direk frannie zamora talks about duterte and cayetano…


duterte: direk frannie zamora's choice for President
duterte: direk frannie zamora’s choice for President

“I remain unpolitical”, bungad na sabi ni direk Frannie Zamora sa isang blogger in one casual conversation. “But I think, it’s VP bet Alan Peter Cayetano who should be credited for Rodrigo Duterte’s phenomenal rise as a future President of this country. From the very start, naroon na siya sa tabi ni Duterte. At nakuha ni Cayetano ang atensyon ng mga  kabataan na pansinin si Duterte dahil sa presence ni Cayetano as his running mate.”

zamora: "artists are open individuals"
zamora: “artists are open individuals”

Pero dahil sa malakas din ang following nina Chiz Escudero, Leni Robredo at lalo na ni Bongbong Marcos, medyo si Cayetano ngayon ang “dark horse” sa labanan ng VP (Vice President) race. Anyway, kung sakali mang manalo si Duterte, hindi naman siya pababayaan nito, it’s almost panalo na rin si Cayetano, di ba?

 Naitanong namin kay direk Frannie, bakit ang lakas-lakas ng hatak ni Duterte sa mga kabataan at sa mga artists ngayon?

“Because artists are open individuals”, sagot ni direk Frannie. “Basically, iyan ang nature ng mga artists. Bukas ang kalooban nila at mga mata sa mga bagay-bagay. Kaya nagustuhan nila si Duterte. Maraming artists and performers ngayon ang nage-endorso sa kanya. Alam kasi nila, maraming good changes na magagawa si Duterte para sa bansang Pilipinas.

“Pagdating naman sa mga kabataan, ito naman ang mga taong masasabi nating New Breed kasi at noon pa naghahangad ng bagong pagasa para sa mga buhay nila”, dugtong na sabi pa ni direk Frannie. “At kay Duterte nila nakita iyon. Sawang-sawa na ang mga kabataan sa mga pangako ng mga old traditional Politicians. They are now seeking for new idols and leaders na gagabay sa kanila.”

Maski unpolitical si direk Frannie, ngayon lang siya nakumbinse na mag-join sa isang grupo ng mga tao sa viral world na sumusuporta kay Duterte. Naniniwala din kasi siya sa sinseridad ni Duterte to uplift the Philippines, our own beloved country.

“Palabiro siya, pero mararamdaman mo naman na sincere siya as a future leader”, wika pa ni direk Frannie. “Alam mong kikilos siya overnight. Alam mong gagawa siya ng mga aksyon at tamang mga pagbabago para sa ating bansa.”

Nahahati na ngayon ang mga artists sa mga pagpili ng kani-kanilang future President. May mga maka-Grace Poe, may mga maka-Binay at maka-Roxas, at maka-Miriam Santiago. Pero sabi ni direk Frannie, hindi ito dahilan para magka-hiwa-hiwalay ang mga artists ngayon. And let’s give Duterte a chance to prove his worth.

“Kaya Duterte-Cayetano ako, sila ang iboboto ko!”, pagtatapos na sabi ni direk Frannie Zamora, the award-winning director of the theater world, who recently won as Best Director for a Musical Play sa Aliw Awards.

 

(words by robert manuguid silverio)

zamora: "i remain unpolitical"
zamora: “i remain unpolitical”
duterte: up to bring change?
duterte: up to bring change?
cayetano: must be credited for duterte's phenomenal rise
cayetano: must be credited for duterte’s phenomenal rise

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s