sa muli, aakapin ko si vince at ang stagers ng philippine stagers foundation…


Pinilit ko si Vince. Ilang private messages din iyon sa kanyang Facebook account, sabi ko, “Vince, miss na kita. Miss ko na ang Stagers. Maaari ba akong makadalo sa kaarawan ng iyong anak na si Spidey mamaya?”

Ilang oras din akong naghintay ng kanyang ‘reply”. Pero wala. At naisipan kong kulitin pa siya. Isa pang “private message” ang ginawa ko. At nagulat ako, bigla na siyang sumagot- FINALLY. At ang sagot niya- “Oo, tara na. Now na. Punta ka na dito.”

Halos mapaiyak ako. Nuon ko pa kasi sila gustong makita. Muling makasalamuha. Muling maramdaman na – NABIBILANG AKO SA KANILA. Na, ako at sila ay IISA. We are a part of one big, artistic group na ang tanging hangad lamang ay makapagbigay-saya sa mga kabataan, sa mga estudyante sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas. Ang maipakita ang artistikong aspeto ng buhay- sa pamamagitan ng mga musikal na dula at paglalahad. Ang makapagturo, ang maiabot ang mga kamay, ang magbigay.

Nuon pa man ay NAKITA ko na ito. Kaya naman ganun katindi ang suportang ibinigay ko sa kanila na ibinalik naman nila ang naibigay ko ng sobra-sobra pa. Taos sa kanilang mga puso. Buong akap nila akong piniyos ng kanilang mga pagmamahal…

Pero kadalasan ako’y naliligaw, may pinupuntahang ibang mga landas- mga landas na madidilim, sumisira sa pagkatao ng isang nilalang. Mas pinili ko pa ang mga landasin na iyon keysa sa kanila…

Pero sa kaarawan ng anak ni Vince na si Baby Spidey, hindi na talaga ako nakatiis. Mahal ko kasi ang anak na ito ni Papa Vince. Dahil sa tuwing makikita niya ako, lalapit siya at ngingiti sa akin. Ipadarama na welcome ako sa kanila. At nuong gabi na iyon, sa kaarawan niya, muli ngang lumapit sa akin si baby Spidey. Pero sa paglapit niyang ito, hindi lang basta ngiti ang ibinigay niya. Kundi, isang akap. Oo, inakap ako ni Baby Spidey sa mismong kaarawan niya. At ibinulong ko sa kanyang mga teynga- “Happy Birthday, Baby Spidey”. Ngumiti si baby Spidey at lumayo na. Feeling ko tuloy, ako ang nawawala niyang Ina. Haha.

Nuong gabi na iyon, ilang beses akong tumawa, ngumiti, sumigaw. Dahil hayun pa rin ang mga Stagers, handang magpasaya sa akin. Hayun pa rin sila, masasaya, malalaya, mapagpala…

Sa kaibuturan ng aking puso, may isang awit ako. Isang Awit Ng Paghahangad. Isang dasal sa Diyos na sana, dampian niya ng tubig ang natutuyot ko nang DAMDAMIN. Na sana, punuan niya ng pagmamahal ang nangungulila kong PUSO.

Marahil, laging nadidinig ng Diyos ang dasal ko na iyon. Alam niya ang mga pangangailangan ko. Nababasa niya ang pangungulila ko.

Kaya naman ibinigay niya ang isang Vince Tanada sa buhay ko. Isang tunay na kaibigan. Isang totoong tao. Isang artistikong nilalang na hindi nagmaramot na mag-alay ng oras niya para sa akin.

Minsan ko nang sinaktan ang damdamin ni Vince at ng Stagers. Pero nagawa ko iyon sa paghahangad na mas sumikat pa sila at makilala. Dahil mas napapansin ng mga tao ang mga negatibong balita keysa sa mga positibong balita. At hindi naman kami lahat nangangarap na maging mga Santo at Santa na walang bahid ng pagkakamali. Tao din kami na nagkakamali, nasasaktan, natitisod… Sa showbiz, kapag sobrang malinis ka, pilit kang babahiran ng dungis. Pilit kang lalagyan ng DUMI.

Naging napakasaya ng kaarawan ni Baby Spidey. Simple lang pero “very family-like” ang naging ‘ambience’. Kami-kami lang. Isang buong pamilya na nagsalo-salo para sa kaarawan ng isang bata.

May mga games, raffles, contests, kantahan, at mga katatawanan. Ang saya-saya….

At higit sa lahat, nalasing ako sa isang bote ng Johnny Walker Red Label na inihain ni Vince sa harapan ng aming mesa nina Chin Ortega at Paul Paran na alaga ng P.R. man ni Vince na si Dennis Sebastian.

Ngayong nalalapit na ang Mahal Na Araw, siguro’y sadyang ipinadama ng Diyos sa akin ang kahalagahan ng buhay. Muli niyang pinadarama ang kanyang “presensiya”. Kaya naman hiling ko lang, sa Mahal Na Araw na ito, ang mga Stagers ang makapiling ko.

Yun bang magsisimba kami ng sama-sama, o lalakad ng paluhod sa mga simbahan… Dili kaya, magmumuni-muni sa darating nilang PSF Summer Workshop.

Sa mga susunod na araw, maglalakbay pang muli ang mga Stagers sa Bacolod City, at dalawa pang malalayong probinsya, bago sila tuluyang bumalik sa Maynila in time for their Summer Workshop and “4-C Plays”.

Pero ni minsan, hindi nila kinalimutan ang Diyos. Inialay nila ang kani-kanilang mga buhay at pawis para lamang maisadula ng maganda ang “Popepular (Paano Kung Naging Pinoy Si Kiko)” na talaga namang well-acclaimed sa lahat ng lugar na pinuntahan nila. Ang dulang ito ay ukol sa buhay ni Santo Papa Francisco.

Oo, ang sining ang aming buhay. Ang sining ang aming mundo. Dito na rin iikot ang bawat sandali ng aming buhay.

Kaya naman heto ngayon ang masasabi ko para sa Philippine Stagers Foundation na nai-post ko sa aking Facebook. Sa wikang Ingles:

“IF PEOPLE NOW WILL STILL ASK ME IF I REALLY DID LOVE THEM, I CAN ANSWER THEM STRAIGHT AND LOOK THEM DIRECTLY INTO THEIR EYES- “YES”. … YES, I HAVE ALWAYS LOVED THEM. THEY ARE A PART OF ME. A GREAT ASPECT OF MY ARTISTRY AND LOVE FOR THE PERFORMING ARTS BELONGS TO THEM. A BUNCH OF WELL-DISCIPLINED PEOPLE WHO TAUGHT ME MANY VALUES AND SELF-RESPECT. THEY MAY NOT BE SWEET AND CUDDLY TO ME, BUT I KNOW, DEEP IN THEIR HEARTS, THEY VALUED ME. SO MUCH.
YES, I WILL ALWAYS LOVE THEM. I WILL ALWAYS ADMIRE THESE YOUNG ARTISTIC INDIVIDUALS WHO HELPED ME GROW AND MADE ME CHERISH LIFE ALL THE MORE.
MASTER VINCE TANADA, THANK YOU FOR BRINGING THEM BACK INTO MY LIFE.
I LOVE YOU ALL, THE “STAGERS” PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION!”

 

gerald magallanes: stager
gerald magallanes: stager

SALAMAT KAY MR. GERALD MAGALLANES SA MGA LARAWANG KUHA SA IBABA:

ge ge2 ge3 psf1 psf2 psf3 psf4 psf5 psf6 psf7 psf8 psf9 psf10 psf11 psf12 psf13 psf14 psf14 psf15

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s