“marka”: isang kamarka-markadong dula para sa psf annual theater fest


 

GALIT. Ito nga ba ay isang negatibong damdamin o isang ekspresyon ng patuloy na pakikipaglaban?

GALIT. Ito nga ba ay nakamamatay o nagsisilbing taga-udyok ng katotohanan?

GALIT. Ito nga ba ay sanhi ng karupukan o ng pagiging isang matibay na nilalang?

GALIT.

Iyan ang pinaka-buod ng dulang “Marka”, isa sa mga competing plays this year para sa annual theater festival ng Philippine Stagers Foundation. At malaki ang pag-asa ng dulang ito na maging Best Featured Play sa taong ito dahil sa kakaiba nitong tema, eksperimento at atake.

Nuong itinanghal ito last April 23, 2016 sa PSF Studio, may mga hindi naging magandang mga komento ang tatlong huradong sina Franniel Zamora, Peter Flores at Ronaldo C. Carballo. Pero para sa blogger na ito, mali silang tatlo. Dahil ang dulang “Marka” ang siyang nagbigay ng “all-out satisfaction” para sa amin.

At bakit?

Dahil ito ang totoo, ito ang reyalidad na nakikita mo sa buhay, at ito ang buong tapang na tumalakay sa natatagong mga lihim ng bawat taong “nagugumon sa sex”.

Dapat magalit ang isang tao para magising at mamulat sa katotohanan ang mga taong nanloloko at umaapi sa kanila.

Dapat magalit ang isang tao dahil sa pang-aabuso sa sex na ginawa nito sa kanya magmula nuong siya ay bata pa lamang.

Dapat lalong magalit ang isang taong MALINIS at nakasuot ng kulay-puting damit dahil siya ang laging pinupunasan ng dumi at “marka” ng kapwa-tao niya.

Sa nabanggit na dula, gustong-gusto namin ang eksena na iyon ng isa sa pinaka-paborito naming PSF actor na si JV Cruz- ‘Yung eksenang pinunasan siya ng santambak na pintura at sari-saring mga kulay ng kapwa niya may mga sakit din na AIDS.

Kitang-kita sa emosyon ng mukha ni JV ang galit, dahil siya ay malinis naman pero nabansagang MARUMI.

Maganda rin ang damdaming naramdaman namin dahil parang kasama kami sa mga taong iyon na nasa “life-support group”, na maski ba hindi kami AIDS-stricken person, ‘yung damdamin na mapabilang ka sa mga taong marunong lumaban at “mag-express” ng sarili nila- sapat na iyon para lumigaya ka.

Dahil ang naging atake ng direktor ng dulang ito- na walang iba kundi si Vince Tanada, kabilang ang audience sa mga taong iyon na nile-lektyuran ng isang respetadong doktora (mahusay namang ginampanan ni Rutchell Leonor) ukol sa AIDS.

Nang biglang tumayo sa likuran namin si JV Cruz na kasama mismo sa audience at kasama rin sa dula. Nagsalita siya. Lumaban. Nagtanong. Napakagandang eksena.

Sumulpot rin ang karakter ni Marina Esperrida mula sa audience area. Nagtalo sila ni JV. Isang napakatalinong diskusyon sa AIDS ang narinig ng lahat.

Sina JV at Marina, magkaibang-magkaiba ang estilo ng pagganap, pero parehong epektibo. Si JV, kalmado pero mainit at puno ng “passion”. Si Marina, maihahambing mo siya sa beteranang aktres na si Vilma Santos dahil magalaw ang estilo niya at “over-powering”.

Ang pagkakasulat ni Bryan Galvez (ang playwright) sa dulang ito ay tila napaka-personal. Tila baga hindi pa siya nakaka-rekober sa isang personal na trahedya ng buhay niya at naroroon pa rin ang GALIT sa kalooban niya. Sa pagsisimula kasi ng dula, naikuwento ni Bryan sa harap ng audience na nagkaroon siya ng isang malapit na kaibigan na namatay na sa sakit na AIDS. Naging very painful ito sa kanya, pero niliwanag ni Bryan na siya ay AIDS-NEGATIVE. (Hay, salamat naman—ssssip*)-,  and no wonder, dahil sa masakit na pagkawala ng kaibigan ni Bryan sa totoong buhay, all throughout the play ay galit na galit ang lahat ng characters,- pero nai-“express” naman nila ang bawat sarili nila sa mundo. Kaya naman, PANALO pa rin sila…. AT, SILA ANG MGA “MARKA”.

Sa buhay ng tao, may mga bagay na nananatili. May mga bagay na nagbabadyang magbalik. Pero tatakasan mo pa rin ba ang KATOTOHANAN?

Ang partisipasyon ng comebacking PSF actor na si Jayson Bulanghagui sa dulang ito ang pinakamasarap at pinakamagandang sangkap ng dula. Dahil siya ‘yung rock star na hindi pa rin mahanap ang lunas para sa sakit niya. Basta ang alam lamang niya, biktima lamang siya ng isang mapait na “pang-aabuso” sa kanya nuong siya ay bata pa.

‘Yung eksenang kumakanta si Jayson habang hawak-hawak niya ang mikropono at nakaluhod naman sa harapan niya ang isang babaeng sumusubo sa kanyang ‘ari”, isa itong napakatalinong paglalahad na maski anupaman ang estado mo sa buhay- ikaw ay BIKTIMA pa rin ng mga sirkumstansya.

Napakagaling ni Jayson sa dulang ito. Isang pagganap na hindi namin malilimutan….

HABAMBUHAY.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

jayson bulanghagui
jayson bulanghagui
jayson
jayson
Jv Cruz
Jv Cruz
Marina Esperrida
Marina Esperrida
BRYAN GALVEZ (writer of the play "marka")
BRYAN GALVEZ (writer of the play “marka”)
VINCE TANADA, director of the play "Marka"
VINCE TANADA, director of the play “Marka”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s