patricia carriedo: versatility and beauty equals great talent!


(ms. patricia caredo showing her acting skills in the vid above. video courtesy of martin martin).*

patricia can play the guitars
patricia can play the guitars
patricia: beautiful and telegenic
patricia: beautiful and telegenic
patricia with starstruck finalist nikki co
patricia with starstruck finalist nikki co
patricia: perfect as a model and also as an actress
patricia: perfect as a model and also as an actress

You name it. She has it.

Beauty, talents, versatility, brains, appeal and of course, determination.

Iyan ang napansin namin na magagandang qualities ni Patricia Carriedo, the newest female talent/model of The Elites Model Management, under the wings of dad Martin Martin.

Sa nagdaang dalawang workshop days na so far ng The Elites Acting & Modelling Workshop, isa sa mga naging outstanding agad sa paningin ng isang blogger itong si Patricia. malalim siya, madaling umiyak at nakakaarte talaga, very quick in getting instructions at very professional. Mapapansin mong seryoso siya talaga upang mas matuto pang umarte ng maayos sa papasukin na niyang acting profession.

“I can consider myself po very new talaga in this acting thing”, sabi ni Patricia sa isang blogger. “Although nakagawa na po ako ng dalawang short films na naging web series sa Youtube.Com at Internet, hindi ko po masasabing professional na agad ako o veteran dahil mga short films po lamang iyon. That’s why I joined this acting workshop of The Elites to further enhance my acting skills.”

Patricia is very beautiful in person at mukha din siyang beauty queen dahil matangkad siya. She has a very whitish flawless skin na puwedeng-puwede ring maging endorser ng mga beauty products.

“But when dad Martin told me that I should really be an actress, that’s the time na I felt that I must prioritize muna how to act good and well”, dagdag na sabi ni patricia. “I am so glad that dad Martin got me as one of her talents and models now.”

Naging Youtube sensation din si Patricia. kasi she uploads every now and then sa Youtube ang kanyang mga singing videos, dancing skills, and even guitar playing. Maraming humanga sa maraming talents na iyon ni Patricia at versatility,  kaya naman napakaraming views ng mga vids na iyon ni Patricia sa Youtube. She became a Youtube sensation!

“My idol is Marian Rivera”, sey pa ni Patricia. “I love her beauty and her frankness. Sa mga lalaki naman po, ang crush ko ay si Tom Rodriguez. Ang lakas-lakas po kasi ng charming ways niya kapag napapanood ko siya sa TV.”

Magaling ding mag-drawing at mag-paint si Patricia, and that makes her a TRUE ARTIST. Kaya pala malalim ang pagkatao niya dahil very artistic na tao siya.

Patricia’s Philosophy in life is very sensible:

“Kung may dumating na opportunity, just grab it”, sey ni Patricia. “Kasi, kung hindi ka gumagalaw at nasa isang sulok ka lang palagi, life will just pass you by. Walang mangyayari, eh. You might as well enjoy life na lang and meke the most out of it.”

Most memorable para kay Patricia yung araw na inalok siya ni dad Martin Martin na pasukin na ang mundo ng showbiz.

“Kasi po, yun naman ang dream ko talaga”, pagtatapos na sabi pa ni Patricia. “At nu’ng nag-offer si dad Martin sa akin na maging manager ko, tuwang-tuwa po ako. Kaya pagbubutihin ko po. I want to prove to dad Martin na hindi siya mapapahiya sa akin.”

Goodluck sa iyo, Patricia!

 

(words by robert manuguid silverio) 

pat6

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s