung owner ng bar doon ng isang singer. And I could not say no. Kaya hayun, ni-readjust ko lahat ng mga plano ko sa buhay dahil sa Dubai contract na iyon.”

Anyway, 10 months lang naman ang kontrata ni Billy sa nasabing bar sa Dubai, and after ten months, nasa sa kanya na kung babalik pa siya ng Pilipinas. Pero ngayon pa lang nga, ang dami nang nagsasabing she must still pursue her singing career in the Philippines.

“Sana po, pagbalik ko, nariyan pa rin silang lahat para sa akin”, pakiusap pa ni Billy.

Anyway, sa darating na concert ni Billy wherein ka-back-to-back niya si Michael, nangako siya sa isang blogger na kakantahin niya ang awiting “Make You feel My Love” ni Adelle, dahil pawang mga Adelle songs pala ang kakantahin niya sa concert na iyon na ka-back-to-back niya ang Kilabot Ng Mga Kolehiyala.

“Masayang-masaya po ako ngayon sa pagsikat ng kasabayan kong si Michael”, pagtatapos na wika ni Primadiva Billy. “Ngayon kasi, hindi na siya basta-basta. He’s got a name na talaga. And I am proud of him. Naaalala ko pa nuong baguhan pa lang kami, ang kukulit namin. Pero now, hayan na siya, Michael Pangilinan na. He deserves all the success he’s getting now.”

Basta more power na lang to both Billy and Michael.

 

billy and michael: close friends
billy and michael: close friends

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

billy: in dubai
billy: in dubai
michael pangilinan's irresistible tounge!- with billy, nikko and jobert sucaldito and ahwel paz
michael pangilinan’s irresistible tounge!- with billy, nikko and jobert sucaldito and ahwel paz
billy: soaring higher
billy: soaring higher

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s