isang panawagan ni direk frannie zamora, kasama ang iba pang mga artists para kay Presidente Duterte…


direk frannie zamora: disappointed
direk frannie zamora: disappointed
direk frannie (far right) with fellow artists
direk frannie (far right) with fellow artists
direk frannie with blogger robert silverio
direk frannie with blogger robert silverio
direk frannie with blogger evo joel contrivida
direk frannie with blogger evo joel contrivida

Tila malungkot ang mga mata ng ka-tandem ni presumptive President Rodrigo Duterte nu’ng makita namin ito sa telebisyon kasama si Duterte. Malamlam ang kanyang mga mata. Tila ata hindi siya masaya sa mga bagong desisyon ng paparating na Pangulo. Lalo na nuong nag-entertain ito ng mga bisita sa kanyang tahanan sa Davao City. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Senator Alan Peter Cayetano.

Kung tutuusin, napakalaki ng nagawa ni Alan Peter para manalo si Duterte. Ito ay sa aming palagay lamang. Kasi, nakuha ni Duterte ang pulso ng mga kabataan ng dahil kay Cayetano na isang “new breed” politician. Sayang lang nga at natalo si Cayetano sa Vice President bid nito. Malalakas kasi ang mga naging kalaban niya. Pero kung hindi niya nasuportahan si Duterte, hindi magiging gano’n ka-positive ang outcome para sa padating na nating bagong Pangulo ng bansa.

presumptive President Rodrigo Duterte
presumptive President Rodrigo Duterte
senator alan peter cayetano
senator alan peter cayetano

Medyo naguguluhan din ngayon ang mga artists na sumuporta kay Duterte nuong nagdaang campaign season hanggang sa manalo ito. Malaki rin ang mga nagawa ng mga artists na ito- offering their services, posting Duterte in social networks and the viral world, and shouting to everyone na si Duterte ang iboto nila. Pero ngayon, tila yata nawala ang excitement nila buhat nung manalo si Duterte.

Ito ay kapansin-pansin sa kanilang mga Facebook, Instagram at Twitter accounts. Nagpaparinig sila kay Duterte na tila ang dating- “Bakit gano’n?”

Yes, when you help someone, you must not expect anything in return. Pero kaparte na sa kultura ng masang Pinoy ang umasa ng kahit kaunting kapalit man lang. Totoo iyan. Wala namang masama diyan. And at this early stage, tila yata mas may inuuna pa ang ating presumptive President? Nagtatanong lang po.

Isang gabi, sa simpleng tahanan ni direk Frannie Zamora, ay nakausap namin ang magaling na direktor na ito sa teatro. In-between bottles of San Mig Light beers, medyo naisaad sa amin ni direk Frannie ang kanyang “disappointment”.

Pero hindi namin puwedeng i-quote si direk Frannie. Kaya kami na lang ang magbibigay ng “all-out opinion” sa mga bagay na ito.

Si direk Frannie Zamora, na kakapanalo pa lamang sa Aliow Awards bilang best Director sa isang Musical Play entitled “Kanser @35” ng Gantimpala Theater Foundation, ay isang iconic figure for the arts para sa amin. He is an all-around kind of an artist. He started it out as a ramp model, bago naging isang singer, then an actor- and now, a director.

Naging tambayan ng mga magagaling artists- people from the theater scene, fashion scene, movie industry scene- ang kanyang fashion boutique noon na na-transform into a drinking bar dahil nga siya ang gustong puntahan palagi ng mga artists. Dito siya namulat sa “political scene” dahil sa matatalinong obserbasyon ng mga artists sa mga bulok na sistema ng gobyerno.

Kaya naman naitanong namin kay direk Frannie, hindi ba dapat maglaan ng malaking pondo ang gobyerno para sa ikauunlad ng sining at kultura?

Sagot ni direk Frannie: “From the looks of it, with the many people sorrounding now in Duterte’s life, mukhang matatagalan bago mangyari iyan dahil mas uunahin niya ang mga more immediate and important concerns sa bansa natin”, sagot ni direk Frannie. “Basta kami naman ay narito lang. Baka mangyari iyan in two years time pa. Matatagalan talaga. Pero nakakalungkot.”

Lagi na lamang nababale-wala ang mga artists na tumutulong sa isang Political candidate. Kaya hindi mo maiaalis na parang GINAMIT lamang sila?

“Hindi naman siguro, in fairness”, sagot ni direk Frannie. “Nakita naman natin sa mga news programs sa TV na kung sino-sino lang ang mga nagpunta kay Duterte. Kaya hindi naman siguro. We are all just waiting to be invited.”\

Naman.

Kaya sa pamamagitan ng blog feature na ito, we are calling the attention of presumptive President Rodrigo Duterte. Give the “real artists” a chance. And treat them well.

Yan na lang muna po ang masasabi namin SA NGAYON.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

artists are giving Duterte a CHALLENGE
artists are giving Duterte a CHALLENGE

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s