nikki co and pj aguilar ong signs up with calayan surgicentre as their sponsors!


NIKKI CO, DR. MANNY CALAYAN AND PJ AGUILAR ONG
NIKKI CO, DR. MANNY CALAYAN AND PJ AGUILAR ONG
DAD MARTIN MARTIN, DR. CALAYAN, NIKKI AND PJ
DAD MARTIN MARTIN, DR. CALAYAN, NIKKI AND PJ

mm3 mm4 mm5 mm6 mm7

NIKKI SIGNS THE SPONSORSHIP CONTRACT AT THE CALAYAN SKIN CLINIC
PJ SIGNS THE SPONSORSHIP CONTRACT AT THE CALAYAN SURGICENTRE.

mm9mm10

Ang mga mababait na bata ay tunay namang pinagpapala. Look naman, isang higanteng skin clinic lang naman po ngayon ang siyang magi-sponsor sa pangangalaga ng kutis at hitsura ng Elites Model Management talents/hearthrobs na sina Nikki Co at PJ Aguilar Ong. Nangyari ang pirmahan ng kontrata kamakailan lamang sa mismong klinika nina Dr. Manny & Pie Calayan, ang Calayan Surgicentre sa may Makati City.

Si Nikki na isa na rin ngayong contract artist ng GMA Artist Network at nag-land as one of the top finalists ng nakaraang Starstruck search ng channel 7, ay magiging abala sa taong ito sa mga inihahandang proyekto sa kanya ng channel 7. Kaya talagang kailangang mapangalagaan ng husto ang kutis niya.

Samantala, si PJ naman, na busy ngayon sa kanyang Acting Workshop sessions under the Elites Acting & Modelling Workshop, ay abala naman sa kanyang mga modelling & billboard ads na mga proyekto. Panay ang pictorial lately ni PJ sa mga billboard projects niya.

“Talagang inihahanda ko na sila”, sabi ni dad Martin Martin, ang ‘Godfather’ ng Elites. “Importante ang magkaroon sila ng sponsor pagdating sa kutis nila. Natural, artista sila at kailangang laging makinis ang kutis nila. Isa iyan sa mga payo ni direk Franniel Zamora nu’ng maging guest speaker sa acting workshop nila. Ang ihanda ang hitsura at personalidad nila sa pagpasok sa mundo ng showbiz.”

Almost halfway na ang Acting workshop ni PJ at talaga namang sa ika-apat na araw ng workshop, nagpakita na si PJ ng kakaibang galing sa pag-arte. Konting hasa pa at puwedeng-puwede na siyang isabak sa mga teleseryes sa telebisyon!

“God is good”, pagtatapos na wika ni dad Martin. “Ang Elites ko ay nag-survive on its own. I can say na isa kaming independent company na tumatayo lamang sa sarili namin. Pero masaya ako sa mga magagandang pangyayari ngayon. My Elites family is like a true family to me!”

Goodluck, Nikki, PJ and dad Martin!

 

(words by robert manuguid silverio, with photos courtesy of mr. martin martin).*

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s