direk franniel zamora will bond with workshoppers on d elites acting workshop this saturday, and talks about his memories with kuya germs…


direk franniel
direk franniel
the elites workshoppers
the elites workshoppers

He recently won as Best Director for a Musical Play at Aliw Awards which was held last December. Dahil sa napakaayos niyang pagkaka-direk sa musical play na “Kanser@35: The Musical”, marami rin ang pumuring theater critics sa kanya at bloggers. For many years, he has dedicated his life for the arts, at sa mga arts and theater circles na kinabibilangan niya, prominenteng-prominente ang visibility niya at socialization. Although he started it out as a singer, sa mundo ng teatro siya mas tiningala at mas hinangaan.

SIYA AY WALANG IBA KUNDI SI DIREK FRANNIEL ZAMORA, ONE OF GANTIMPALA THEATER FOUNDATION’S MOST-LOVED DIRECTOR.

At, napakasuwerte naman ng mga workshoppers ng The Elites Model Management ni dad Martin Martin dahil nagpaunlak si direk Franniel sa imbitasyon ni blogger SSSIP na makipag-bonding sa Sabado, January 16, sa mga modelo at aspiring actors ng The Elites. Yes po, isang magaling na direktor lamang sa teatro ang makakasalamuha nila. Direk Fran will share his thoughts on the art of Film and Theater acting. Naman. Ang bait-bait talaga ni direk Fran sa kaibigan niyang blogger. Nakaka-touch ng puso. Dahil wala siyang hiniling na kapalit, basta sa pakikisama sa kaibigan, all-out si direk Fran!!!

Sinabi pa ni blogger SSSIP kay direk Fran, na very promising sa lahat ng workshoppers ang newcomer na si PJ Aguilar Ong. Kaya naman ngayon pa lang, pinag-uusapan na sa showbiz circles ang “birth of a new actor” in person of PJ Aguilar Ong.

Tuwang-tuwa naman si dad Martin dahil isa si direk Fran sa mga paborito niyang singers nuong bagets pa si direk Fran. Type niyang maging kaibigan si direk Fran.

Meanwhile, isa sa mga nalungkot ng husto si direk Fran sa pagpanaw ng isang haligi ng Entertainment Industry- na walang iba kundi si German Moreno. Kaya naman nu’ng very first day pa lamang ng pagdala sa mga labi ni Kuya Germs sa Mt. Carmel church, kasama si blogger SSSIP ay naroon na agad si direk Fran. Kaya naman nakita nilang dalawa ang pagbaba ng mga labi ni kuya Germs papasok sa loob ng Mt. Carmel church. Saglit ding napaiyak si direk Fran nu’ng mga sandaling iyon.

“Napakalaki ng naitulong sa career ko noon bilang singer ni Kuya Germs”, pagbabalik-gunita pa ni direk Fran. “Kada may bagong single ako at record album, guest agad ako sa mga shows niya na Daigdig Ng Mga Artista at GMA Supershow. Suki na niya ako. Maski na nuong direktor na ako sa teatro, madalas pa rin niya akong i-guest sa Walang Tulugan. Very supportive talaga siya sa mga kapwa niya celebrities.”

Iko-cover ng potograpong si Edwin DC ang pagiging V.I.P. guest ni direk Fran sa darating na Sabado, January 16 sa Elites Acting Workshop. Tiyak na grabeng bonding at acting ang mangyayari niyan. Salamat, direk Fran!!!

 

(words by robert manuguid silverio)

direk franniel: very supportive to aspiring new actors
direk franniel: very supportive to aspiring new actors

pjxx

the elites workshoppers in action!
the elites workshoppers in action!

elites5

blogger sssip, radio show host renee garcia and elites model paul aquino
blogger sssip, radio show host renee garcia and elites model paul aquino

elites2

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s