freshters celebrates their christmas get-together with their idols the freshmen and rocco nacino…


the freshmen with the freshters
the freshmen with the freshters in a group shot

 

Nabuo ang Freshters taong 2013 because of Cortneygene Asunsion, and later on, nu’ng mag-put-up siya ng FB Fan Page ng Freshmen, naging co-admin niya si Ms. Cheska Manlapaz, na siyang pangkasalukuyang Presidente ng Freshters Fans Club.

Nag- start ‘yung Freshters nu’ng mapanood sila ni Cortney sa late-night TV show na Walang Tulugan ni German Moreno sa channel 7. Magmula nuon ay humanga na si Cortney sa nasabing grupo.Tapos, si Cheska naman, nakilala niya ang Freshmen sa isang big event sa may  World Trade Center sa Pasay City- ito ang event na P-POP REVOLUTION. Hanggang sa naging super-active na rin si Cheska sa grupong Freshters.

 Mas lalong lumago ang Freshters in the past two years at dahil na din sa dami ng mga naging shows and gigs ng Freshmen sa iba’t ibang lugar, mas lalo silang nakilala at sumikat. In fact, nakapag-record na rin sila ngayon ng sarili nilang awitin sa Ivory Records and it was released and launched in early part of the year 2015.

Heto presently ang limang administrative officers ng Freshters Fans Club: Cortneygene Asunsion,  Cheska Manlapaz, Lheslie De Guia, Joana Palanog and Inah Capistrano.

 At ngayong heto na ang 2016, malapit na ring mag-tatlong taon ang Freshters fans club ng Freshmen na halos may 2,000 members na all-over the country. Yung 2,000, iyon ang mga active members lang. Pero sa mga Facebook “likes” and “followers” nila, talagang sobrang libo-libo na, at karamiha’y mga taga-Borongan, Samar (na hometown ng road manager nilang si Arthy AC). Sobrang napamahal kasi ang mga taga-Borongan sa Freshmen, dahil sa tuwing may kalamidad sa lugar nila, laging naroroon ang Freshmen para dumamay sa kanila, tumulong at, ang pasayahin sila.

Nitong nakaraang December 27, 2015, Sunday, ay nagkaroon ng very intimate na Christmas get-together party event ang mga Freshters na ginanap sa Rufo’s Famous Tapa Restaurant (sa may Timog Avenue branch) na pag-aari ng aktor na si Rocco Nacino at ng brother nitong si Kyle. Naku naman, talagang kay saya-saya nu’ng hapon na iyon. Kumpleto lahat ang Freshmen para pasayahin ang kanilang fans- sina Sam Ayson, Levy Montilla, Derick Gernale, Patrick Abeleda at Thirdy Casas. Talagang nakipag-bonding-to-death ang mga ito sa mga piling-pili na mga fans na nakadalo sa event na iyon. Siyempre, kumanta rin ang Freshmen which they dedicated mga fans na nagsidalo that day.

Present din siyempre ang manager ng Freshmen na si Bob Nazareno, at ang road manager na si Arthy AC. At naging very special guest nila ang popular actor na si Rocco Nacino, kasama ang mabait nitong mommy na si Mrs. Linda Nacino. Ginawa ito ni Rocco dahil isa rin sa mga fans niya si Lheslie de Guia na officer ng Freshters at fan din ng ng Freshmen. Kaya si Lheslie na rin mismo ang personal na nag-imbita kay Rocco na dumalo sa event nila at hindi naman ito humindi sa naging hiling ni Lheslie. Unang nakasama ni Rocco ang Freshmen sa pelikulang San Pedro Calungsod: The Movie nuong taong 2013, dahil kasama sa cast ng said movie ang lahat ng Freshmen (na nagkaroon ng mga bit roles sa pelikulang iyon)- sina Sam, Derick, Thirdy, Levy at Patrick.

“Sa ngayon po, marami kaming mga plano sa fans club naming Freshters, pero wala pang finalizations as of now, kaya hindi pa po namin puwedeng i-reveal”, sabi pa ni Cheska Manlapaz, Presidente ng Freshters Fans Club. “At sa ngayon, sumusuporta kami sa Freshmen sa pagiging Ambassadors of Goodwill nila ng Children of HOPE Foundation. We will support them always in all their undertakings. Lalo na sa mga gigs and concerts nila.”

More power to Freshters! And we love you, FRESHMEN!!!!

(PHOTOS COURTESY OF MR. ARTHY AC and MS. JOANA PALANOG….. MEANWHILE, RUFO’S RESTAURANT PHOTOS COURTESY OF INTERNET AND GOOGLE SOURCES).*

RUFO RUFO2

actor rocco nacino with the freshters and freshmen
actor rocco nacino with the freshters and freshmen

FRX1

arthy ac (from left, the road manager of freshmen), actress sue ramirez (of tv teleserye pangako sa 'yo) and mr. bob naz (manager of freshmen)
arthy ac (from left, the road manager of freshmen), actress sue ramirez (of tv teleserye pangako sa ‘yo) and mr. bob naz (manager of freshmen)
THE FRESHMEN!!!
THE FRESHMEN!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s