bulgar tabloid’s entertainment editor- ms. janiz navida- pours out her sentiments to daniel padilla’s publicist…


JANIZ NAVIDA’s (LADY EDITOR OF BULGAR TABLOID) WORDS OF SENTIMENTS IN HER FACEBOOK PAGE, REGARDING THE RANTS OF DANIEL PADILLA’S PUBLICIST:

MS. JANIZ NAVIDA: ENTERTAINMENT EDITOR OF BULGAR TABLOID
MS. JANIZ NAVIDA: ENTERTAINMENT EDITOR OF BULGAR TABLOID
JANIZ WITH HER HUBBY
JANIZ WITH HER HUBBY
DANIEL PADILLA
DANIEL PADILLA

Sa totoo lang, ayoko na sanang patulan ang post ng isang kapatid sa panulat bilang respeto sa opinyon niya sa lumabas na front page title sa BULGAR tungkol kay Daniel Padilla.
Una, wall niya ‘yun, so he can say whatever he wants.
Pangalawa, kung tutuusin, ‘funny issue’ lang ‘to na dahil lumabas sa BULGAR, naging big deal sa KathNiel fans at sa mga walang magawa kundi makisawsaw lang, samantalang nu’ng pinagpipistahan sa social media, ang daming napangiti lang naman dahil sa kalokohan ng kung sinumang gumawa ng MEME na ‘yan.
Pero dahil gusto ng kampo ni Daniel na lumaki ang issue (I don’t like to think na wala nang ibang mapag-uusapan sa kanya kaya ginawa pang big deal ‘to), sige, patulan na… but not for my own sake kundi ang mga mismong tabloid newspapers and writers na kasi ang nila-lambast ng mga makikitid na utak na netizens.
Hindi pala dapat paniwalaan ang mga tabloids dahil basura lang… pero bakit kaya tuwing may artistang gustong sumikat, pilit isinisiksik sa mga tabloids?
Wala palang kredibilidad ang mga tabloids at gumagawa lang ng issue para bumenta… pero bakit pati mga pulitiko at produktong gustong makilala ng masa… nagpapa-ads sa mga tabloids?
Hiyang-hiya naman ang mga bumubuo sa mga tabloids na makapaghatid ng latest tungkol sa mga celebrities na sinusubaybayan ng mga fans ang buhay dahil napakaliit ng tingin ng ilang kababayan natin sa ganitong uri ng babasahin.
At hiyang-hiya naman kami na paninira lang pala ang nagagawa naming mga tabloid writers sa mga artistang mula sa kawalan ay tinitingala na ngayon sa lipunan.
Hindi naman siguro kalabisan na kahit isang porsiyento ay angkinin naming mga tabloid writers ang kredito ng pagsikat ng ilang artistang ni hindi na nga marunong magpasalamat sa naging kontribusyon ng mga tabloids sa kanilang pagsikat, dahil lang sa isang titulong hindi nila nagustuhan dahil hindi man lang inunawa at binasa ang kabuuan ng article ay basura na ang tingin sa nagsulat at sa mga tabloids?
Huuuwwwow!!! Grabe sila, oh!!!!
Sa mga patuloy naman pong nagtitiwala sa pahayagang BULGAR at sa lahat ng mga tabloids sa buong Pilipinas, maraming-maraming salamat po!”-— BY JANIZ NAVIDA.*

Janice Navida, the Entertainment Editor of Bulgar tabloid, has expressed disappointment over another showbiz writer’s BULGARJanice Navida, the Entertainment Editor of Bulgar tabloid, has expressed disappointment over another showbiz writer’s rant about the tabloid’s headline “Labs mo, Kathryn, ‘adik’ daw… Kalat na: DANIEL, papatayin ni DUTERTE.” For fans and Dominic Rea, Daniel Padilla’s publicist, Bulgar used below the belt title for the Daniel Padilla article to “attract” readers.–(FROM LIONHEARTTV.NET)

(FROM SSSIP*- LABAN, KAPWA KO MANUNULAT! LABANAN ANG DISKRIMINASYON NG MGA PUBLICISTS NA ‘YAN NA FEELING SIKAT!!!)***

Evelyn Macalintal Carandang-Diao:  “Hindi lang isang porsiyento ang dapat angkinin ng tabloid and its writers… bakit ang dami ng tabloids sa merkado? tama ka, maraming artistang mula sa kawalan at tinitingala na, pero masyado busy para magpasalamat…. nakakahiya naman sa kanila!”

 
 Larah May Magsakay-Abrigo:  “At bilang isang minsan din na naging trabahador sa tabloid, masakit para sa akin na nila-“LANG” lang ang tabloid. kundi ako nagkakamali, isang kandidato sa pagka-presidente ang minaliit ang tabloid. frown emoticonkung talagang BULGAR readers sila, dapat nasanay na sila sa mga kicker o titulo na nababasa nila ru’n. mangyari ay basahin dapat muna ang buong artikulo bago mag-react ng kung ano-ano. ang lagay eh, bumase lang sila sa titulo, nakagawa na ng panibagong bersyon ng istorya. tsk! tsk!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s