isa pang bukas na liham para kay “papa” lance raymundo…


lance raymundo
lance raymundo

Minamahal kong Papa Lance,

Minsan ay inisip ko noon- Nakatulong nga ba ako sa karera mo sa pelikula, lalo na sa pagpasok mo sa masalimuot na mundo ng Politika? Marahil, sari-sari na ang mga naririnig mo ukol sa akin. Mga taong nakapaligid sa propesyonal mong buhay ngayon- mga taong nangangalaga sa imahen mo at nagmamalasakit lamang na maituwid ang tama. Hindi ko naman po sila masisisi, Papa Lance, dahil ginagawa lamang nila ang trabaho nila at ang tama nilang mga layunin.

Kaya naman nagpasya ako. Buwan ng Oktubre iyon, taong 2015. Naisip ko, baka hindi na ako nakakatulong sa iyo, bagkus ay nakakasira pa. Kaya sabi ko sa sarili ko, lalayo muna ako, Papa Lance. Baka may mga nagagalit na sa pakikipaglaban mo na mapanatili ang FRIENDSHIP natin. Baka ayaw na nila. Baka may iba na silang gustong ipalit na mga bloggers para maging visible ka pa rin sa mundo ng viral world.

Oo, Papa Lance. Sinadya ko iyon. Umiwas ako, lumayo. Hindi kasi ganu’n kainam ang imahen ko bilang isang blogger. Baka makasira ako sa pagtakbo mo sa San Juan bilang isang Konsehal. Isinakripisyo ko ang damdamin ko para sa ikabubuti mo. Maski ba nahirapan talaga ako. Dahil isang totoong kaibigan at napakabait na tao ang hindi ko nakita sa mahigit na apat na buwan na ngayon.

Hanggang sa nabalitaan ko na lang, nagkasakit ka ng Dengue. Nag-aalala ako ng husto. Pero nanalig ako sa Panginoon na mapapagaling ka NIYA. At mahigit isang linggo lang, nakita ko na sa Facebook mo na dumalo ka sa kaarawan ni direk Elwood Perez, at kasama mo pa sa larawan si Mother Lily Monteverde.

Nasiyahan na ako at nalugod. Mabilis ang naging paggaling mo sa sakit na Dengue. Sadyang may mga anghel na nagprotekta sa iyo.

Ngayon ay abala ka muli. Sa darating na Cine Filipino Film Festival, kasali ang isang pelikula mo- ang Tulay Ng San Sebastian, na kung saan ay isang napakahalagang papel ang ginampanan mo. Nu’ng huli tayong magkita sa Teresita’s restaurant sa may Tomas Morato (ang regular nating “meeting venue”), nasabi mo sa akin na proud na proud ka sa pelikulang ito. Kasi, ang direktor mo sa pelikulang ito ay si Alvin Yapan, na kinilala sa ibang bansa, at kung saan ay si David Beckham pa minsan ang nag-announce ng isang pelikula nito sa isang international film festival sa ibang bansa.

At sa darating na February 23 to 26, ipapalabas ulit sa University of the Philippines ang mga pelikula mo sa nagdaang Cinema One Originals Filmfest, isa na rito ang Manang Biring.

Hinihintay ka na rin ng mga alaga mong mga maysakit na bata sa Tahan-Tahanan Halfway Home, na kung saan ay isa ka sa mga sikat na movie celebrities na madalas pumasyal doon tuwing may okasyon at mga pagkakataon. Pamilyar na pamilyar ka na sa kanila at mahal na mahal ka na ng mga Cancer Kids na iyon. At sa Pebrero a-dose na ang kanilang anniversary at iniimbita ka ng P.R. nilang si Rogelio “Ogie” Constatino Medina.

Sa tuwing bibisita ako sa isang kaibigan ko na nakatira sa San Juan, naririnig ko na kung gaano katunog ang pangalan bilang isa sa magiging Konsehal ng lugar nila balang-araw- sa nalalapit nang mga araw. Sinasabi ko sa kanila kung gaano ka kabait na tao, kung gaano kalaki na ang naitulong mo sa akin. At paulit-ulit ko pa ring sasabihin- wala ang SSSIP’S AWE blog site ngayon kung hindi dahil sa naging tulong at suporta mo.

Alam na alam kong magiging isang magaling kang Public Servant balang araw, Papa Lance. Kasi, una sa lahat ay hindi mainitin ang ulo mo, may strong convictions ka, may proper breeding at higit sa lahat, may malambot na PUSO.

Anuman ang mangyari, Papa Lance, nandito lang ako. Huwag mo akong alalahanin. Sanay na ako sa mga batikos nila laban sa pagkatao ko. Basta ang mahalaga, malaman mo na hindi magbabago ang pagtingin ko sa iyo-

DAHIL MAHAL NA MAHAL KA “NAMIN”, PAPA LANCE.

 

Hanggang dito na lamang at maraming salamat,

ROBERT.*

lance with blogger sssip.*
lance with blogger sssip.*
lance recovers from Dengue.
lance recovers from Dengue.
"manang biring" , an animated film which stars lance raymundo's voice
“manang biring” , an animated film which stars lance raymundo’s voice
lance on the poster of CINE FILIPINO FILM FEST
lance on the poster of CINE FILIPINO FILM FEST
LANCE: SEXY!!!
LANCE: SEXY!!!
lance, the politician
lance, the politician
lance's first public appearance after being sick of dengue fever- at direk elwood perez' birthday bash. on the picture with mother lily monteverde
lance’s first public appearance after being sick of dengue fever- at direk elwood perez’ birthday bash. on the picture with mother lily monteverde

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s