FOTOG VINO ORIARTE’S FULL PHOTO COVERAGE ON THE FIRST DAY OF PSF’S IMMERSION OF PLAYS AT ITS SUMMER THEATER FEST!


vince: the dreamer and the doer
vince: the dreamer and the doer
vince: the "actor's director" type of a director!
vince: the “actor’s director” type of a director!

Matagal-tagal din palang hindi muling nag-“ignite” ang aming “artistic inclinations”. At muli itong PUMUTOK nu’ng maimbita kami kamakailan lang ni Mr. Dennis T. Sebastian, Publicist ng Philippine Stagers Foundation, para dumalo sa unang araw ng Immersion of Plays sa yearly event na PSF Summer Theater Festival na idinaraos sa PSF Studio, sa may Calabash St., Balic-Balic. 

Every Saturdays sa buwan ng Abril gaganapin ang nasabing PSF Summer Theater Festival, na matatapos hanggang sa unang Sabado ng buwan ng Mayo. Kaya naman prepare yourself na for the succeeding Saturdays, dahil tiniyak sa amin ni Master Vince Tanada na marami pang magagandang One-Act Plays ang mapapanood sa Summer Fest na ito.

“It’s all mind-blowing, Robert!”, nawika pa sa amin ni Vince nu’ng first day ng Immersion Plays. “Maski ako mismo ay nagulat sa mga produkto nila. I never expected na this year, we will be gaining a great bunch of crop of new artistic individuals on the performing arts.”

Na-feel na kasi iyon ni Vince, duon pa lamang sa Workshop exercises niya sa katatapos pa lamang na PSF Summer Workshop. Nakita niya ang mga potensyal na puwedeng maging Stagers na rin in the future. kaya naman sinasala pa niya ng maige ang mga ito.

Samantala, it’s also Vince who personally picked the judges for this year’s Summer Fest. Sila ay sina Peter Flores Serrano (isa sa mga idolo ng blogger na ito sa theater field), Franniel Zamora (a close friend of ours at nanalo ng Best Director kamakailan lamang para sa play niyang Kanser@35 sa nagdaang Aliw Awards), and the great Ronaldo C. Carballo (na una naming hinangaan bilang isang TV scriptwriter sa mga TV dramas noon ni Maricel Soriano, at ngayon ay direktor na rin siya). 

Commentators naman sina JC Nigado (house manager ng PSF), Dennis Sebastian (Publicist ng PSF), Eddie Littlefield (veteran movie writer) at ang blogger na ito- (Me, Robert Manuguid Silverio).*

Part of the audience ang mga workshoppers ni Vince, at magagaling din itong magsipag-comment sa tuwing matatapos ang bawat pagtatanghal ng mga dula. Kaya naman very educational and at the same time, fulfilling talaga ang naramdaman namin sa Summer Fest na ito. It’s like a FOOD FOR OUR SOUL.

Lahat ng mga dulang itinanghal nu’ng hapon na iyon na nag-last hanggang gabi ay pawang magaganda. Lahat ay pawang mga  walang itulak-kabigin talaga. Pero siyempre, hindi maiaalis na may magiging paborito ang mga judges, including the audience and the commentators.

Outstanding that afternoon ang mga dulang “Sonny Boy” (a revisited play), “Sa Bubungan” (a non-competing play), at ang dulang “Tatlong Tula nina Vitto at Lira” (a competing play).

Pero okey na okey rin sa aming panlasa ang mga dulang “Sa Carwash”, “Sa Carinderia”, at ang “Hatian”, kung saan napaka-“delicious” ng “matured but clean-cut” look dito ng Stager na si Kenneth Miles Posadas.

Now, we’re all getting ready for this coming Saturday’s next bunch of beautiful One-Act Plays. And for sure, it’s gonna be more exciting! 

(written by robert silverio and photos by vino oriarte)

TUNGHAYAN SA IBABA ANG SERIES OF PHOTOS, EXCLUSIVELY TAKEN BY MR. VINO ORIARTE, THE OFFICIAL PHOTOGRAPHER OF PSF:

immerse2 immerse immerse3 immerse4 immerse5 immerse6 immerse7 immerse8 immerse9 immerse10 immerse11 immerse12 immerse13 immerse14 immerse15 immerse16 immerse17 immerse18 immerse19 immerse20 immerse21 immerse22 immerse23 immerse24 immerse25 immerse26 immerse27 immerse28 immerse29 immerse30 immerse31 immerse32 immerse33 immerse34 immerse35

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s