“kung okey na si jm, we will do a sequel of the film- that thing called tadhana”— ronald arguelles


mr. ronald arguelles
mr. ronald arguelles

c1

Aminado si Mr. Ronald Arguelles, ang over-all head ng Cinema One Originals Digital Filmfest, na ang pinaka-succesful pa rin nilang taon ng pagdadaos ng Cinema One fest ay nuong 2014 (that was two years ago) na kung saan ay pumatok ng husto sa takilya ang Cinema One film entry na That Thing Called Tadhana, na siyang naging hudyat na rin nuon ng pagbabalik-pelikula muli ng sensational actor na si JM de Guzman, at, naglunsad din naman sa karera ng film director na si Antoinette Jadaone.

“In all of the Cinema One film entries, from year one up to last year, ang That Thing Called Tadhana pa rin ang masasabi kong pinaka-succesful na produkto namin in all aspects”, bungad na sabi ni Ronald sa isang dinner-interview sa kanya ng isang blogger sa Almon Marina restaurant. “It earned many millions in box office, maski sa marketing aspects at DVD release, ang laki din ng kinita namin dahil sa pelikulang iyon. And I can say, it made Cinema One more alive and more kicking.”

What about last year’s Cinema One fest, kumita ba ito?

“Yes, we did earn fairly naman last year… Okey naman”, mabilis na tugon ni Ronald. “But not in comparison doon sa Cinema One fest namin last 2014 na kung saan ay kasama nga ang That Thing Called Tadhana. Iyong taon na iyon pa rin ang pinakamalakas naming festival year. But anyway, I was so happy naman kasi last year ay nag-level-up na kami. We featured Asian Cinema film entries  last year na itutuloy pa rin namin sa taong ito.”

In-announce ni Ronald sa blogger na kausap niya na February 26 na ang deadline ng lahat ng mga sasali para Cinema One fest this year.

ronald rainbow
ronald rainbow

“All film entries must be submitted on or before February 26”, pagdidiin niyang muli. “Entry forms are available at the 8th floor office of us at the ELJ Building at ABS-CBN channel 2 compound. They should also submit there all the written scripts na ilalaban nila. Mapalad sila kung mapipili namin sila.”

And good news! Mr. Arguelles raised the budget ng mga mapipiling scripts to 3 million pesos! Yes, 3M na nga ang magiging budget ng mga direktor na mapapasali sa Cinema One fest, doon sa pitong mapipiling official film entries. Malaki-laki na iyan, hindi ba?

“Yung mga mapipili naming mga finalists and film entries, makakakuha sila ng three million each para sa shooting expenses nila”, pag-uulit pa ni Ronald. “This year, we will have seven finalists. Binawasan na namin ang finalists (from the usual 10 finalists in the past years) para lumaki ang budget ng mga makakasali. Meanwhile, doon naman sa mga mapipiling tatlong documentary film entries, 1.5 million pesos naman ang budget na makukuha nila. Hindi ba, ang saya-saya!”

As of now, 200 film entries na ang natatanggap ng Cinema One. Pero sa mga gusto pang makahabol, humabol na kayo at baka isa kayo sa mga mapiling seven finalists.

“We have strict judges na mga pumipili sa film entries”, sey ulit ni Ronald. “May film critic, may film historian, may film fanatic, may film reviewer… iba-iba. I can say, lahat sila ay film lovers”

jm de guzman
jm de guzman

 

Natanong namin si Ronald, what about a Vilma Santos and JM de Guzman movie in one Cinema One film entry?

“I just don’t know the availability of Governor Vilma Santos”, sagot ni Ronald. “Pero noon pa man ay kinukuha na namin siya. What I am thinking now is the sequel of That Thing Called Tadhana. Kung okey si JM de Guzman, we will do a sequel. Kaso, hindi pa yata siya available until now.”

Late last year, finally, nakapag-relaks-relaks na rin Ronald amidst all his busy skeds sa Cinema One. He went to Palawan island for a total rest and leisure. Nagpunta rin siya ng Australia at ng Singapore. Pero yung dalawang nahuling tours niya ay pawang mga work-related tours naman. Duon lang talaga daw siya sa Palawan nakapag-enjoy ng husto.

May gusto pang i-announce si Ronald.

“On February 23 up to February 26, all Cinema One 2015 film entries are going to be shown at U.P.’s Cine Adarna”, pagpapatuloy na sabi ni Ronald. “It’s sponsored by the U.P. Film Institute, NOT the U.P. Film Cineastes, ha. Kaya sa lahat ng mga hindi pa nakapanood ng mga film entries ng C1 last year, this is their chance to see those films.”

And last question for Ronald. What’s in store, or what’s that ‘something big” that’ll gonna happen this year for Cinema One?

“Surprise!!!”, pagtatapos na sagot ni Ronald. “It’s still too early to reveal that. Ni wala pa nga kaming napipiling 7 finalists now at submission of entries pa lang. But I am sure, they’ll gonna like it.”

As much as we like the CINEMA OF “ONE”.

 

(words by robert manuguid silverio)

ronald
ronald

ra2c12c13Ang iyong pelikula na kaya ang susunod na BEST PICTURE ngayong 2016?

May panahon pa para ma-submit ang inyong FULL-LENGTH FEATURE FILM CATEGORY entries! Kaya i-submit na ang complete requirements!

7 pelikula ang hihiranging Finalists sa Cinema One Originals 2016 para sa category na ‘to, at 3 naman sa Documentary Film Category.

Para ma-download ang entry forms at makita ang kumpletong detalye, click here: https://spaces.hightail.com/space/at5Jx

This is your time to be KAKAIBA! Submit your entries now!

#C1Originals #CinemaOne

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s