“tonight with boy abunda”, paganda ng paganda…


b.a. b.a.2 b.a.3 alma

Paganda ng paganda ang late night show na Tonight With Boy Abunda. Maski late night na, tataas ang libido mo dahil very entertaining and fast-paced ang estilo ng programa. Maski 15-minute show lamang ito, siksik na siksik naman ang mga nilalaman.

Last Thursday night (May 12), naging guest pa ni Kuya Boy ang controversial na political candidate na si Ms. Alma Moreno. patok na patok sa lahat ang interview portion sa aktres na hindi mo malaman kung nagpapatawa ba o kung ano, dahil sa mga pinagsasagot at pinaggagawa magmula nu’ng maging visible ito as a political candidate, na natalo naman.

Piangpistahan sa Facebook ang kanyang “Bonakid dance” sa isang campaign rally, at ang pagpo-post niya ng mga katagang “I Conceive” sa kanyang Twitter account na ikinaloka talaga ng marami dahil past menopausal stage na siya at hindi na puwedeng magka-anak. ‘Yun pala ang ibig sabihin ni Alma ay “I Concede”, dahil natalo siya sa nagdaang eleksyon.

Anyway, naipagtanggol naman ni Alma ang sarili niya nu’ng gabing iyon sa Late Night With Boy Abunda, dahil very safe namang magtanong ang magaling na TV host na si Boy Abunda. Inalalayan niya ng husto si Alma para huwag na namang magkamali ito sa kanyang “English grammar”. Hahaha.

TONIGHT WITH BOY ABUNDA, A MUST-SEE LATE EVENING TALK SHOW!!!

 

(words by robert manuguid silverio)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s