nakaka-touch ang ginawang suporta nina coco martin at lovi poe kay presidential bet grace poe!


lovi poe
lovi poe
lovi
lovi

“Ang aking kapatid- Lovie Poe!!!”, ito ang tumataginting na wika ni Presidential bet Grace Poe sa aktres at kapatid niyang si Lovie Poe sa isang malaking political rally kamakailan lang.

Nakakaiyak ang eksenang iyon nu’ng mapanood namin sa telebisyon. Kung ang isang kapatid ni Grace Poe ay tahasang binabagsak pa siya, buti pa itong si Lovie, handang-handang sumuporta at makipaglaban para sa kanya.

Isa itong magandang ehemplo para sa lahat ng mga ARTISTS sa industriya ng Pelikulang Pilipino. Tayo-tayo ang dapat na magmahalan at mag-suportahan. Dahil sa totoo lang, tayong lahat ay MAGKAKASAMA at hindi magkaka-away!!!

Nakapagtataka lamang kung bakit ang ibang Filipino artists ay sa iba pa nagbibigay ng suporta, hindi doon sa taong may koneksyon sa pagiging artists nila at nakatulong ng malaki sa industriya ng Pelikulang Pilipino- ANG ANAK NINA FERNANDO POE, JR. AT SUSAN ROCES!!!

Ano ba ang mahihita nila sa isang mukhang sangganong kandidato, aber? At natulungan na ba sila nito???? Ngayon, bakit ito pa ang kanilang tinutulungan at sinusuportahan???? Nakapagtataka.

Anyway, baka ma-convince pa rin kami someday na iyon ang botohin namin. Hindi pa rin natin masasabi ang ihip ng hangin at takbo ng panahon. Everything changes in a minute!

Anyway, bukod kay Lovie Poe, hanga rin kami kay Coco Martin na kasama ni Ms. Susan Roces sa teleseryeng “Ang Probinsyano”, sa page-endorso kay Grace Poe at nangampanya pa ito minsan sa isang malawakang rally para kay Poe. Nakaka-touch.

MAGSAMA-SAMA PO TAYONG MGA TAGA-SHOWBIZ PARA SA ANAK NG ISANG HARI.

GRACE POE FOR PRESIDENT!

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

coco martin
coco martin
grace poe
grace poe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s