“tatlong tula nina vitto at lira”: isang pinto, dalawang puso, tatlong pagkabigo…


vitto

GERALD
GERALD
VEAN
VEAN
JAYJAY
JAYJAY
RACHEL
RACHEL

Sabi nga ng isa sa mga huradong si Peter Serrano: “Gusto kong gawin ang dulang iyan, maganda!”

Hanga silang lahat sa dulang “Ang Tatlong Tula Nina Vitto at Lira”, isa sa mga competing plays this year sa Immersion Plays ng PSF Summer Theater Festival 2016. Magmula sa mga huradong sina Peter, Ronaldo Carballo at direk Frannie Zamora, down to the commentators na sina Eddie Littlefield, JC Nigado, Dennis Sebastian and this blogger Robert Silverio,- tunay namang natangay ang kani-kanilang mga damdamin at kaluluwa sa ganda at kahusayan ng nasabing dulang- “Ang Tatlong Tula Nina Vitto at Lira”.

Tipong 3-D (Three Dimensional) ang nasabing play. Kasi, bukod sa kaganapang nangyayari kina Vitto at Lira, naroon ka rin at dadalhin ng play sa loob mismo ng isang sing-along bar, at kasama pa ang mundo ng POETRY. Kaya 3-D talaga ang “effect”. Iba’t-ibang mundo ang matutuklasan mo sa dulang ito. Napaka-efficient ng pagkakasulat ng may akda ng dula na walang iba kundi si Ms. Rachel Gianan.

Hindi corny, hindi rin makaluma, at lalong hindi nakakabagot. Tamang-tama lamang ang timpla ni Rachel sa pagkakasulat niya ng dula. Moderno pero malalim. Makatotohanan pero may PUSO.

Idagdag pa ang napaka-‘effortless’ na pagpapatawa ng isang minor character ng dula- ang host nu’ng sing-along bar- na katuwa-tuwang nagampanan naman ni Jayjay Praxides Andres (isang Stager). Siya ang nag-provide ng light and funny moments sa dulang ito. Nakakaaliw to the max ang performance niya dito.

Samantala, ang female lead naman na si Vean Olmedo (sa papel na Lira) ay “very refreshing” on stage, sariwang-sariwa kung tignan at napakagaling niya sa timing, chemistry at proper blocking. Alam na alam niya ang kanyang ginagawa. Plus the fact na maganda talaga ang mukha ni Vean, iibigin siya ng mga kalalakihan sa dulang ito. Magaling din siyang umiyak at magsayaw.

Pero ang nakatawag-pansin sa amin ng husto sa dulang ito ay ang napaka-guwapong ‘presensiya’ ng Stager na si Gerald Magallanes sa entablado. Umiigting ang kanyang sex appeal (na ikinaloka ng isa sa mga hurado na si Ronaldo Carballo), at ang mga emosyong ipinakita niya sa dulang ito ay “very raw, poetic, magnetic”. Siya ang lalaking inibig ni Lira, pero nagkalayo sila at muling nagkita sa sing-along bar na iyon para magtunggali sa paligsahan ng mga MAKATA,

Pinaiyak pa kami ni Gerald duon sa highlight scene niya sa play wherein he fully expressed and cried for his everlasting love to Lira. Grabe, nakaka-touch talaga ang eksenang iyon!

NGAYON LANG NA-TACKLE NG HUSTO SA ISANG DULA ANG SALITANG PAGIBIG. AT NAPAKAGANDA NG PRESENTASYON NG SUMULAT NG DULA.

All throughout the play kasi, pagibig ang ipinaglaban nina Lira at Vitto.

Nguni’t iisa lamang ang pinto, at dalawa silang umiibig pa rin- nguni’t sa ikatlo, ang PAGKABIGO.

At,

iyan ang tunay na kahulugan ng PAGIBIG….

ANG MABIGO.

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s