michael pangilinan, jobert sucaldito and ahwel paz conquers taiwan!


JOBERT10 JOBERT11 JOBERT25

Sa pahintulot ng mabait naming kaibigan na si Jobert Sucaldito, at dahil nagandahan talaga kami at natuwa sa mga larawang kuha ni Mr. Ahwel Paz sa nagdaan nilang paglalakbay sa bansang Taiwan, heto’t nanginginig pa ang mga kamay naming bina-blog ang pinaka-latest na happening sa buhay ng iniidolo naming singer na si Michael Pangilinan.

Sa pang-iimbita ng mga taong involved and behind sa contest na Mr. & Ms. Philippines-Taiwan, nagpaunlak si Michael na maging very special guest singer sa nasabing prestigious international male and female beauty search. Tipong si Michael ang nag-serenade sa mga naggangandahang Pinay contestants doon na based na sa Taiwan. At si Jobert Sucaldito naman ang napiling isa sa mga hurado at si Mr. Ahwel Paz ang isa sa mga nagpasaya sa lahat, lalo na sa mga naguguwapuhang kalalakihang contestants doon.

As of press time, hindi pa namin nakakapanayam si Michael, maski sina Jobert at Ahwel, ukol sa naganap nilang aktibidades sa Taiwan. Lahat sila ay pawang mga busy pa, lalo na si Michael. Si Ahwel naman, nung i-text namin ay kalalapag pa lamang daw niya sa airport ng NAIA. Kaya malamang na si Jobert na lamang ang makakapanayam namin anytime soon.

Isang magandang hakbang ang nasabing patimpalak upang mas tumibay pa ang relasyon ng Piipinas at Taiwan. Marami na rin kasing mga Pinoy ngayon ang naninirahan na at nagtatrabaho sa Taiwan. Kaya very timely ang patimpalak na Mr. & Ms. Philippines-Taiwan.

More on this kapag nakapanayam na namin si Mr. Sucaldito, na naghahanda na ring muli sa isa na namang commitment nila ni Michael sa ibang bansa. Talaga naman.

Meanwhile, ang gaganda ng mga reviews sa pelikulang “Pare, Mahal Mo Daw Ako?” na showing pa rin ngayon sa mga sinehan all-over Metro Manila. Isa itong indie film na maituturing mo na ngayong pasok na pasok nang talaga sa “mainstream” category of films  dahil sa huge success and rave reviews na natanggap ng movie na ito.

Kaya naman, more power sa Sucaldito camp. And break more legs!!!

 

(sinulat ni robert silverio)

PLUS MORE PICTURES BELOW, COURTESY OF MR. AHWEL PAZ’ AND MR. JOBERT SUCALDITO’S FB ACCOUNTS. THANK YOU.

JOBERT21JOBERT22JOBERT16JOBERT24JOBERT23JOBERT20JOBERT20JOBERT2JOBERT19JOBERT18JOBERT17JOBERT16JOBERT15JOBERT14JOBERT13JOBERT12JOBERT

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s