“KUMUSTA KA, JM?” (isang bukas na liham para sa isang natatanging tao sa loob ng puso ko…)


cropped-jm.jpg

Minamahal kong anak,

Ayokong maging malungkot sa pagsisimula ng liham na ito, kaya isang melodramatikong Musika na ukol sa pangungumusta ang inilagay ko sa itaas ng liham na ito…. Alam mo, anak, miss na miss na kita. Kay dami-dami nang nagtatanong sa akin, nasaan ka na raw ba? Karamiha’y mga Facebook friends ko ang mga nagtatanong. Tulad ni Willie Fernandez (na isang Vilmanian), Timothy Santiago (na isang fan ng singer na si Gerald Santos), si Lhynne Imperial, at marami pang iba. Maski sa pakikisalamuha sa iba’t-ibang showbiz events, lagi ka nilang tinatanong sa akin. Ewan ko ba kung bakit ako ang tinatanong nila. Ang tingin yata nila sa akin, ako ang nanay mo. Haha.

Hindi. Siguro, alam lang nila na malapit na malapit ka sa kalooban ng puso ko. Natatangi ka. Naiiba. Maski anupamang isipin o sabihin nila, alam nilang mahal na mahal kita- bilang isang artistang naging mabait, maawain, at maunawain sa akin.

Huli kitang nakita nuong Special Advance Screening ng nagsara mo nang teleserye na “All of Me”. Nakapanayam kita ng saglit doon, pero hindi naman tayo nagkausap ng matagal. Dahil inatake ako ng nerbyos at panginginig ng tuhod habang kausap kita. At ang akala ko kasi noon, magkikita pa rin tayo ule sa lalong madaling panahon pagkatapos nu’n. Na hindi naman nangyari. 

Kung anu-ano na namang mga balita ang lumabas sa iyo mula nuon. Bigla ring nawala ang “character” mo doon sa teleseryeng “All of Me”, iyong binatang Manuel. Bigla na lamang isang bateranong lalaking artista na ang pumalit sa papel mo. Nakakalungkot.

Maski na sa mga pelikulang dapat ay gagawin mo, biglang ibang mga aktor na rin ang nagsiganap.

Marahil, sadyang nasa isa ka pang paglalakbay na hindi mo pa kayang iwasan na tahakin. Kaya naman iginalang ng lahat ang muli mong pananahimik. Maski na ang istasyong nangangalaga sa iyo- ang channel 2- sadyang “Red Tape” ang pinairal. News blackout. Wala kang narinig ni anuman sa kanila. Dahil mahal ka nila. Mahal na mahal.

Hindi NGA ako nag-aalala hanggang ngayon, dahil alam kong hindi ka naman pababayaan ng channel 2, maski na ng iyong mabait na ama, at ng iyong maunawaing ina. Ipaglalaban ka nila. Tulad ko.

Kumusta ka na, JM? Hindi ko alam kung paano ka makokontak. Hindi ko alam kung saan ka makikita. At hindi ko rin alam kung bakit madalas kita naalala. Para bang kaparte ka na ng buhay ko, maski ba hindi naman tayo magka-ano-ano o magkadugo. Pero tila bagang kay lapit-lapit ng kaluluwa ko sa iyo.

Ang tingin ko sa iyo ay isang ANAK. Isang anak na handa kong ikamatay- at, handa kong isakripisyo ang sarili kong buhay- para sa ‘yo.

Alam ko, magiging okey ka rin.  May awa ang Diyos sa Itaas. Sasabihin ko na sa iyo ngayon- sa tinagal-tagal ko sa mundo ng showbiz, at sa limampung taon ko nang pagkakalagi sa mundong ito- ikaw na yata ANG PINAKAMABAIT NA TAONG NAKILALA KO. Totoo iyan. Walang biro.

Huwag kang mawawala, JM. Kaya mo iyan. Makakabalik at makakabalik ka. Tulad ko rin. Lagi kong nakikita ang daan pabalik. Lagi kong nalulutas ang “MAZE”. At siguro, sa tulong ng isang ANGHEL (na nagmamahal din sa iyo), makakabalik at makakabalik pa rin tayo.

Basta, JM. Ingat lang. Alalahanin mo, marami kaming nagmamahal sa iyo.

Hanggang sa muli. Hihintayin naming lahat ang iyong PAGBABALIK.

 

NAGMAMAHAL, 

ang iyong Ina-Inahan- Roberta.*

"naririto ako para sa iyo, jm.... habambuhay".

jm2 jm5 jm4

"jm. naririto lang ako para sa iyo...habambuhay."
“jm. naririto lang ako para sa iyo…habambuhay.”

2 thoughts on ““KUMUSTA KA, JM?” (isang bukas na liham para sa isang natatanging tao sa loob ng puso ko…)

  1. Thank you for this message to JM, Roberta. I have the same sentiment and you express the feeling that I wanted for him to hear. Like you, I miss him and having regret for NOT having made use of this opportunity and take advantage of what he has since he has good potential—a very good actor. I also consider him as part of extended family, a lost nephew not just a follower. I am praying for him that he get well soon, to stay strong, keep the faith, and believe that the guidance of our Lord and the Holy Spirit are with him.JUAN MIGUEL DE GUZMAN, we are ALL waiting for your homecoming soon. God bless!

  2. Thank you for this message to JM, Roberta. I have the same sentiment and you express the feeling that I wanted for him to hear. Like you, I miss him and having regret on his part for NOT having made use of this opportunity and take advantage of what he has since he has good potential—a very good actor. I also consider him as part of my extended family, a lost nephew not just a follower. I am praying for him that he get well soon, to stay strong, keep the faith, and believe that the guidance of our Lord and the Holy Spirit are with him.JUAN MIGUEL DE GUZMAN, we are ALL waiting for your homecoming soon. God bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s