ISANG BUKAS NA LIHAM PARA KAY MICHAEL PANGILINAN


this blogger with michael pangilinan
this blogger with michael pangilinan

Minamahal kong Michael, 

Kagabi ay umiyak ako. Hindi ko alam kung bakit…. Basta, nakita ko na lamang na tumulo ang luha ko sa isang mata ko. Napunta iyon sa punda ng unan ko. At inakap ko na lamang ang basang unan na iyon.

Alam mo, pare, mahal nga kita siguro. Kasi, kaya ako umiyak ay dahil sa naging usapan namin ng isang direktor sa teatro ukol sa iyo. Nauna kasi du’n, kausap ko sa cp phone ko ang isang direktor sa teatro na iyon nga, naramdaman ko sa boses niya na umiiyak siya habang kausap ako. Gabing-gabi na iyon at nagising ako sa walang humpay na kiriring ng cellphonbe ko….

Alam ko, mahal ka ng direktor na iyon. Nagmamalasakit siya sa iyo. Ang mga napag-usapan naman namin ay pawang mga magagandang bagay ukol sa iyo. Hindi niya inaasahan na mangyayari sa iyo ang iskandalong “viral” na kumalat na kumalat sa mga oras na ito…

Napanood daw niya ‘yung video (at napanood ko na rin). Na-pressure siya. At may nangyari sa kanyang pisikal na reaksyon pagkatapos niyang mapanood ang sex video mo “doing your own thing”. 

Pero Michael, huwag kang mag-alala. Kaibigan ka pa rin namin. Wala namang magbabago sa pagtingin namin sa iyo. Dahil dalawa kami sa libo-libo pa ring nagmamahal at sumusuporta sa iyo. Huwag kang mag-alala, hindi kami magbabago.

Hanga ako kay Jobert dahil nariyan pa rin siya at handang lumaban para sa iyo. Hanga din ako sa pag-amin na ginawa mo. Sa concert mo sa March 6 with Marion Aunor sa Zirkoh ay manonood kami. Sana, mag-alay ka ng kanta para sa amin, ha?

Huwag kang mag-alala, Michael. Hindi ka pababayaan ng angel ko. Humarap ka pa rin sa mga tao ng taas-noo and with confidence. Dahil may ipakikita ka naman. At, ordinaryo lang sa mga bagets na lalaki ang maging mapangahas, mapusok at agresibo. Nauunawaan namin iyon.

Hanggang dito na lamang, Michael. isang akap mo lang, hindi na ako IIYAK.

Nagmamahal, 

Roberta

MP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s