PJ AGUILAR ONG: A NEW STAR IS BORN!


PJ: sexy
PJ: sexy

Kung titignan mo ang napakaraming bituin sa kalangitan, magtataka ka kung bakit sila kumikislap sa isang madilim na gabi. Kung saan nanggagaling ang liwanang nila at alindog. At may mangilan-ngilan pang bituin na tila nagsasayaw pa sa gitna ng kalangitan na iyon. At sasabihin mo sa iyong sarili- “Oo, may Diyos nga”.

Sa Siyensiya, napag-aralan na ng mga scientists na may mga bagong bituin na sinisilang kada isang minuto o kada isang araw. Sila ang mga tinatawag na BAGONG BITUIN. Hindi pa man gano’n kaliwanag ang kislap na binibigay nila, pero nagbabadya rin sila kakaibang excitement, pananabik at pagka-mangha.

PJ: looking like a Greek God
PJ: looking like a Greek God

Alisin man natin ang literal na kahulugan ng lahat ng ito, sa mundo ng showbiz, araw-araw ay nadaragdagan ng mga bago at aspiring NEW STARS. Mga bagong bituing magniningning din balang araw.

Isa na rito si PJ AGUILAR ONG na mula sa pangangalaga ng The Elites Model Management ni dad Martin Martin. YOUNG, FRESH, HANDSOME, VIBRANT AND TALENTED.

PJ in formal wear, as captured on the lens by photographer EDWIN DC
PJ in formal wear and casual wear, as captured on the lens by photographer EDWIN DC

pjx3

PJ is 19 years old, and he hails from Iloilo City. Nakalabas na siya sa ilang independent and short films sa ilang schools sa Iloilo City. Naging model din siya doon. At marami na ang nagsasabi, mula pa nu’ng bata siya, na puwedeng-puwede siyang artista.

Matanong natin si PJ, sino ang inspirasyon niya kung bakit niya papasukin ngayon ang mundo ng pag-aartista?

“Family ko po ang inspiration ko sa papasukin kong mundo ng pag-aartista”, bungad na sagot ni PJ. “Para po mabigyan ko sila ng magandang pagtingin sa akin at magandang pangalan na rin sa sarili ko. To prove to everybody also na kaya ko ito. Na kaya kong maging isang artista.

“Kasi dati, ang gusto ko lamang ay maging isang ordinary performer na sumasayaw lang”, dugtong na sagot ni PJ. “Pero ngayon, mas lumawak ang gusto ko. Kaya pati pag-aartista po ay papasukin ko na rin. Habang may opportunity po na dumarating, kukunin ko. Sayang po ang mga pagkakataon kasing dumarating ngayon sa buhay ko.”

pjx3 pjx4 pjx5

Laking probinsya si PJ, kaya alam niya sa sarili niya na marami pa siyang dapat na matutunan.

“Lalong-lalo na po ang pakikisalamuha sa mga tao”, anya pa. “Lalong-lalo na po sa mga fans. I am proud to say kasi na may mga fans na rin ako ngayon. Kung paano makisama sa kanila, kung paano magkaroon ng tamang Public Relations, I feel na isa iyan sa pinaka-importanteng bagay na dapat kong matutunan.

“Tapos, dapat ko ring matutunan ng husto ang pagsasalita ng fluent Tagalog”, dagdag muling sabi ni PJ. “Aalisin ko po iyong Ilongo accent ko kaya nga excited na rin ako sa gagawing Acting Workshop namin dahil alam kong malaki ang maitutulong nu’n para mawala ang Ilongo accent ko… Tito Robert, I know na dapat lahat ay matutunan ko talaga. Serious kasi ako sa pag-aartista. Sa mga nakilala kong beteranong artista, marami na rin silang naibigay na advices sa akin at susundin ko lahat ng iyon.”

Dapat ay nakasali last year si PJ sa Starstruck, ang nationwide talent search ng channel 7. Pero dahil nag-aaral pa nuon si PJ ay hindi agad siya nakasali. Na-late siya sa mga auditions. Kaya ngayon, sa pangangalaga ni dad Martin Martin, unti-unti na siyang nag-undergo ng proper training on becoming a star.

 PJ describes himself as happy-go-lucky, makulit, sensitive and charming. He considers his set of eyes as his most impressive physical asset.

“Marami po kasing nakakapuna sa mga mata ko, palagi po iyan”, sabi ni PJ. “Maganda daw ang mga mata ko. Parang laging may sinasabi raw.”

A mixture of looks ng mga teen actors na sina James Reid and Ruru Madrid ang physical features ni PJ. Habang tumatagal ay lalo siyang gumuguwapo sa paningin mo. Kaya naman talagang malaki ang “K’ niya na sumikat.

“Handa na po ako”, pagtatapos pa niyang sabi. “At determinado ako talaga sa gagawin ko. Malaki po ang tiwala ko sa mga taong tumutulong sa akin ngayon na makakamtam ko rin ang mga pangarap ko.”

 

 (by robert manuguid silverio)

PJ IN BONDING TIME WITH VETERAN CELEBRITIES EVANGELINE PASCUAL AND REZ CORTEZ IN HIS VISIT AT THE KAPPT OFFICE. HE'S FOLLOWING ALL THE ADVICES THEY GAVE TO HIM THAT DAY.
PJ IN BONDING TIME WITH VETERAN CELEBRITIES EVANGELINE PASCUAL AND REZ CORTEZ IN HIS VISIT AT THE KAPPT OFFICE. HE’S FOLLOWING ALL THE ADVICES THEY GAVE TO HIM THAT DAY.
With Martin Martin, Paul Aquino, Paul Jansen Ong, Reggie Musico and Mark Lim at The Kingdom of Nuj Nuj.
With Martin Martin, Paul Aquino, Paul Jansen Ong, Reggie Musico and Mark Lim at The Kingdom of Nuj Nuj.
PJ with the NICKTERS fans.
PJ with the NIKSTERS fans.
pj with dad martin martin, felix christian zepeda and a friend
pj with dad martin martin, felix christian zepeda and a friend
martin martin, pj, nikki co and nikki's mom
martin martin, pj, nikki co and nikki’s mom

One thought on “PJ AGUILAR ONG: A NEW STAR IS BORN!

  1. The Lord be with you Pj Aguilar Ong wherever you are whatever you do. And to you Mr.Robert Manugid &Mr.Martin Martin ,The Lord be w/ you all . Pls.read the promised of the Lord …Jerimiah 29:11 FOR I KNOW THE PLANS I HAVE FOR YOU ..💋💋💜💜

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s