“SAKO” ng isang walang hanggang kasinungalingan… (rebyu)


Nakakapagod na rin kung minsan ang MANGARAP, maski ba ito ay libre lang.

Nakakasuya na rin kung minsan ang UMASA, lalo pa’t ito’y wala namang katiyakan…

O, ang magbulag-bulagan, magpunyagi, at magmahal.

Sa isang madilim na sulok na iyon ng mga taong isang kahig, isang tuka lamang, marahil, hindi na nga nila taglay-taglay ang magagandang dulot na iyon ng buhay-

Ang mangarap, ang magmahal, ang umasa, ang magpunyagi….

Maaari pa rin naman silang mabulag-bulagan. Pero paano kung matuklasan rin nila sa bandang huli na ang pagbubulag-bulagan nila ay hahantong din sa kasukdulan balang-araw?

Hindi namin ikukuwento sa inyo ng buong-buo ang dulang “SAKO”, isang one-act play at kasali this year sa mga competing plays para sa Philippine Stagers Foundation’s Annual Theater Festival.  Pero sa totoo lang, hindi mo mape-predict ang ending ng dulang ito. Isang malaking twist ang magaganap kasi sa pagtatapos ng dulang ito.

Hangang-hanga kami kay Cencherry Ann Bagtas sa kanyang pagganap sa dula. Hindi kasi “tradisyonal” ang ginamit niyang estilo sa acting. Makabago ang approach niya, at napaka-makatotohanan. Dahil ganun na ganun ang kilos at mga galaw ng mga dalagang lumaki sa kahirapan, nawalan ng pagasa, at naging pala-iyak na lamang. Sa totoong buhay, marami na kaming nakitang ganito. At kuhang-kuha ni Cencherry ang tamang timpla sa karakter niya. Kudos sa iyo, Cherry!

Hindi naman siguro dapat na laging sundin na lamang ang makalumang atake sa pagganap. Dapat din sigurong mag-eksperiemnto paminsan-minsan. Pero to be safe, parehong ginamit nina Patrick Adrian Libao at Chin Ortega ang mga “old patterns” na iyon sa effectivity ng kani-kanilang mga pagganap.

Kaya naman mas hinangaan namin si Cherry sa dulang ito dahil nag-“risk” siya. Hindi siya natakot maging SAFE. Hindi rin siya natakot mag-evolve. Iyan ang tunay na artista.

Muli, sa direksyon ni Vince Tanada, mararamdaman mo ang maayos na pagtatanghal ng dula. At dahil nakakulong lamang sila sa isang maliit na sabsaban (tatatlo lamang ang mga karakter ng dula), kailangang sumigaw ka muna sa labas upang tanungin ang oras. Kung hindi ka lalabas, hindi ka maririnig ng mga kapitbahay…

Kaya naman, hayun, maski may namatay na sa loob ng sabsaban na iyon, tila tumigil na rin ang oras para sa kanilang lahat.

DAHIL IYON LANG NAMAN ANG NARARAPAT.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

cencherry anne bagtas
cencherry anne bagtas
cherry
cherry
patrick libao
patrick libao
chin ortega
chin ortega

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s