reviews on: “sa bubungan” and “sonny boy” (two one-act plays presented and performed at psf’s theater fest)


MASTER VINCE TANADA SPEAKING INFRONT OF HIS NEW BATCH OF WORKSHOPPERS, ALL PARTICIPATING IN THIS YEAR'S PSF SUMMER THEATER FEST
MASTER VINCE TANADA SPEAKING IN FRONT OF HIS NEW BATCH OF WORKSHOPPERS, ALL PARTICIPATING IN THIS YEAR’S PSF SUMMER THEATER FEST
MASTER VINCE TANADA, WITH HIS BACK AT THE CAMERA, SPEAKING BEFORE THE PSF SUMMER THEATER FEST BEGINS
MASTER VINCE TANADA, WITH HIS BACK AT THE CAMERA, SPEAKING BEFORE THE PSF SUMMER THEATER FEST BEGINS

(WRITTEN BY ROBERT SILVERIO AND PHOTOS BY MR. DENNIS SEBASTIAN)

HIWAGA. MISTERYO. KADILIMAN…. KATOTOHANAN.

Ito ang mga bagay-bagay na sadya nating iniiwasan at pilit na ipinipikit-mata lamang. Nakakatakot kasing isipin na may mga bagay-bagay kasi sa mundong ito na sadyang nanduon lang- at kaparte ng REALIDAD ng buhay.

Sila rin naman kasi ‘yung mga taong tumatakas sa katotohanan, naduduwag lumaban, at hindi nagawang makatayo mula sa mga abo ng nakaraan.

Sila ‘yung mga taong nasa “poverty-level”, kulang sa edukasyon at naging MALI sa kani-kanilang mga paniniwala sa buhay. Sa kanilang pagtakas sa katotohanan, kumapit sila sa DROGA upang maka-imbento ng sarili nilang mga mundo at imahinasyon.

May mga lumaban man, pero sa maling pamamaraan. Tulad ng karakter ni “Sonny Boy” sa dulang Sonny Boy. Isang malupit na biktima ng lipunan at madilim na katotohanan.

Napakatatalino ng mga sumulat sa dalawang dulang- “Sonny Boy” at “Sa Bubungan”, na nai-present at nai-perform nuong Abril 16 sa ginaganap na ngayong PSF Summer Theater Fest 2016. Marami pang dulang ang itatanghal sa mga susunod na Sabado ng buwan ng Abril at matatapos hanggang sa unang linggo ng Mayo.

 

sb

“SONNY BOY”

Napakaganda ng entrada sa pagtatanghal ng dulang Sonny Boy (isang revisited play para sa Theater fest ng PSF this year). Bungad na eksena pa lamang ay napa-“Oh, My!” na kami. Kasi naman, isang kama agad ang tumambad sa paningin ng lahat. Isang kama na kung saan ay walang nakahiga, at biglang lumitaw ang karakter ni Rospel Ann Gonzales, sabay bigkas ng salitang: “Sonny Boy”.

Sa ikalawang eksena ay ganoon din. Nakatambad pa rin ang kama sa paningin ng lahat. Medyo madilim sa harapan ng entablado. Nakapanlulumo ang damdamin at musika. At bigla namang lumitaw this time ang karakter ni Adelle Lim, ang INA ni Sonny Boy.

Iisipin mo, maghuhubad kaya sa mismong kama na iyon si Sonny Boy? (na napakagaling na ginampanan ni John Rey Rivas). Ano kaya ang kahulugan ng kama na iyon? Nakakaloka.

Pero napakahalaga pala ng kama na iyon sa kabuuan ng dula. Duon pala mamamatay si Sonny Boy.

The play was greatly-performed and presented in a dark, rhythmic style with movements and stage blocking of perfection. It was also greatly-written. Ang mga dark “one-act” plays na tulad nito ang napakasarap na maitanghal sa Cultural center of the Philippines or U.P. Cine Adarna kung mamarapatin lamang nila. Kasi, napaka-thought provoking.

Excuse us for frequently using “napaka” sa review na ito. Kasi ganuon ang naramdaman namin talaga habang pinapanood ang play na “Sonny Boy”, at ang estilo ng direksyon ni Vince Tanada sa dulang ito ay kakaiba, malalim ang approach, nakakamangha.

Kung ano ang ikinamatay ni Sonny Boy ay hindi namin iri-reveal. Pero kung alam mo ang sanhi ng pagkamatay ng makatang si Edgar Allan Poe (research it and dig deeper on his death), ay iyon din ang ikinamatay ni Sonny Boy sa dulang ito. Isang rare medicine case ang nangyari sa makatang si Edgar Allan Poe (na nabuhay nuong 18th century pa)  at nadiskubre lamang iyon recently ng mga medical scientists, pero hindi nalaman nuong kapanahunan pa niya.

Hindi ang pagiging “drug-pusher” ni Sonny Boy ang ikatatakot mo sa dulang ito, kundi ang napakanlulumong sitwasyon niya sa buhay. Maski ganoon siya ay mamahalin mo pa rin siya. May nakilala na kaming mga taong tulad ni Sonny Boy, kaya madalas naming tanungin ang Diyos: “BAKIT?”

Sila ang mga biktima ng siyudad at lipunan. Ang babaeng minahal ni Sonny Boy at ang ina niya ay hindi nagawang masagip siya sa katotihanan ng mundo. At nakakalungkot isipin iyon.

Napakagaling ng pagganap nina Johnrey, Adelle at Rospel. Nakakamangha ang disenyo ng ilaw at hindi namin makakalimutan na ang napakagandang play na ito ay sinulat ni PATRICK ADRIAN LIBAO. Saludo kami sa iyo, Patrick!

 

asuwang

‘SA BUBUNGAN”

Mag-trip nga tayo. Iyan ang pinaka-ESSENCE ng dulang “Sa Bubungan”, isang non-competing play for this year sa PSF Smmer Theater fest, (tipong for exhibition lamang ang play na ito at hindi kasali sa mga lalaban)….

Iisipin mo, mga asuwang nga ba talaga ‘yung dalawang bida sa harap ng tanghalan na ultimong mga pusa at kuwago na may mga malalaki at dilat na dilat na mga mata?

Ano ba sila, mga asuwang o tao?

Pero sa kalaunan ng dula, lalo na sa bandang huli, ay matutuklasan mo, tao lang pala sila na “nagti-trip”. Isang lalaki at isang babae- Isang adik na lalaking lasenggo rin at isang adik na babaeng lasengga din.

Hanggang sa lumitaw ang totoong asuwang at kinain silang dalawa ng babaeng asuwang na iyon.

Nakakatakot ang texture ng dula. At ang kahanga-hanga sa one-act play na ito, ang galing-galing ng pagkaka-motivate ng direktor (in person of  the very promising Arianne Golondrina) sa kanila. Kuhang-kuha nila ang nuances, galaw, at emosyon ng mga nagti-trip na ADDICTS.

Ang galing!!!!

Kaya naman nu’ng gabi na iyon, ito ang napiling dula sa immersion party after ng mini-festival that day at naging choice din ng tatlong judges na sina direk Frannie Zamora, Ronaldo Carballo at Peter Serrano.

Humanga sila sa dula. Na tunay namang kahang-hanga. Sana palabasin ulit ito sa PSF Summer Theater Fest for an encore presentation! Yun lang.

Sina Hark Montillana and Glydel Cave, dalawang baguhang workshoppers this year sa PSF ang mga nagsiganap  sa dulang ito, ha. Sabi nga ni direk Frannie- “Pang-mainstream sila! Pang-channel 2 at channel 7!” Kasi naman, tunay namang ang gagaling nila at, ang hirap talaga nung mga ginawa nila na mistulang-,  all-throughout the play ay nanlalaki ang mga mata nila at ang mga kilos nila ay maliliksi, adik na adik sa bilis! SALUDO KAMI SA INYO, Hark and Glydel! (Pati na rin du’n sa isa pang gumanap na asuwang na babaeng maliit, magaling din siya, ha).

PANALO!

 

(sinulat ni robert manuguid silverio)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s