vean olmedo, oj bacor and gerald magallanes: top performers at the psf theater fest 2016…


vean
vean
oj
oj
gerald
gerald

Pinamangha nila kami sa kani-kanilang magagaling na pagganap. Tumingkad ng husto ang kanilang mga kinang sa entablado. Bumusilak ng buong nigning ang lalim ng kani-kanilang mga puso’t kaluluwa. Sila ang tatlong mga TOP PERFORMERS para sa amin sa katatapos lamang na PSF Theater Festival 2016.

Pero bago ang lahat, banggitin muna natin ang mga dahilan kung bakit silang tatlo ang napili naming mga TOP PERFORMERS, na hinuhulaan din naming magsisipagwagi sa darating na awards night ng nasabing Theater Festival sa May 21, at gaganapin iyon sa Tanghalang Pasigueno.

Sina Vean at OJ ang napili naming (although personal choices lamang namin sila at sana huwag magalit ang mga hurado kung sakali mang ito ang aming choices. Salamat—SSSIP.*) magtatabla sa Best Actress category. Si Vean kasi, kuhang-kuha niya ang karakter ng babaeng bida sa competing play na “Tatlong Tula Nina Vitto at Lira”. Very refreshing ang pagganap niya, at very intense din. Samantalang si OJ naman, napakahirap nu’ng ginawa niyang consistency ng character niya bilang isang Transexual (half man, half woman) sa dulang “Gigi-erah”. Ibang klaseng pagganap ang ipinakita niya, kakaiba rin ang atake niya.

Sa Best Actor category, hinuhulaan naming si Gerald Magallanes ang magwawagi. Isang “once-in-a-lifetime” performance ang ipinamalas niya sa dulang “Tatlong Tula Nina Vitto at Lira”. Hindi namin malilimutan ang eksenang iyon- ang highlight scene ni Gerald na kung saan ay umiyak siya ng napakaganda at napaka-artistiko. Doon lamang sa ekenang iyon, sapat na upang maging Best Actor siya sa amin.

cindy
cindy
jayson
jayson
patrick
patrick
chin
chin
marina
marina

 

Nakasunod naman sa listahan namin bilang Top Performers sina Cindy Liper para sa “Babasagin”, Jayson Bulanghagui para sa “Marka” at Patrick Adrian Libao para sa “Sako”.

Sa supporting performers naman, nakatitiyak na kaming mananalo si Chin Ortega para sa kakaiba niyang pagganap sa dulang “Sako” at si Marina Eperrida para sa “Marka”.

Pasensya na po, ito ang aming sariling personal choices. Huwag po sanang magagalit sa amin ang mga hindi namin napili.

See you all on May 21 sa awarding ng mga mananalo sa PSF Annual Theater Festival!!! Kung sakali mang iba ang taste ng mga hurado at hindi sina Vean, OJ at Gerald ang mapipili nila, okey lang. Basta kami, sila ang aming choices. Yun lang at babu!

(sinulat ni robert manuguid silverio)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s